Sa ang ilan sa mga libingang ito ay nagsimula pa noong pitung-libong taon na ang nakakaraan. Ang Newgrange ay tinaguriang korona na hiyas. Ang higanteng bato na ito ay napabalitang tahanan ng ilang mga diyos, at nagpapakita ng kanilang mga kaluluwa. Pinapaniwalaan ring ang mga pinakamalalim na silid nito ay naglalaman ng labi ng tao.

Dahil sa misteryo ng Newgrange ay walang mga siyentipiko sa kasalukuyan ang nakakapagpatunay ng mga nilalaman at ng kahulugan ni Newgrange. Ngunit naniniwala si Dr. Daniel Bradley ng Trinity College na maaari siyang magtagumpay kung saan maraming iba ang nabigo. Ang geneticist na si Dr. Bradley ay isa sa pinakamahalagang dalubhasa sa sinaunang DNA at sinuri ang nasabing lambak kasama ang kanyang katrabaho na si Lara Cassidy.

Dahil sa mga nagdaang siglo, hindi lahat ng nakatira sa paligid ng Lambak na iyon ay alam ang misteryo ng Newgrange. Ang iba pa sa mga naninirahan doon ay “nanghiram” ng mga bato sa lambak upang ipagpatayo ng kanilang mga tahanan. Ngunit kahit may pagdadalawang-isip ay kumpyansa si Lara Cassidy na sila ay makakahanap ng DNA sa mga pasikot-sikot at maliliit na puwan ng Newgrange. Naisip din nila Cassidy at Bradley na ang sinumang nakakonekta sa nasabing lambak ay dapat na kilalang-kilala sa lipunan. At ang sinumang inilibing doon ay dapat maging alamat.

Hindi mawala sa isip nina Dr. Bradley ang ganda ng istraktura ng Newgrange. Kahit hindi pamilyar sa nakararami ang arkitektura sa paggawa nito ay bakas sa pagkakatayo ang kagalingan ng paggawa, at kung sino man ang nagtayo nito ay ito na maari ang kanilang nabuo noong unang panahon.
Nagtuloy sila Bradley at Cassidy sa pangangalap ng mga DNA at doon nila napagtanto ang maraming mga impormasyon gaya ng possibleng taon ng pagkamatay ng mga ito, ang etnikong kanilang pinagmulan at marami pang iba. May mga labi pa nga na halos magkakatulad lamang ng DNA kaya’t sinuspetyahan ng dalawa na produkto ito ng incest na relasyon.

Sa pag-aaral na ito, pinatunayan nila Dr. Bradley at Cassidy na kahit sa huling hantungan, ilang siglo man ang lumipas, mayroon paring makakalap na impormasyon patungkol sa sibilisasyon ng isang bansa, partikular na sa Ireland. Ang mga historyador na nagnanais na isiwalat ang katotohanan sa nakaraan ay kailangan lamang ng mga matitibay na ebidensya upang mapatunayan ang mga kaganapab sa nakaraan at hindi puro haka-haka lamang.

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
Lalaki, Nagulat sa Natagpuan Niya Matapos Pasukin ang Lihim na Pinto na ito sa Gitna ng Kagubatan!

Kilala sa Youtube ang channel ni WWII History Hunter. Gaya ng kanyang username, mahilig mag-explore ang lalaking ito sa mga lugar na pinangyarihan ng World War 2 noong 1939 hanggang 1945. Nais rin niyang alalahanin ang mga makasaysayang pangyayari na naganap sa mga lugar na ito.

Tuwing nag-e-explore siya ay lagi rin siyang may dalang camera upang mai-record ang kung ano mang natagpuan niya. Sa isang video, ipinakita ng vlogger na naglalakad siya sa isang malaking kagubatan sa Atlantic region. Walang tao sa paligid, at talaga namang masasabing mukhang abandonado na ang lugar.
Maya-maya pa, napansin niya na mayroong trap door sa lupa. Unti-unti niya itong hinukay, hanggang sa nakita niya ang kabuuan ng makipot na pinto. Nang pinasok niya ito, hindi niya akalain ang matatagpuan niya sa loob! Habang bitbit ang kanyang camera, dahan-dahan siyang bumaba sa trap door.


Halos tatlong kilometro rin ang haba ng makipot na espasyong pinasukan niya. Pagpasok niya sa loob, mapapansin na talagang pinaglipasan na ng panahon ang bunker na ito. Kinakalawang na ang mga bakal, at tila nabubulok na rin ang kahoy na pintuan sa loob. Nakakita rin siya ng mga lumang baril.
Ayon kay WWII History Hunter, mukhang dating kuta ng mga sundalong German ang bunker na ito. Sinadya nilang ilagay ito sa gitna ng kagubatan upang hindi agad matunton ng mga kalaban. Ang tanging paraan lamang para makapasok dito ay ang makipot na trap door na nakita niya.

Panoorin ang kanyang exploration dito:
Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
Giant Hole Ortigas, may misteryo palang bumabalot na hindi alam ng marami

And if you ride MRT, for sure that you have seen a much better view of that deep pit right across from Robinsons Galleria and the POEA (Philippine Overseas Employment Administration) building.

The said area, which is now the habitat of vegetation and moss has sparked speculations over the years.
Why is it there? Is that an unfinished project? Is that an aftermath of an earthquake?
But according to Esquire Magazine, here’s what exactly happened:

“In the mid-1990s, the lot owner, a company called San Buena Realty and Development Corp., partnered with E. Ganzon Inc (EGI) to develop the land. The site measures 4,109 square meters and the idea was to build a 77-story mixed-use building with an eight-story basement. It was going to have a hotel, luxury residential units, and a bar right at the top. The project was to be called SkyCity Tower, and the developers had dreams of it being the tallest building in the country.” the wrote.

But due to lack of credentials and permits, the said project was postponed, leaving the gaping hole stuck in the area.
The Court cannot find fault in HLURB’s assertion that the real test of whether a land use serves the need of a district is not in the size or height of the buildings but in the sufficiency or surplus of the business or human activities in a given district to which they cater,” Supreme Court Justice Roberto Abad says in the decision.
What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!
Pinakamalaking Bunganga Ng Bulkan Sa Buong Mundo, Nasa Sa Karagatan Ng Pilipinas
Nabahala ka ba sa pagsabog ng Bulkang Taal? Kabilang ka ba sa mga naapektuhan nito o kilala mo ang ilan sa mga matinding napinsala ng natural na penomenong ito? Baka mas mabahala ka matapos mong basahin ang artikulong ito.
Napakatindi ng takot na ipinadama ng pagsabog ng Bulkang Taal sa bayan ng Batangas pati na sa mga karatig na bayan nito na naganap noong nakaraang taon. Madaming tao ang talagang napinsala ng pagsabog nito pati na ang kanilang mga kabuhayan, gamit at ang kaawa-awang mga alagang hayop.
Sa tindi ng pinsalang ipinadama nito, walang magawa ang mga tao, mayaman man o mahirap, kundi ang tumingin na lang sa kanilang mga natabunan ng abong mga pag-aari. At ang nakakatakot pa nito, hindi lang iisang bulkan ang mayroon sa Pilipinas kundi napakarami pa.
Isang grupo ng mga siyentipiko ang nakatuklas pa ng isang caldera sa ating bansa.
Sina Jenny Anne Barretto, isang Filipina Marine Geophysicist, Ray Wood at John Milson, na naka-base sa New Zealand ay gumagawa ngayon ng isang report tungkol sa physical feature ng Benham Rise.
Doon, nadiskubre nila ang Apolaki Caldera, ang sinasabing pinakalamalaking caldera na makikita sa buong mundo. Sinasabi na may lawak itong halos 150 kilometro.
Para kang nag-drive mula Quezon City hanggang Tarlac City nang balikan. Ganoon kalawak ang bibig nito. Gayunpaman, ang mga detalyeng ito ay nananatili pa ring misteryo at marami pang mga detalye ang hindi natin lubos na nalalaman at naiintindihan.
Batay naman sa mga reports ng University of the Philippines Marine Science Institute Geological Oceanography Laboratory, ang lawak ng Apolaki Caldera ay maihahalintulad sa lawak ng shield calderas ng Mars’ Olympus Mons na siyang pinakamalaking bulkan sa ating solar system.
Talaga namang ang ating bansa, na binubuo ng halos 7,641 mga isla ay talagang nagtataglay ng napakagagandang at kahanga-hangang mga tanawin at mga hayop mula sa lupa, dagat at hangin.
Gayunpaman, ang Pilipinas din pala ay nagtataglay ng marami pang kakaiba at kahanga-hanga o nakababahalang mga bagay na baka hindi pa natutuklasan.
The post Isang banka, inanod sa dalampasigan binigla ang lahat matapos tingnan ng mga eksperto ang loob nito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments