Sa panahon natin ngayon hindi na bago para sa atin ang makakita ng mga bagay bagay na mayroong sobrang laking halaga. Katulad na lamang ng mga mamahaling alahas, bag, sapatos, gadget, sasakyan at iba-iba pang mga bagay-bagay.
Pero alam niyo ba na maging sa mga hayop ay meron din palang hindi biro ang halaga, na tipong umaabot lang naman sa 91 milyon pesos ang halaga.
Maaaring nagulat kayo sa halaga ng hayop na ito pero siguradong mas magugulat kayo kapag nalaman niyo kung ano nga ba ang hayop na may ganitong halaga.
Ang hayop na ito ay isang “Kalapati” o “Dove”, kung saan isang Chinese ang hindi nagdalawang isip na bilhin ito sa halagang $1.9 Milyon o aabot sa mahigit sa 91 milyon kung ito ay icoconvert sa pera sa Pilipinas.
Ang kalapati na nabili ay may lahi na “Belgian-bread pigeon”, kung saan ay nakilala bilang isa sa pinaka magaling sa karera ng mga kalapati. Ito ay ayon sa ulat ng Forbes.
Sa dalawang linggo auction sa kalapati ay inabot ito ng $1.5 Milyon. At napag-alaman din na ang kalapati pala na ito ay tinaguriang best long distance racing pigeon of all time. Kung saan ay marami na pala itong karerang napanalunan at dagdag pa dito ay marami na din itong naungusan sa mga records ng mabibilis na kalapati.
Tunay ngang hindi biro ang halaga ng kalapati na binili ng isang Chinese pero ganon pa man ay marahil mayroong malalim na dahilan kung bakit niya ito binili.
Paniwala ng marami ay malamang gagamitin din ito ng Chinese upang ipang isali ang kalapati sa mga karera at sa ganong paraan ay kikita pa ito at mababawi ang nilabas na pera.
Narito ang ilan sa mga kommento ng netizens online, matapos makita ang balita na ito.
“Malamang gagamitin yan sa pustahan at siguradong sure win :D”
“Hindi biro ang ginastos ng Chinese na yan, napakarami mo ng mabibili sa ganong halaga. Marahil sobrang galing talaga ng kalapati na yan”.
“Nagkakarera kami ng kalapati, magiling talaga yung lahi na ganyan at malaki ang chance na manalo sa mga pustahan”
Maari niyo din ibahagi ang inyong kommento tungol sa post na ito. Kung kayo ang tatanongin ano nga kaya ang dahilan ng Chinese na ito kung bakit binili ang kalapati na may hindi birong halaga.
Lalaki, Nαkαrαtαy na Ngαуσn Matapos Ibєnta ang Kidnєy Kαραℓιt ng Bagong Model ng iPhone
The post Isang Kalapati, Naibenta Ng Php 91-Milyon. Mga Netizens, Napanganga appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments