Jake Ejercito, emosyonal na inihatid ang kanyang unica hija na si Ellie sa airport dahil sa pagbalik nito sa Siargao
Isang emosyonal na ama ang nagpaalam ng muli sa kanyang unica hija.
Sa kanyang Instagram post ngayong araw May 10, emosyonal si Jake Ejercito
Nang ibahagi niya ang litrato nila ng anak na si Ellie.
Kuha ito sa airport kung saan hinatid na ni Jake si Ellie pauwi sa Siargao.
Kung saan namamalagi ang ina nito na si Andi Eigenmann kasama ang fiancee na si Philmar.
Pati na din ang mga nakababata niyang kapatid na sina Lilo at Koa.
Samantala, sa nasabing litrato ay makikitang mahigpit ang yakap ng mag-ama sa isa’t isa.
May kuha din na hinahalikan ni Jake ang kanyang unica hija sa noo nito.
Bago pa ito ay nagpost din si Jake ng litrato ni Ellie na natutulog sa couch.
Saad niya sa caption, “Last full day before she returns to her island life.”
Kung matatandaan, si Jake mismo ang sumundo kay Ellie sa Siargao.
Ilang araw din siyang namalagi sa Isla at ang kanyang anak ang personal tour guide niya.
“Basically I was there for four days and three nights. Ayon nga, what’s wonderful about it was naging parang tour guide ko si Ellie. Basically parang local na siya doon, parang local na siya, and ako, first timer ako, so si Ellie ang nag-ikot sa akin,” saad ni Jake sa isang panayam
“I asked her to show me kung saan siya nagpupunta every day, kung saan siya naglalaro, kung saan siya kumakain, so iyon ang mga inikot namin while I was there,” dagdag pa nito.
Nang mga panahon na yun ay first time ni Jake sa Isla.
Dito rin unang nakilala ni Jake nang personal si Philmar Alipayo, ang partner ni Andi.
Sa ngayon ay masaya si Jake na maayos na ang co-parenting relationship nila ni Andi.
Jake Ejercito, 5 yrs ng single, payag na muling makasama ang ex at ina ng kanyang anak na si Andi Eigenmann
Ipinakilala na si Jake Ejercito sa media noong April 30 bilang bagong Kapamilya at bahagi ng Dreamscape family.
Hindi naman nakaiwas ang aktor ng tanungin kung handa ba itong makatrabaho ang dating nobya na si Andi Eigenmann.
Sakaling mabigyan ng proyekto na magkasama.
Mabilis na sumang-ayon si Ejercito, na may anak kay Eigenmann na si Ellie, sa posibilidad na magkasama sila ng aktres.
“Yeah why not? If the opportunity arises, pero mukhang heavy drama ‘yun kung Andi kasi the heiress of drama kasi siya before e,” saad ni Jake.
Maging ang mother nitong si Jaclyn Jose ay wala raw problema at magiging karangalan pa raw kung makakasama ito ni Jake sa trabaho dahil kilala itong mahusay na aktres.
“Oo naman. It would be an honor kasi Cannes Best Actress. Of course definitely. Tita J. The one and only,” pagbabahagi pa ng aktor.
Natanong din si Jake kung papayagan ba nito ang anak na si Ellie kung gustuhin nitong pasukin din ang showbiz.
Saad ng aktor susuportahan niya ang anak sa kung ano mang gusto nito.
Nakikita din naman daw niya na kumportable na si Ellie sa harap ng kamera dahil na rin sa ilang photoshoots na nagawa nito kasama ang inang si Andi.
Hindi rin naman daw siya tututol sakali at gusto rin nitong mag-artista.
Sabi nga ni Jake, “If ever naman she decides to go to show business rin in the future, I won’t say no. Kung ano ang gusto niyang gawin, I will be rooting for her 110 percent.”
Samantala natanong din si Jake kung sino sa mga Kapamilya stars ang mga gusto niyang maka-trabaho.
Ilan sa kanyang mga nabanggit ay sina John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Piolo Pascual at Coco Martin.
Sa ngayon ay bahagi na si Jake ng teleseryeng “Marry Me Marry You.”
Andi Eigenmann Pinagbigyan Ang Hiling Ng Panganay Na Si Ellie Bago Ito Umalis Ng Siargao!
Binigyan ng isang espesyal na araw ni Andi Eigenmann ang kaniyang panaganay na anak na si Ellie para sa magiging huling araw na pananatili nito kasama siya sa Siargao.Sa inilabas ni Andi na video sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ng aktres na pupunta si Ellie sa Maynila para magbakasyon at makasama ang ama nito na si Jake Ejercito kaya naman bago ang pag-alis ng anak ay naisip nila na magkaroon muna ng activity bilang pamilya.
Sa nasabing YouTube vlog, makikita na abalang lumalangoy si Ellie kasama ang kapatid nito na si Lilo habang si Andi ay makikita naman na buhat ang kaniyang bunsong anak na si Koa sa partner na si Philmar Alipayo.
Pagbabahagi ni Andi,
“So we are at Siargao Inn today, this morning, because that’s Ellie’s last day request for an activity so she’s swimming here with her friends. She’s headed to Manila for a few weeks with her dad para they can spend time together, I’m really gonna miss her.”
Saad pa ng aktres, siya mismo ang nagtuturo sa kaniyang mga anak na lumangoy ngunit dahil magbabakasyon sa Maynila si Ellie, sila ay titigil muna.
Saad ni Andi,
“We’re not yet done. We’re just on a br3ak. Now I’m Lilo’s swimming teacher too.”
Matatandaan na sinundo ni Jake ang anak na si Ellie nitong Marso lamang sa Siargao. Ibinahagi pa nga ng aktor na si Ellie ang nagsilbing tour guide niya sa kaniyang pagbisita sa naturang isla.
Marami naman sa mga netizens ang natuwa sa bonding ng buong pamilya. Kapansin pansin din kasi na kahit simple lamang ang kanilang ginagawa ay masaya pa din sila na magkakasama.
Nagpasalamat naman sina Andi at Philmar sa lahat ng mga taong sumusuporta sa kanila sa YouTube, lalo na ngayon ay umabot na sa mahigit na dalawang milyon ang kanilang subscribers sa naturang video-sharing app.
0 Comments