Matatagpuan sa mga liblib na kagubatan sa Visayas at Mindanao ang isang klase ng puno na sikat at in-demand sa abroad.
Marami ang naghahanap sa nasabing puno kahit pa mga dayuhan ito ang hanap maging sa online ay sikat ang puno na ito.
Sinasabing ang katas ng puno na ito ay tinatawag na “Liquid Gold” dahil maari daw itong maibenta sa halagang P50,000 – P300,000 ang kada kilo nito.
Ang nasabing puno ay tinatawag na Agar o mas kilala din sa tawag na Lapnisan, malaki raw ang naibibigay na tulong nito sa ating mga kababayan at ang iba pa nga ay yumayaman dahil sa pagbebenta nito.
Pinapaapuyan daw ang puno para makita raw kung ito ay mayroong magandang klase na langis.
Ang Lalaki ay nakilala bilang si Bobby na tubong Leyte, Tinatayang P900,000 ang kinita niya sa pagbebenta niya ng halos dalawang bag ng lapnisan.
Ayon kay Bobby ang puno raw ng lapnisan at ang kaniyang pinagbentahan ay malaking tulong para sa kanyang pamilya.
Kung noon daw ay nakatira lamang sila sa maliit na kubo – ngayon daw ay nakapagpatayo na sila ng bahay na gawa sa semento.
Kwento pa niya marami na rin daw taga doon ang natulungan makaahon sa hirap ng lapnisan dahil sa talagang dinarayo daw ito ng mga dayuhan para bumili ng punong ito.
Ang halos lahat daw sa kanila ay nakapagpatayo na ng bahay ang ilan naman ay nakabili ng kanya-kanyang sasakyan.
Ang nasabing katas raw ng lapnisan ay ginagamit na sangkap ng mga mamahaling pabango, medicinal winé at insénso sa Thailand at Korea.
Tumutubo lang raw ang puno ng lapnisan sa mga liblib an kagubatan, malamig at matataas na lugar.
Matatagpuan rin ang punong ito sa mga bansa tulad ng Vietnam, China at Pilipinas. Ang punong ito ay tinatayang umaabot ng 10-12 feet.
Ngunit ayon sa DENR ang pagbebenta ng Punong ito ay ilegal dahil sa panahon ngayon ang ganitong puno ay endangerd na. Maging ang pagbebenta ng mga punla ng puno ng lapnisan ay may sinusunod ng regulasyon.
0 Comments