Kamakailan ay itinampok ng programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” ang kuwento ng isang dating construction worker na sumasahod lamang kada araw noon ng halagang P250 – na ngayon ay nanalo na sa l0tto ng tumataginting na P1.2 Million.
Ang construction worker ay nakilalang si Jack Morales mula sa lugar ng Basey, Samar. Ayon kay Jack ang pangunahing daw nilang pinagkukunan ng kabuhayang pamilya ay ang pangingisda.
Sila ay limang magkakapatid ngunit sa kasamaang palad ay wala kahit isa sa kanila ang nakatapos ng pag-aaral.
Isa sa pinakamalaking dagok daw na dumating sa kanilang buhay ay noong sinalanta sila ng Super Typhøøn “Yolanda” noong 2013 kung saan wala talagang natira sa kanilang bahay at wala silang naisalbang gamit kahit isa.
Subalit ang pagsubok at trahedya daw na ito ang nagbigay daan kay Jack upang magkaroon ng bagong trabaho.
Dahil halos lahat ng bahay sa kanilang lugar ay winasak ng super typhoon nagsagawa ang lugar ng Samar ng rehabilitasyon at housing projects , kaya naman isa si Jack sa na dating mangingisda na naging isang construction worker.
Samantala, Sikat daw sa kanilang probinsya ang ilegal na pagpapataya ng “645” ngunit meron din raw sa kanilang ganito ngunit “legal version” kung saan tumataya ang karamihan sa kanila sa mga l0tto outlets.
Tatlong numero lamang daw ang kailangan tayaan dito mula 1 hanggang 45 na numero. At kapag binola na raw ang mga ito at tumama ang iyong tatlong numerong napili siguradong “Jackpot” kana.
“Nakita ko pong may nagpapataya, tumaya po ako… Taya po ako ng taya araw-araw. Pag may gusto po akong number, iyon po `yong tinataya ko”. Saad ni Jack.
Kwento pa ni Jack araw-araw daw siyang tumataya dito sa halagang P50. Kapag tumama raw ang iyong numero ay maari kang manalo ng P15,000 at makalipas lamang daw ang ilang linggo ay nakuha ni Jack ang nasabing premyo.
Dahil sa pagkapanalo ay naengganyo pang tumaya si Jack na kung dati ay 50 pesos ay naging 100 pesos na ang kaniyang taya at muli raw nanalo si Jack ng 30,000 pesos na kanyang ipinambili raw ng mga gamit sa bahay at pinanggastos nila araw-araw.
Subalit sa pagkakapanalo mula ay tuluyan ng nalulong sa pagtaya si Jack. Ayon sa asawa mismo ni Jack hindi raw nila alam na tumataya raw muli si Jack sa “645” nagugulat na lamang daw sila na minsan ay nagasasayaw sa tuwa ang kanyang asawa sapagkat nalaman daw niya na nanalo siyang muli.
At sa bisperas raw mismo ng kanyang kaarawan ay tumaya raw ng tatlong magkakasunod si Jack nanagkakahalaga ng P4,000 at sa gabi rin daw na iyon ay ang kanyang tatlong malalaking halagang tinayaan ay nanalo at nakatanggap siya ng tumataginting na P1.2 Milyong piso.
Matapos raw manalo ng malaking halaga sa nasabing 645 lotto ay napagdesisyunan ni Jack na magresign bilang construction worker.
Na-plano na rin daw ni Jack kung saan gagamitin ang napanalunan at ang P200,000 daw ay kanyang itinabi para sa kanilang anak. at ang halagang P800,000 ay kanyang inilaan sa investment.
Ginamit naman ang P10,000 para sa pagpapaayos ng kanilang bahay at ang natitirang P190,000 ay kanyang inilaan para sa saving silang mag-asawa.
Subalit ayon kay Jack ay aminado siyang hindi siya marunong sa paghawak ng Pera. Dahil ang plano nilang savings na P200,000 ay naubos niya sa loob lamang ng isang Linggo.
Kwento niya ay araw-araw daw siyang umiinom at nagbibigay ng balato sa mga kapitbahay. Hanggang sa hindi daw niya namamalayang nagagastos na rin niya ang pera na para sa kanilang Anak.
Ang kanyang in-invest raw na P800,000 ay nalugi sa construction site.
Hindi nagtagal makalipas lamang ang tatlong buwan ay naubos lahat ang napanalunan ni Jack at ang mas nakakalungkot pa ay may utang siyang nagkakahalaga ng P600,000.
Dahil daw sa pangyayari ay dumaan sa matinding depresyon si Jack. Tumulong naman ang nasabing programa na KMJS na ipatingin siya sa espesyalista. at ayon sa espesyalista ang pinagdaraanan daw ni Jack ay “Major Depréssive Disørder”.
Bukod sa pagpapatingin sa espesyalista nagbigay ang programa ng kaunting puhunan upang makapagsimula ang pamilya ni pamilya.
Gayunpaman, sa kabila ng lahat ng pinagdaan sa buhay ay nanatili pa rin daw matatag si Jack at hindi daw siya bibitaw sa kanyang pangarap.
Balang araw ay makakaahon rin sila muli sa hirap lalo ngayon ay natuto na raw siya ng leksyon sa kaniyang naranasan.
0 Comments