Looking For Anything Specific?

Isang Matanda Pinapababa Ng Driver Dahil Sa Amoy Nito, Nahiya Na Lamang Ang Mga Pasahero Ng Magsalita Na Ang Matanda

Maraming netizens ang nahabag sa post ng netizen na si Peng Contreras Carpo matapos niyang ibahagi ang kaniyang karanasan tungkol sa isang matanda na kanilang nakasabay sa jeep.

Ayon sa post ni Peng, marami umanong mga pasahero ang nagrereklamo dahil sa hindi magandang amoy ng matanda na kanilang nakasabay sa jeep na nakilala sa pangalan na Tatay Bert.

Napansin umano ng driver ang mga hinaing ng mga pasahero kaya naman pinapababa niya ang matanda. Ngunit, pinigilan na lamang ni Peng ang driver at sinabi na siya na ang magbabayad ng pamasahe nito.

 

Humingi naman ng paumanhin si Tatay Bert para sa mga pasahero na kaniyang kasabay at sinabi na siya ay halos isang linggo ng walang ligo. Ayon kay Tatay Bert, gustuhin man niya magkaroon ng trabaho ay wala talang tumatanggap sa kaniya dahil na din sa kaniyang edad kaya naman naisip na lamang niya na mamalimos. Ipinakita pa niya sa mga pasahero ang bag na kaniyang bitbit na naglalaman ng mga damit at pagkain na kaniyang dadalhin sa kaniyang pamilya.

Ang mas masaklap pa dito ay mayroong sakit ang kaniyang misis at kailangan niya itong bilhan ng gamot. Nang malaman ng mga pasahero ang kwento ni Tatay Bert, sila ay nahiya na lamang, lalo na sa kanilang mga sarili dahil sa pangungutya nila sa matanda nang hindi muna inaalam o iniintindi ang kwento sa likod nito.

Kaagad na naging viral sa social media ang nasabing post at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens online.

Narito ang ilan:

“Wag tayong mag husga agad sa mga taong dipa natin kilala dapat intindihin nalang natin si tatAy at dapat bago kayo mag husga tanungin nyo muna”

“Mas mbaho ang mga taong nanghuhusga ng kapwa….alamin nyo muna ang mga reason behind bgo kyo manghusga..godbless tatang…”

 

 

“Nakakaawa sana my tumolong kay tatay pls kung sino malapit sa lugar nila dalhin c tatay sa dswd at hingi ng financial assistance kung dto k lang sa manila tay ako na tutulong sau”

“wahhhh habang binabasa ko naiiya aq ang lolo ko at tito ko dating basurero”

Isang Lola, Naiyak Na Lamang Matapos Pαbαbαin At Tαnggihαn Ng Taxi Driver Kahit Sa Gitna Ng Malakas Na Ulan

Nahabang ang isang netizen matapos makita ang mag-ina na basang basa na dahil sa lakas ng ulan habang sila ay naghihintay ng masasakyan pauwi. Dahil dito, nagmagandang loob naman ang netizen at tinulungan ang mag-ina na isakay na sa isang taxi para sila ay makauwi na.

Ngunit, nagulat na lamang si Mylbon Kyllie Rose Avila, ang netizen na tumulong sa mag-ina, nang biglang pababain ng driver ang mag-ina sa taxi na kaniyang kinuha para sakyan ng mga ito. Ito ay dahil umano sa sinabi ng driver na maaaring masira ang kaniyang makina kapag ibinyahe ang taxi niya dahil sa lakas ng ulan.

Kung iisipin, mayroon naman talagang karaρatan ang taxi driver na tυmαnggi kυng αng kαniℓαng кαℓigtαsαn αng nαkαtαyα ditσ. Ngunit, hindi dapat tumatanggi ang driver, lalo na kung ang pasahero niya ay matanda na at kailangan ng tulong.

Ayon sa salaysay ni Mylbon, kahit pa man daw nakasanay na ang kawawang mag-ina sa loob ng taxi ay pinilit pa din umano ng driver na pababain ang mga ito sa kadahilanan na hindi sa Palayan ang daan ng driver kung saan nagpapahatid ang mag-ina.

Basahin sa ibaba ang kabuuang post:

“So this happened earlier around 11:55AM sa may Super Metro doon malapit sa palayan. Galing kami sa McDo, nung pagtawid namin biglang bumuhos ang ulan.

Naghintay kami ng taxi then meron kami nakasabay na mag-ina, mga may edad na, tapos yung nanay nya matanda ng babae. Naawa kami kasi umuulan tapos mabagal maglakad yung matandang babae.

Kaya pinarahan namin sila ng taxi at pinasakay. Naiinip na kami kasi ang tagal nila umalis, tapos biglang bumukas ang taxi.

Pinababa sila at lumapit ako sa taxi, sus kaya pala sila pinababa ng taxi driver kasi hindi daw sya pupunta ng palayan kasi masisira daw yung makina kasi malakas daw yung tubig. Sinabihan ko yung driver na;

“Hindi ka na lang Sana huminto kung iyo lang palang papababain…”

Bumaba na lang tuloy yung matanda, maluha-luha na sinabi

“Magbabayad naman kami pero ayaw niya”

Haaay kuya driver, Panginoon na lang ang bahala sayo. Mabuti na lang may dumating na bagong taxi, pinasakay ulit namin yung mga matanda pero tinanong ko muna bago ko pinasakay. Kayo na ang mang husga Grrrr!!

Mayroon pa rin talagang mga tao na walang puso, sanay wag ito tularan ng ibang driver dahil balang araw baka tayo ang nangangailangan ng tulong ay wala din sa ating tumulong at tayo ay tanggihan din.

Kaya hanggat may kakayahan tayong tumulong ay gawin natin lalo na sa mga taong nangangailangan ng lubos.”

Isang matandang lalaking pinalayas ng anak, Umiiyak sa gilid ng kalsada

Sa Pilipinas, natural ang pagsasama ng buong pamilya-mula sa Lolo at Lola hanggang sa mga apo. Likas saatin ang pagmamahal sa ating mga nakakatanda di tulad sa ibang bansa. Simula pagkabata ay ito na ang ating kinalakihang tradisyon. Ngunit sa paglipas ng panahon, napaparami na ang mga balitang iniiwan na lamang ang matatanda sa ibang lugar kadalasan pa ay sa kalsada.

Nag-viral sa social media ang mga larawan ng isang matandang may sakit na umiiyak dahil sa pinalayas at inabandona na lamang sa kalsada. Mabilis itong kumalat dahil sa mga shares ng concerned netizens.

Napag-alaman na pinalayas umano siya ng kaniyang anak. Natagpuan umano ang umiiyak na matanda sa gilid na kalsada sa Balibago, Sta. Rosa, Laguna. Isang nakakalungkot na pangyayari nga ito na umani ng samut-saring reaksyon mula sa netizens.

Photo: Facebook/Araman Lat

Hindi sila makapaniwala na kaya itong gawin ng isang anak sa kaniyang magulang na nagbigay buhay sa kaniya. Kahit na ano pa man ang dahilan mabuti man ang ginagawa ng kanilang magulang o masama ay hindi tamang palayasin at abandunahin nila ang kanilang mga magulang sa kalsada lalo na kung ito ay matanda na.

“Baka po may nkka- kilala kay taytay sya po ay taga batangas.sya daw po ay pinalayas ng kanyang anak.sya po ai may skit ngyon andto po sya sa Balibago sta rosa laguna.pa share nlng po po”  Heto ang naging kabuuang post ni Araman Lat na nagbahagi ng larawan ng nakakaawang matanda. 

Bilang isang anak ay hindi tamang isukli ang ganitong gawain sa mga magulang kahit na may nagawa man itong mali. Mag-silbing aral ito sa mga anak na naway intindihin na lamang sapagkat matanda na ang kanilang mga magulang at hindi tama na palayasin kahit ano pa man ang nagawa nito. Mahalin natin ang ating mga magulang.

The post Isang Matanda Pinapababa Ng Driver Dahil Sa Amoy Nito, Nahiya Na Lamang Ang Mga Pasahero Ng Magsalita Na Ang Matanda appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments