Si Hafiz Marohombsar ay proud na proud sa kanyang natuklasan tungkol sa kabutihang ginagawa ng kanyang kapwa nurse sa mga kaawa-awang pulubi na nakatira sa kalsada, ayon kay Hafiz pauwi na sila ng katrabaho niyang nurse ng bigla siyang yayain na maglakad na lang pauwi total ay naiwanan naman na sila ng free shuttle na kanilang madalas sakyan pauwi, at imbes na mag-antay sa pagdating ng susunod na batch ng sasakyan ay pumayag na rin itong maglakad.
Dumaan sila sa 7/11 upang bumili daw ang babaeng Nurse ng mga pagkain at tubig na ipamimigay niya sa mga kaawa-awang homeless na kanilang madadaan pauwi. Gusto rin daw sanang tumulong ni Hafiz, gusto niyang bayaran ang kalahati ng mga napamili ng kasama niyang nurse ngunit hindi ito pumayag sa gusto niya. Sapat na raw ang tulong nito sa pagbitbit ng mga pinamili at ang pagsama niya rito. Nagkulang pa daw ang mga pinamili nila dahil sa dami ng mga nakatira sa kalsada kaya namili ulit sila at inabutan ang mga wala pa.
Ayon sa may mabuting loob na nurse, pangatlong beses niya na raw itong naglalakad pauwi at napansin niyang marami ang walang tirahan na tanging sa kalsada na lamang natutulog na talagang nakakaawa lalo na ang mga matatanda. Nag-aalala siya kong paano na ang mga ito at kung may kinakain ba ang mga ito. Paano sila ngayon? Lalo na sa sitwasyon ngayon.
Sa ginawa ng butihing nurse ay marami siyang natulungan at nainspired dahil kahit galing ito sa trabaho at medyo gabi na hindi niya ininda ang pagod at pinipili pa ring maglakad para makaabot ng tulong.
Sa post ni Hafiz isang quote ang kanyang binigay para sa kagandahang loob ng kanyang katrabaho, “Humanity does really exist. A simple gesture can define it.”
The post Isang Nurse Ang May Ginintuang Puso Dahil Mas Pinili Niyang Maglakad Pauwi Upang Ang Kanyang Madaanan Na Mga Pulubi Ay Mabigyan Niya Ng Pagkain At Inumin appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments