Matapang na sinagot ni Jelai Andres ang ilang mga katanungan sa kanya tungkol sa isyu ng asawang si Jon Gutierrez.
Sa kanyang YouTube channel, gumawa ng sariling version ang vlogger-aktres ng Sagot o Lagot challenge.
Ito ngang kay Jelai, nag handa ang mga kasama niya ng mga hot questions tungkol sa kanyang personal life.
Ang unang katanungan ay kung may mga sumusubok na ba na pumorma sa kanya ngayon. Pero hindi ito sinagot ni Jelai at uminom na lang ng suka.
Pangalawang tanong naman ay kanyang sinagot. Wala daw pinagsisihan sa mga naging desisyon niya sa buhay. Para sa Kapuso actress, lahat ng nangyayari sa kanya ay preparasyon sa mga susunod pa.
Maliban dito, hindi din umano siya nagsisisi na binago niya ang kanyang sarili sa kabila ng mga pangyayari.
“Do you still believe on chances despite of everything happened?”
Para kay Jelai, naniniwala pa din siya kahit ilang chances pa. Inamin niya na siya ang “giver” pag dating sa relasyon.
Mas mahirap na tanong nang pinapili siya kung si Zeinab o Donna. Pero parehas niyang pinili dahil ang dalawa ay malalapit na kaibigan ni Jelai.
Pag dating naman sa vlogger na ayaw niya, agad na umiwas sa pangalan si Jelai at kumain ng Jalapeño.
Sumunod naman na tanong ay kung may naging crush ba siya na naka trabaho niya sa showbiz. Pero talagang loyal si Jelai sa kanyang asawa kaya wala daw ito natipuhan na iba.
“Magpapatawad ka pa ba?” Handa daw magpatawad si Jelai sa taong alam niyang “sincere” ang pag hingi nito.
“Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, gusto mo pa bang makilala si Jon?”
“Sana hindi na lang,” ang naging sagot ni Jelai. Dahil ayaw niya na daw naranasan ang sakit na nararamdaman niya.
Read also:
Nanay ni Jon Gutierrez, hindi rin nagustuhan ang ginawang ραηℓσℓσкσ ng anak sa asawa nitong si Jelai Andres.
The post Jelai Andres, matapang na sinagot ang lahat ng katanungan tungkol sa nararamdaman niya ngayon matapos ang ραnℓσℓσкσng ginawa muli ni Jon Gutierrez! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments