Hindi pa din natatapos ang isyu nina Jon Gutierrez at Jelai Andres.
Hanggang ngayon, hindi pa din nagkakasundo ang kampo nina Jelai at Jon. Ito ay matapos na mag viral na naman ang third party umano ng male vlogger.
Halos isa buwan na ang nakalipas matapos mag labas ulit ng hinaing si Jelai sa kanyang social media.
Nitong nakaraan lamang, nag upload ng YouTube vlog si Jon o King Badger.
Makikita sa vlog na kausap niya ang kanyang ina na kasalukuyang na sa abroad. Katulad ng ibang ina, gusto lamang niya na maayos ang buhay ng kanyang anak.
Hindi alam ng nanay ni Jon na nirecord ng rapper ang kanilang pag-uusap. Hindi naman kinunsinti ng kanyang ina ang mga pagkakamali na nagawa ni Jon.
Sa katunayan, naiyak na lang ito habang pinagsasabihan ang anak.
Gusto ng ina ni Jon na maging maayos at mabuti siyang asawa para kay Jelai dahil ito naman ang ginusto nito noon.
Sa parehong vlog, makikita naman sa comment section ang mahabang komento ni Jelai.
Ipinaliwanag ng aktres ang kanyang side at iba pang istorya tungkol sa kanila.
Ayon kay Jelai, very open siya sa nanay ni Jon at sinasabi niya lahat ng kalok0han na ginagawa ng kanyang anak dito sa Pinas.
Sinabi din ni Jelai na gusto na niyang magsama na ulit sila sa bahay pero ayaw daw ni Jon. Hanggang ngayon, hindi pa ito naghihingi ng pormal na paumanhin sa tata ng aktres.
Habang na sa lock-in taping, gumawa ng paraan ang pamilya ni Jelai para makapag counseling sila mag-asawa. Ngunit pag labas niya, hindi na siya kinausap ng asawa at nag simula na lumabas ang mga issue.
Narito ang kanyang buong pahayag:
Read also:
Jon Gutierrez, nagbigay ng huling mensahe sa asawa na si Jelai Andres kung magpa-file ito ng kaso o annulment at malugod niyang tatanggapin.
The post Jelai Andres, nagbigay ng komento sa bagong video ngayon sa YouTube ni Jon Gutierrez na sinisermonan ng kanyang ina na nagpaluha sa maraming netizens. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments