Marahil hindi alam ng marami sa atin na ang mga punong kahoy ay hindi lamang kulay brown ang mayroon.
Dahil mayroon din puno na sari’t sari ang kulay yung tipong pwedeng pang exhibit ng maraming shades at siguradong mamangha ang lahat ng mga manunuod.
At sigurado na kapag nakita mo ang punong kahoy na ito na maraming kulay ay magbibigay sayo ng kasagutan kung bakit kailangan alagaan ang ating kalikasan at kapaligiran.
Ang pangalan ng naturang kahoy ay Rainbow Eucalyptus ang tanim na ito ay nagpapakita ng kakaibang kulay na mala-bahag hari.
Ayon naman sa artikulo ng Inquirer:
“Elite Readers reports that this kind of eucalyptus tree can reportedly grow fast–extending up to five feet every season and reaching “250 feet tall with a diameter of 6 feet.”
It also requires a lot of sun exposure with a temperature not lower than 50 F. (10 C.). So, if you’re living in a cold place, the tree may not be able to survive but if it’s still in its early phases, then it is recommended that you put the plant indoors inside a garden container with proper drainage”
Marami naman ang nagtatanong kung saan nga ba matatagpuan ang ganitong uri ng punong kahoy? Ang punong ito ay mas madalas makikita sa bansang Papa New Guinea, Indonesia at Pilipinas sa mismong bansa natin.
Sa Pilipinas ang punong kahoy na ito ay tinatawag na “Bagras” at ito ay matatagpuan sa kagubatan ng Mindanao.
Pahayag naman ng foresrer na si Dr. Manuel Castillo, matatagpuan ang napakagandang punong kahoy na ito sa mga bansa tulad ng Papa New Guinea, Indonesia at maging sa Pilipinas.
Karamihan daw umano sa mga ounong itonay matatagpuan sa mindanao kung saan mas kilala ito sa tawag na ‘Bagras’.
May mga ilan rin daw rainbow tree na makikita sa lalawigan ng Laguna, katulad daw ng isa na matatagpuan malapit sa Forest Science Building na nasa loob mismo ng University of the Philippines Los Baños.
Ang tunay talagang kulay nito ay green sa umpisa, and through the years o periodically nagshe-shed off siya ng kaniyang balat, ‘yung matandang balat para pumalit ang balat.
Now ‘yung balat niya, nagkakaroon or nagshe-shed kapag tumatanda na magkakaroon ng iba’t ibang kulay dahil doon sa mga pigment na presence sa bark.
Meron siyang kulay na gray, may orange maroon brown at eventually ‘pag natanggal na lahat ng balat, kulay berde ulit siya,” -paliwanag ni Castillo
May puno rin daw ng ‘Bagras’ na makikita sa bayan ng Bay, sa may malapit sa munisipyo at Simbahan. At ayon sa marker ang punong ito ay noong 1975 pa itinanim.
0 Comments