Looking For Anything Specific?

Kilalanin si Jhakriez Pastrana ang talentadong unica hija ng sikat na komedyante na si Dagul na talaga namang hinangaan ng mga netizens!

Isa si Dagul o Romy Pastrana sa tunay na buhay ang nagbigay aliw sa mga manonood.

Bilang komedyante isa siya sa naging mainstay sa kid gagshow na Goin Bulilit.

Si Dagul ay mayroong apat na anak, isang babae at tatlong lalaki. Ang kanyang naging asawa ay isang non-showbiz personality.

Batid naman ng lahat na si  Dagul ay may kondisyon na kung tawagin ay “dwarfism”, sila yung mga taong ipinanganak na ang tanging taas lamang ay umaabot ng 4ft kahit na sila ay matanda na, at ito nga ay namamana.

At isa nga sa kanyang apat na anak ang nakamana nito.

Ang kanyang anak na babae na si Jkhriez Pastrana na 17-years old na ngayon.

Dahil sa kanyang kundisyon na namana sa ama, naging tampulan din ng panunuks0 ang dalaga.

Lalo na sa eskwelahan noong siya ay nasa grade school pa lamang.

Pagbabahagi nga ni Jkhriez sa isa sa mga panayam sa kanya, “Pag nakita daw nila or nakaaway nila ako hindi daw ako makakalaban kasi isang sipa lang naman daw nila sa akin, tutumba na ako. So naisip ko, hindi ba nila nage-gets yung sitwasyon ko.”

Gayunpaman, hindi naman naging hadlang para kay Jkhriez ang mga pangbu-bu11y na natatanggap niya at ang kaniyang kalagayan para hindi niya ipagpatuloy ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

Kahit pa man hindi katulad ng ibang tao si Jkhriez, siya ay nabiyayaan naman ng talento pagdating sa pag-awit. Nadiskubre ng kaniyang ina ang talentong ito noong isang taon pa lamang siya.

Sumali pa noon si Jkhriez sa show ng ABS CBN noon na Star Hunt.

Di man siya pinalad manalo dito pero naipamalas naman niya ang kanyang angking talento.

Ayon pa nga sa dalaga, inispirasyon niya ang ama upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Read also:

Saksihan Dito Ang Nakakahangang Pagmamahalan Ng Dalawang Taong Umibig Na Sa Kabila Ng Kakaibang ItsÏ…ra Ay Nanaig Ang Tunay Na Pag-ibig

Sa mundong ating ginagalawan ay may maraming mapanghusga at dahil sa Social Media mas lumalala ang tensyon sa panghuhusga dahil buong mundo ang nakakita ng mga ito.

Tulad ito ng karanasan ni Karine De Souzabat ng kanyang mister na taga Fortaleza, Brazil. Si Karine ay may kakaibang sakit sa balat na tinatawag na Xeroderma Pigmentosum nag simula ito nung tatlong taong gulang pa lamang siya.

Sa tuwing na eexpose siya sa Ultraviolet Rays ay malaki ang posibilidad na magkaroon siya ng skin cancer.

Dahil sa kondisyon niya, madalas siyang tinutukso at kinukutya ng mga taong nakakasalubong niya. Nandidiri at halos walang may gustong dumikit sakanya sapagkat ang iniisip nila ay baka nakakahawa ito.

Taong 2017, nakilala niya ang lalaking magmamahal sa kaniya sa kabila ng kanyang kalagayan at ngayon ay mister na niya si Edmilson.

Ang relasyon ng dalawa ay naging tampulan ng tukso at halos nagdududa ang lahat kong talaga bang tapat at mahal ni Edmilson si Karine sa kondisyon nito.

Pinatunayan naman nilang dalawa na totoong nagmamahalan sila at halos 3 taon na silang kasal at wala silang pinagsisisihan sa mga naging desisyon nila.

Para kay Edmilson, si Karine ang gusto niyang makasama sa lahat ng bagay. At ito ang patunay na ang pagmamahal ay walang pinipili.

The post Kilalanin si Jhakriez Pastrana ang talentadong unica hija ng sikat na komedyante na si Dagul na talaga namang hinangaan ng mga netizens! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments