Looking For Anything Specific?

Lalaki, Tinupad Ang Pangako Sa Ex-GF Na Pupunta Sa Graduation Nito Kahit Break Na Sila Ng Matagal

Sabi nila, “PROMISE IS MADE TO BE BROKEN”, ngunit ibahin ninyo itong kwento na ito na talagang mapapa “SANA ALL” ka.

Si Pao Atienza ay nagpromise sa kanyang girlfriend na umattend sa kanyang graduation. Ngunit, nang maghiwalay sila ay hindi niya binigo ang ex-girlfriend nya dahil tinupad niya ang pangako niya na pumunta sa graduation niya at lumikom lang naman ito ng mga positibong reaksyon sa socmed mula sa ating mga netizens.

Sinabi ni Pao sa kanyang post na nagdadalawang isip siya kung pupunta ba siya o hindi, dahil nga sa estado nila ngayon bilang mag-ex at wala na din silang komunikasyon sa isa’t-isa na buwan na din ang lumipas.

Ngunit, nanaig pa din ang pagkalalaki ni Pao at tinupad niya ang pangako sa ex-girlfriend niya.

Pumunta siya sa Graduation at nakita niya doon ang pamilya ng babae na siya namang kinausap siya bago magsimula ang seremonya.

Nang magsimula ang seremonya ay lumayo si Pao sa family ng babae at nang tinawag ang pangalan ng babae at nakita niya ito sa stage ay biglang napaluha si Pao. Nakita ito ng kapatid ng babae at sinabing, “OKAY KA LANG BA?,KAYA MO YAN.”

Marahil ay sobra ang galak ni Pao sa kanyang ex at proud na proud siya sa kanyang nakamit ng araw na iyon. Sabi niya pa nakakatuwa dahil natupad niya ang kanyang promise noong sila ay magkasintahan pa.

Nang oras na yun ay nagtext ang babae kay Pao at sinabi na natuwa siya dahil nafullfill nya ang promise ni Pao sa kanya at ginawa niya yun dahil nagpakalalaki siya at walang halong ibang interes na magkabalikan sila.

Nagkaroon sila ng picture nang araw na yon at ipinost ito ni Pao na siya namang ikinatrending nito dahil sa napaka sweet na pangyayari sa dalawa.

Sana All, tumutupad ng pangako, ika nga ng ibang netizens.

Lola, Nakunan Ng Kamera Na Nakasilip Sa Pre-Nup Shoot Ng Babaeng Apo Na Sya Mismo Nagpalaki

Ang pagpapakasal ay isa sa mga pangarap ng isang babae. Ito ay isang sagradong pangyayari sa pagitan ng isang babae at isang lalaki  Ang pagmamahalan at pagtitiwala ng isat isa ang magiging sandigan ng dalawang ikakasal upang mapagtagumpayan ang kanilang magiging pamilya.

Sabi nga ng matatanda, ang pagpapakasal ay hindi mainit na kanin na maaari mong iluwa bagkus ito ay isang sagrado o hindi dapat gawinh biro.

Ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan ay talaga namang masasabi nating isang bittersweet na pangyayari. Bittersweet dahil bukod sa sweet na pagsasamahan ng dalawa ay mayroon silang maiiwan. Iyon ay ang kanilang mga mahal nila sa buhay tulad ng kanilang mga magulang at ang mga taong nag alaga sa kanila.

Ang bawat panig ng dalawang pamilya ng ikakasal ay dapat na maging handa at kailangan magpakatatag dahil hindi na magiging tulad ng dati ang magiging samahan dahil bubuo na sila ng sarili nilang pamilya.

Trending ngayon itong si Lola mula sa Jiangsu, China na nakuhanan ng kamera habang nakasilip sa pinto ng isang kwarto.

Sa loob ng kuwartong iyon ay ang kanyang apo na inaayusan at minemake upan para sa kanyang kasal.

Ang kanyang apo na si Wang ay lumaki sa lola nya magmula noong magpasyang maghiwalay ang kanyang magulang. Tumayo si Lola bilang Ama at kanyang Ina.

Kaya naman di maiwasan ng kanyang Lola na malungkot dahil di siya sanay na wala sa tabi nya ang kanyang apo. Makikita niyo din sa larawan na umiiyak ang kanyang apo na si Wang habang nakayakap sa kanyang lola.

Pinayuhan pa nga ni Wang ang ating mga netizens na habang nandyan pa ang ating mga magulang o lolo at lola ay dapat na sulitin natin ang kada momentum na kasama sila dahil hindi natin alam kung hanggang kailan sila nariyan para sa atin.

Halos hindi na magkasya sa higaan ng pamilyang ito ang kanilang naipon na pera sa sobrang dami!

Sa panahon ngayon mahirap ang mag-ipon ng pera, marami tayong ginagastos at pangangailangan na kailangan tustusan. Kung tayo ay nagiging matiyaga at mayroon tayong disiplina sa ating sarili, at pagtutulungan sa ating pamilya upang tayo ay makapag-ipon ng pera. Hindi imposibleng magawa rin natin ang nagawa ng pamilya ni Abby Sarmiento Mendoza.

Ibinahagi ni Abby sa kanyang social media ang larawan ng kanilang naipon na pera na halos punuin nito ang kanilang kama sa dami ng perang naipon nito sa loob ng isang taon. Inipon nila ang pera sa isang kahon na gawa sa salamin dahil hindi umano magiging sapat ang mga maliliit na alkansya gaya ng piggy bank at mga lata. Kung kaya naisipan nilang gumawa ng malaking box na kagaya ng isang lagayan ng raffle tickets. Para mas lalong mapursigi ang kanyang pamilya na makaipon dahil nakikita nila ang laman ng kahon.

Sa loob ng isang taon, napagdisesyunan na ng pamilya na buksan ang kahon at laking gulat nila na ganoon na pala karami ang kanilang naipong pera halos hindi na magkasya sa kanilang dalawang kama. Maraming mga netizens ang nakakita ng naturang larawan na naipost ni Abby, kaya naman marami ang gustong gayahin ang nagawa ng kanilang pamilya at gawin ang “Ipon Challenge” na ito.

Maganda ang mag-ipon ng pera para kung sakaling kailanganin natin ito, meron tayong magagamit. Ayon sa isinagawang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mayroon lamang 48% ng mga Pilipino ang may ipon at 9% lamang dito ang nag-iipon o nagdedeposito sa bangko. Kaya naman hinihikayat nila ang mga tao na huwag mag-imbak ng napakalaking halaga na pera sa ating tahanan at mas mabuting ihulog na lang natin ito o invest ang ating mga savings sa bangko.

The post Lalaki, Tinupad Ang Pangako Sa Ex-GF Na Pupunta Sa Graduation Nito Kahit Break Na Sila Ng Matagal appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments