Looking For Anything Specific?

Lola, Nakunan Ng Kamera Na Nakasilip Sa Pre-Nup Shoot Ng Babaeng Apo Na Sya Mismo Nagpalaki

Ang pagpapakasal ay isa sa mga pangarap ng isang babae. Ito ay isang sagradong pangyayari sa pagitan ng isang babae at isang lalaki  Ang pagmamahalan at pagtitiwala ng isat isa ang magiging sandigan ng dalawang ikakasal upang mapagtagumpayan ang kanilang magiging pamilya.

Sabi nga ng matatanda, ang pagpapakasal ay hindi mainit na kanin na maaari mong iluwa bagkus ito ay isang sagrado o hindi dapat gawinh biro.

Ang pagsasama ng dalawang nagmamahalan ay talaga namang masasabi nating isang bittersweet na pangyayari. Bittersweet dahil bukod sa sweet na pagsasamahan ng dalawa ay mayroon silang maiiwan. Iyon ay ang kanilang mga mahal nila sa buhay tulad ng kanilang mga magulang at ang mga taong nag alaga sa kanila.

Ang bawat panig ng dalawang pamilya ng ikakasal ay dapat na maging handa at kailangan magpakatatag dahil hindi na magiging tulad ng dati ang magiging samahan dahil bubuo na sila ng sarili nilang pamilya.

Trending ngayon itong si Lola mula sa Jiangsu, China na nakuhanan ng kamera habang nakasilip sa pinto ng isang kwarto.

Sa loob ng kuwartong iyon ay ang kanyang apo na inaayusan at minemake upan para sa kanyang kasal.

Ang kanyang apo na si Wang ay lumaki sa lola nya magmula noong magpasyang maghiwalay ang kanyang magulang. Tumayo si Lola bilang Ama at kanyang Ina.

Kaya naman di maiwasan ng kanyang Lola na malungkot dahil di siya sanay na wala sa tabi nya ang kanyang apo. Makikita niyo din sa larawan na umiiyak ang kanyang apo na si Wang habang nakayakap sa kanyang lola.

Pinayuhan pa nga ni Wang ang ating mga netizens na habang nandyan pa ang ating mga magulang o lolo at lola ay dapat na sulitin natin ang kada momentum na kasama sila dahil hindi natin alam kung hanggang kailan sila nariyan para sa atin.

90-Anyos na Lola, Umaasa Lamang sa mga Pagkain na Napupulot sa Daan Para Maitawid ang Pang Araw-araw na Buhay!

Mabilis na kumakalat sa social media ang mga balita at mga kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Nababalitaan din natin ang ilan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kaya naman, sa tulong ng social media o internet ay mas napapagaan ang paghahanap at pagbibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong at iba pa.

Marami na tayong nakikita sa social media na nakakalungkot na pangyayari gaya ng matatanda na lubhang nakakaawa. Isa na rito ang 90-anyos na lola na kinilalang si Lola Lucin. Ayon sa concerned netizen na si Jun Butac, nakatira umano si Lola Lucin sa Maanteng Solsona, Ilocos Norte.
Ibinahagi ni Jun ang nasaksihan na sitwasyon ni Lola Lucin. Naantig at nag-alala si Jun kay Lola Lucin kaya inupload nito ang ilang larawan ni Lola Lucin sa social media at nagbakasali na may mag-abot  ng tulong kay Lola.

Sinabi niya sa kanyang post na sa likod ng larawan ni Lola Lucin ay talagang hirap ito sa buhay na dahilan kung bakit namumulot na lamang siya ng kanyang makakain o ‘sinaklob’ ang kanyang ulam at pinagkakasya na lamang niya sa buong araw at tinitipid na lang niya ito.
Mag-isa na lang din sa buhay si Lola Lucin kaya naman sa kabila ng kanyang edad ay wala siyang ibang pagpipilian kundi magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw-araw.

Dahil sa social media ay mabilis naman na nabalitaan to ng ilang mga tao na handang tumulong kay Lola Lucin. Isang Ma’am Rona umano ang nagpatulong na matunton si Lola Lucin upang magbigay ng tulong dito.
Lubhang nakakalungkot ang sitwasyon ni Lola Lucin. Kaya naman, nang may mag-abot sa kanya ng tulong ay napangiti naman si Lola Lucin. Isang biyaya na sa kanya ang may magbigay ng tulong.

Lola, aksidenteng ginamit panggatong ang rolyo ng P1,000-bills na savings niya

Lola Honorata, a 95-year-old elderly from San Juan, Laur, Nueva Ecija, accidentally used as “panggatong” rolls of P1,000 bills. All in all, she burned P14,000 worth of her savings.

Her granddaughter, SarahLie Gahis De Guzman, shared the photos on social media, in the hopes that they would reach Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS), and perhaps otherplatforms like Raffy Tulfo In Action.

According to Guzman, she accidentally threw the bundles of money into the fire.

“Gud am mam jesica soho,meron po sana aq ilalapit sa inyo, n sana po matulungan nyo po ang aming lola HONORATA GAHIS na edad 95 taong gulang naninirahan sa bgry.San Juan, Laur, Nueva Ecija, dahil po sa di inaasahang pangyayare ay naigatong o nasunog po ang kanyang pera 14,000 mahigit po at sna po mailapit ito sa bangko sentral ng Pilipinas kng ito po ay pde pang mapalitan.. dhil sya po ay nagSasaing ng mga Oras n ngYari po un,. Ilalapit ko po ito sa inyo at sana po matulungan nyo at mapansin nyo po ang aming hinaing o amin pong nais..

Pakishare nalnag po”

The post Lola, Nakunan Ng Kamera Na Nakasilip Sa Pre-Nup Shoot Ng Babaeng Apo Na Sya Mismo Nagpalaki appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments