Umagaw atensyon sa mga netizen ang isang lalaking gumawa ng kakaibang Obra gamit lamang ang mga basura sa tabing dagat.
Kamakailan ay usap-usapan sa social media ang lalaking artist mula sa Baclayon, Bohol siya nakilala bilang si Pedro Angco Jr.
Ang kuwento ng Artist na si Pedro ay ibinahagi sa social media ng Netizen na si Kien Alphe Garsuta.
Kitang-kita sa mga larawan kung gaano kagaling na artist si Pedro ang ilan sa kanyang obra ay ang Krus, agila at balyena.
Makikita din sa kanyang sining ang ilang piraso ng tsinelas at mahihinuhang ito ang isa sa mga gamit ni Pedro sa paggawa ng kanyang mga Obra Maestra.
Bukod sa mga oto ipinakita din ni Pedro ang isang trophy kung saan ay napanalunan daw niya ikalawang puwesto sa 2017 GSIS Art Competitiom, Sculpture Category.
Ayon naman sa post ng netizen na si Garsuta,
“We did not expect na makaka-meet kami ng isang unique artist. Na-amaze kami sa mga artworks po niya kasi ang mga ‘raw materials’ na gamit po niya is made from ocean trashes”.
Ang ginawa daw na ito ni Pedro ay matatawag na mixed media. Dahil siya daw mismo ang namumulot ng mga basura tulad ng lubid, tsinelas at sandals sa tabing dagat.
Matiyaga niya itong pinupulbos gamit ang kutsilyo at lagare, ginagawa niya daw ito ng halos dalawa hanggang limang araw.
Maraming netizen naman ang humanga kay Pedro dahil sa angking talento nito at bukod daw dito ay taglay ni Pedro ang pagmamahal sa kalikasan.
Narito ang ilang mensahe mula sa mga Netizens.
“Ang galing mo Kuya Pedro, keep it up po bukod sa naipakita mo na ang talento mo nakatulong ka pa sa kalikasan! PROUD PINOY!” – Jason Alcasid.
“Sana mabigyan pansin ang mga ganitong talento malayo pa mararating ni Kuya Pedro. Godbless you kuya” – Nicz Bentoy.
0 Comments