Sa paglipas ng panahon, hindi natin maiiwasan ang mga pagbabago ngunit kinakailangan pa din nating lingunin ang totoong atin.
Ang mga tradisyon at kultura na ipinamana ng ating mga ninuno ay unti- unti nang naglalaho.
Mabuti na lamang at mayroong mga Pilipinong nakakaisip pa din ng paraan kung paano maisasabay sa modernong panahon ang buhay na pinagmulan natin noon.
Ang bahay kubo ang pangunahing tirahan ng mga Pilipino noon na kung saan talaga namang presko at madaling makita ang tanawin sa labas dala ng wala itong dingding na nakaharang.
Sa panahon natin ngayon, ang standard ng tao sa kanilang bahay ay ang gawa sa semento upang masiguro ang kaligtasan ngunit ginawan ito ng paraan ni Architect Carby Jason G. Osorio.
Ang native na bahay kubo ay ginawa niyang modern na bagay na bagay sa mga beach.
Ito ay isang 2- story modern kubo house n may dalawang kwarto. Gawa sa amakan ang ikalawang palapag nito. Ang mga bintana ay ginawa niyang sliding window upang madali pa ding masilayan ang tanawin sa labas
Samantala, kung pagmamasdan ang loob ng bahay, makikita ang mga disenyo at kagamitan ay magkahalong modern at native din.
Kumpleto ang bahagi at lugar sa bahay kagaya ng living area, kitchen, dining area.
Ang mga kwarto naman ay pinaghalong native at puting tema.
Tunay na napaka at home at maaliwalas sa mata ang bahay na ito dahil sa napakagandang kombinasyon.
Hindi din nawala ang eleganteng banyo na mayroong wood-themed walls, shower at washbasin.
0 Comments