Nito lamang nakaraan ay ibinahagi ni Miss Universe Canada Nova Stevens sakanyang Instagram account na @thenovastevens ang isang larawan kung saan ay may mga hindi magagandang kommento na nakasulat sa tagalog.
Narito ang kanyang post sakanyang IG account kung saan ay umabot na sa mahigit 28,000 ang nag like sa kanyang post.
“Here we go again. I’ve been receiving this picture in my inbox a lot lately.
“With all that has been going on in the world ‘black lives matter’ ‘Asians are human’ you would think this would bring us together. Instead, looks like some people are still stuck in their ignorant and racist ideologies. I’m really disappointed with some Pageant fans from certain countries. Your hate takes away the fun and enjoyment from this once in a lifetime experience. Is it really that difficult to spread love instead of hate? No one is saying you HAVE to support all contestants, all we’re saying is that you support your delegate without bringing others down. You don’t need to dim someone’s light in order for you to shine.
“The world is evolving, people are realizing that beauty is not exclusive to one specific group of people. The definition of beauty applies to all; because beauty can be seen in different shapes, shades and sizes. Please see the beauty that is in this world. We don’t need to look the same, we just need to treat each other the same.”
Matapos niya itong ma ipost ay inedit niya ito at nagdagdag ng mensahe sa kanyang post. Na kanyang sinasabi ang kanyang pagpapasalamat sa mga comment at menshae skanya. Kanya ding ibinanggit na maayos ito. Nilinaw din niya ang post na ito ay hindi “generalization”, kung saang sinabi niya sa post na “some”.
Narito ang ilang sa mga comment na nakasulat sakanyang IG post. Ilan sa mga ito ay nakatranslate na sa wikang Ingles.
Nakakalungkot na isipin na may mga tao talaga na nariyan na nagbabato ng mga ganitong klaseng salita sa kanilang kapwa. Ang mga ganitong pangyayari ay nagpapatunay lang din sa kasabihan na “Ang punong hitik sa bunga ay siyang laging binabato.”
Matapos ang post nito ay nagbahagi ulit siya ng bagong post kung saan ay naglalaman ng mensahe na:
“Let’s end things on a positive note. To my Filipino fans: I’m sorry if my previous post caused you any harm.”
Ang kanyang ibinahaging post ay mas higit na nakakuha ito ng mas maraming likes.
Ang Miss Universe 2020 pageant ay ililive sa pamamagitan ng iQiyi app and website, para sa mga gustong manood.
Read also:
Kilalanin Si Miss Philippines 1952 Na Isinabak Sa Kauna-Uanahang Miss Universe
Mula pa noon, magiliw na ang mga Pilipino sa pageant o patimpalak, mapa-babae o lalaki man ang sumali. Hindi rin maikakaila na marami ang nagdadaos ng ganito, lalo na kung mayroong pagdiriwang o mga Fiesta.
Ngunit, hindi maipagkakaila na ang pinakainaasam at inaabangan ng mga tao, ‘di lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t-ibang bansa ay ang pagtatanghal ng Miss Universe. Binansagan din ang araw na ito bilang “the most beautiful day in the Universe”.
Unang idinaos ang Miss Universe noong 1952 sa Long Beach, California.
Sa post ng isang Facebook Page, Pageanthology 101, makikita ang mga litrato ni Miss Universe Philippines Teresita Torralba Sanchez kasama ang iba pang kandidata ng kauna-unahang patimpalak ng Miss Universe, taong 1952, 68 taon mula ngayon.
Suot nang mga ito ang mga damit na niyayakap ang hulma ng kanilang mga katawan.
Hindi lamang namangha ang mga netizens sa mga larawang ito, natuwa rin ang mga ito sa mga tila mga bloopers, kung saan tila may disgustong nakatingin sa kaniyang kapwa-kandidata, na umani ng maraming reaksyong ‘haha’ sa socmed.
Mayroon ring isang litrato kung saan inaayos niya ang kaniyang kasuotan at nakatingin sa kaniyang katabing si Miss Germany na ngiting-ngiti naman sa kamera.
Sumatotal, 30 kababaihan mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang sumali sa paligsahang iyon. Ngunit, sa kasamaang palad, hindi napasama sa Top 10 ang pambato ng Pilipinas na si Sanchez.
Itinanghal namang kauna-unang Miss Universe si Armi Kuusela ng Finland, na noo’y 17 taong gulang lamang.
Talaga namang kinagiliwan si Miss Universe Philippines Teresita Sanchez ng mga netizens. Marami ang natuwa, marami ang namangha. Mayroon din namang nadagdagan ang kaalaman kung sino ang unang dilag na kumatawan sa Pilipinas para sa tanghalang iyon.
The post Nito lamang nakaraan ay ibinahagi ni Miss Universe Canada Nova Stevens sakanyang Instagram account na @thenovastevens ang isang larawan kun… appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments