Looking For Anything Specific?

Pinakabatang Mayor sa Pinas, Kinakikiligan Ang Relasyon Nito Sa Isang Napakagandang Aktres

Sa panahon ngayon ay marami tayong nakikilala na kahanga-hangang tao mula sa iba’t ibang lupalop ng bansa. May mga personalidad na hindi natin inaakalang may malaking puso na tumutulong tuwing may sakuna at nahihirapan na mga kababayan. Ang lahat ng ito nalalaman natin dahil sa kapangyarihan ng social media.

Ilan sa mga personalidad na nasa larangan naman ng pultka ay aktibo rin sa kanilang mga social media. Kasama na rito ang alkalde ng Maynila na si Mayor Isko Moreno, kabilang na rin ang MAyora ng San Miguel Tarlac na si Mayora Donya Tesoro at ang Pasig City Mayor na si Mayor Vico Sotto. Bawat pahina ng kanilang buhay sa kanilang puwesto ay ibinabahagi nila sa kanilang social media at dahil rito ay nagsisilbi silang inspirasyon sa marami sa atin.

Isa sa mga hinahangaan rin na pultik ay ang pinakabatang mayor sa Pilipinas na si Mayor Arth Bryan C. Celeste na itinanghal na Mayor ng Alaminos City Pangasinan sa edad lamang na 22.

Si Mayor Arth Bryan Celeste ay ipinanganak noong June 5, 1996 at ang ama nito na si Arthur Celeste ay ang dating alkalde ng Alaminos City, Pangasinan. Samantala, bago naman ito naging mayor ay naging Barangay Captain ito sa Barangay Magsaysay. Nakapagtapos ito ng kursong BS Entrpreneurship sa De La Salle University sa Taft Manila.

Sa tulong ng social media ay naipaparating nito ang mga mensahe na nais nito isapubliko tulad ng mga gawain nila para sa ikauunlad ng kanilang lugar. Nagbahagi rin ito ng maagap at epektibo na serbisyo sa kanilang bayan na talaga namang ikinabilib ng mga netizens.

Isa rin sa naka agaw pansin sa mga netizens ay ang relasyon nito sa isang aktres. Ito ay ang kapuso actress na si Pauline Mendoza na nakabilang sa palabas na “Kambal, Karibal”. Bagamat long distance ang dalawa dahil sa Marikina nakatira si Pauline at sa Alaminos naman si Bryan at hindi ito naging hadlang sa kanilang relasyon.

Read also:

Angel Locsin at Anne Curtis, Pinasalamatan Ni Mayor Vico Sotto Dahil Sa Kanilang Donasyon Na Isang Milyon

Nakatanggap ng pasasalamat mula kay Pasig Mayor Vico Sotto sina Ange Locsin at Anne Curtis dahil sa pagtulong nila.

Nagsatayo ng ang mga sikat na celebrities na sina Anne Curtis at Angel Locsin ng Shop and Share fundraising drive upang makatulong sa mga mamamayan na nangangailangan. Isang milyon umano ang nalikom ng mga ito sa kanilang fundraising at idinonate sa Pasig City upang makatulong sa vaccination program ng syudad.

Ayon kay Mayor Vico Sotto, “I-earmark lang po natin kasi sa ngayon wala pa namang available na bagong manufacturer na pwede nating pag-orderan. Eto po sina Ate Angel Locsin at Ms. Anne Curtis, nag-donate po sila ng PHP1M.”

Inamin rin ni Mayor Vico na humanga ito dahil walang media coverage na nangyari nang magdonate ang mga artistang nabanggit ng isang milyong piso. Labis itong nagpapasalamat sa donasyon na talaga namang makakatulong sa mga mamamayang naninirahan sa syudad.

Pahayag pa ni Mayor Vico Sotto, “Ito, walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila yung tseke. Pinaresibuhan na lang natin. So, thank you.”

Sa vaccination fund ng Pasig City inilaan ang idinonate na isang milyong piso. Ayon kay Vico Sotto, “Idadagdag po natin iyan sa vaccination fund natin. Nag-order na tayo ng 400,000 doses ng AstraZeneca.

“Wala pa yung order natin. Ganun din naman sa ibang LGU, wala pang order nila.
“Pero hopefully dumating na by 3rd or 4th quarter. Tingnan natin. I’m sure they would do the best that they can.”

Hindi biro ang nakakahawang sakit na C0VID-19 na ngayon ay laganap na sa buong mundo. Upang kahit papaano ay may panglaban sa nakakahawang sakit na ito ay may bakuna na available na sa bansa. Subalit nang dahil sa laki ng demand sa bakuna ay kinakailangang magantay ng mga mamamayan para rito. Mas ikabubuti ng lahat na manatili na lamang sa bahay upang makaiwas sa naкαкαнαωαng sαкιт na ito.

The post Pinakabatang Mayor sa Pinas, Kinakikiligan Ang Relasyon Nito Sa Isang Napakagandang Aktres appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments