Looking For Anything Specific?

Pinay na kasambahay sa Dubai, nakapagpundar ng napakalaking bahay at malawak na Lupain para sa kanilang Flower Business

Ang LAHAT ng paghihirap ay maaaring masuklian sa tamang oras. Kinakailangan lamang talaga ng matinding pagtitiis at pagtatyaga na may halong pananampalataya na balang araw ay magbabago din ang ikot ng mundo at aayon sa inyo ang tadhana.

Ang pagiging isang kasambahay ay hindi dapat minamaliit pagkat ito ay isang marangal na trabaho.

Kadalasan sa ating mga Pilipino, talamak ang pagiging isang kasambahay o yaya sa ibang bansa dahil sa ating aking galing sa gawaing bahay at pag- aalaga.

Ngunit swertihan pa din sa mga among makakasalamuha dahil mayroon nang mga banyagang mapang- abüso.

Isang inspirasyon ang ibinahagi ng 7 taon nang kasambahay sa bansang Dubai na si Aileen Tagupa.

Bagaman ito ang kauna- unahang pangingibang bansa niya, hindi pa din siya nabigo pagkat napunta siya sa mababait at mabubuting amo na nagkupkop sa kaniya.

Sa tagal ng kaniyang pagsasakripisyo bilang isang kasambahay sa ibang bansa, sa wakas ay nakapagpundar na siya ng sariling bahay.

Hindi lamang basta bahay kundi isang malaking bahay na mayroong 4 na kwarto. Higit pa doon, napalakas niya din ang kanilang flower business na nagsimula pa noong taong 2002.

Katuwang niya ang kaniyang ina sap ag- aasikaso ng kanilang bahay at pagpapalago ng kanilang negosyo sa pamamagitan ng investment na ibinigay ni Aileen.

Kung dati’y mayroon lamabg silang tatlong klase ng bulaklak, ngayo’y napalawak na ng kanilang lupain na tinataniman ng mga ito sa kanilang bakuran.

Napag- aral din ni Aileen ang kaniyang kapatid na nais maging seaman.

Ayon kay Aileen, ang bahay dawn a ito ay simbulo ng kaniyang taos pusong pasasalamat sa kaniyang ina sa lahat ng sakripisyong ibinigay para sa kanilang magkakapatid.

Hindi pa man tapos ang kabuuan ng bahay ngunit positibo siyang makakamit niya din ang kaniyang layunin sa pamamagitan ng dasal at pagtityaga.

 

Post a Comment

0 Comments