Looking For Anything Specific?

Pinay na nanay ng girlfriend ni Mario Maurer nagbigay ng reaksyon tungkol sa story ni Kakai Bautista at ng thai aktor

Hindi maitatanggi na super gwapo talaga ni Mario Maurer.

Si Mario ang Thai actor na sumikat sa Pinas dahil sa kanyang movie na Little Thing Called Love. Sa katunayan, nagkaroon pa siya ng movie together with Pinoy actors sa sobrang kasikatan niya dito sa bansa.

Kung matatandaan niyo, naipartner si Mario kay Erich Gonzales sa movie nilang Suddenly It’s Magic. Bukod kay Erich, nakasama din ng Thai superstar si Kakai Bautista.

Naging magkakaibigan sina Mario, Erich at Kakai. Kaya naman hindi din maiwasan na mabanggit ng dalawnag Pinay aktres ang friendship nila kay Mario.

Pero nito lamang nakaraan, nawindang ang kampo ni Kakai Bautista nang biglang mag padala ng demand letter ang kampo ni Mario.

Ayon sa management ni Mario na Kwaonhar Nine Nine Co., Ltd. nais nila na tigilan umano ng Pinay actress ang pag banggit sa pangalan ni Mario.

Gumawa ito ng ingay sa social media at madaming nag tanggol sa Pinay singer-actress. Kabilang na si Kuya Kim Atienza sa nag tanggol kay Kakai.

Sa kabilang banda, may bagong source na nakapag sabi na Pinay pala ang ina ng girlfriend umano ni Mario na isang half Pinay a half Thai.

Ang kanyang girlfriend ay si Junji Junp na isa ring actress, model at singer sa Thailand.

Ayon sa Phil Star, may isang source umano ang nagpadala ng larawan sa kanila kung saan magkasama ang magkasintahan.

Dagdag pa dito, close din daw si Mario sa Pinay mother ni Junji. Kaya siguro ganoon na lang din daw mag reak at mag protekta ito kay Mario laban kay Kakai.

Kung totoo man ito, overprotective mom lang talaga siya para sa anak na si Junji.

Kim Atienza, Sinupalpal Ang Pahayag Ni Mario Maurer Na ‘Fan’ Daw Niya Si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo

Hindi maikakaila ang disgusto ni Kim Atienza o kilala rin sa tawag na Kuya Kim kay Mario Maurer at sa PR team nito matapos itong mag-iwan ng komento sa isang post na nalathala sa official FB page ng GMA News.

Ang post ay tungkol sa pahayag ng pagsuporta ng Thai actor na si Mario Maurer kay Rabiya Mateo na kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.

Kahapon ay nagdaos ang isang telecom company kung saan si Mario Maurer ang brand ambassador ng isang virtual conference.

Sa panayam ay nagpahayag si Maurer ng suporta kay Rabiya. Aniya, “I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that. “And, you know, I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish [her] good luck.”

Sa kabilang banda, hindi pinalampas ni Kuya Kim ang pagkakataon upang iparating ang nararamdamang pagkadismaya sa Thai aktor at kampo nito.

Nag-iwan si Kuya Kim ng mainit na komento sa post tungkol sa ulat ng pahayag ng pagsuporta ni Mario kay Rabiya upang ipakita ang kanyang simpatya sa komediyanang si Kakai Bautista.

Hindi naiwasan na magbigay ng maaanghang na salita laban sa Thai actor at sa PR team nito. Aniya, “No, Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that.”

Maraming netizen ang sumang-ayon sa komento na ito ni Kuya Kim.

Matatandaang naging laman ng balita si Kakai Bautista dahil sa demand letter na pinadala sa kanya ng kampo ni Maurer na tigilan ang paggamit sa pangalan ng aktor.

Samantala, nabanggit ni Rabiya Mateo na paborito niyang aktor si Mario Maurer sa isang ambush interview nang mag check-in siya sa official residence ng mga Miss Universe.

The post Pinay na nanay ng girlfriend ni Mario Maurer nagbigay ng reaksyon tungkol sa story ni Kakai Bautista at ng thai aktor appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments