Looking For Anything Specific?

Reaksyon Ng Anak Ni Anne At Erwan Na Si Dahlia Nang Pakainin Ng Pancit, Kinagiliwan

Maganang kinakain ng anak nina Anne Curtis-Smith at Erwan Heussaf na si Dahlia Amelie ang mga pagkaing hinahain nang kaniyang mga magulang.

Kahit bata pa lamang ito at mahigit isang taong gulang pa lamang, walang pagsidlan ang tuwa nito kapag hinahainan ito ng masasarap na pagkain, lalo na ng kanyang tatay.

Makikita sa mga Instagram stories ni Erwan ang mga litrato at video ng kaniyang anak na maganang kumakain. Naroong kumakain ito ng pansit, maruya pancake at iba pa.

“This little girl’s appetite is impressive,”tila manghang anito sa caption nito sa isang video.

Hindi rin nito gustong may umaagaw sa kanyang pagkain, dahil nang iniuumang ni Erwan ang kanyang palad sa anak na may hawak na mais, iniiwas nito ang pagkaing hawak-hawak.

Ngunit, hindi naman nito gustong kumakain lamang ng mag-isa, kung kaya naman nang-iimbita ang bata ng makakasamang kumain, katulad na lamang ng kaniyang mga stuffed-toys.

Ipinapasilip rin ng food blogger ang kaniyang mga ginagawang simple ngunit masarap na pagkain para sa anak. Sa dami nang alam nitong putahe, tila hindi ito nauubusan ng mga sangkap na iluluto para sa anak.

Katulad ng anak, malakas din ang apetito ng ina nitong si Anne.

“She likes to eat food in general. So, I just try to remind her to kind of eat the right stuff especially since we have a kid now,”saad ng asawa nitong si Erwan.

Nagkaroon na rin ng “munting paligsahan” ang mag-asawang sina Anne at Erwan, sa kung kaninong luto ang mas pabor ng bata. Parehong nagsikap ang dalawa upang mapili ng kanilang anak, ngunit sa huli, ang ama ng batang si Dahlia ang nagwagi.

Tuwang-tuwa ito kapag nagugustuhan ng anak ang mga niluluto para rito. Tila naging isang gourmet si Dahlia dahil dito.

Jhong Hilario, may ibinunyag sa kaniyang baby na si Sarina na ikinagulat ng lahat

For the first time after his daughter, Sarina was born, Sample King Jhong Hilario shares his thoughts and experience with being a first time dad.

According to Jhong, there was never a time that he was not over the moon by taking care of Sarina.

Revealed Jhong, it seems like Sarina is also as enthusiastic as her dad, and they even tame her by dancing slowly.

“Sa recent post sa IG, makikita mo talaga na pag sinabi mong, Sarina smile for Daddy, ‘natiyempo talaga nag-smile siya.’

“Sabi ko baka tsamba, kapag naririnig niya ang boses ko. Nagseselos nga si Maia, di nag-smile sa kanya, bihira. Pag ako nakikipag-usap, nag-i-smile, sobrang laki.

“Pag minsan na umiiyak, kailangang buhatin, kinakantahan ko, tumatahimik, kumakanta ako ng ibang songs.

“Minsan may time na umiiyak, sinasayawan ko naman, tumatahimik naman.” he said.

Added Jhong, “Feeling ko mahilig sa music ang batang ito. Feeling ko magkakasundo kami nito pagdating sa talent.”

But even if its too early to tell, Jhong himself is eager to teach Sarina how to dance.

“Hindi puwèdeng di marumong magsayaw itong bata na ito. Naniniwala ako na walang tao na walang talent. Walang tao na kaliwa ang paa.

“Natututunan lahat iyan. Kung talagang gusto mo, matututunan mo.”

He also talked about the reason why they decided to name their daughter Sarina.

Sarina, it’s a Hebrew name. It means Princess. Yung second name niya is Oceania means ocean. Princess of the ocean kasi mahilig kami sa sea.

“Feeling ko mahilig din siya sa tubig. Kapag pinapaliguan ko siya, kapag nalligo talagang umiiyak, pero pag ginanun ko ng tubig na maligamgam, tumatahan. Gusto niya binababad siya sa tubig, di siya umiiyak. Feeling ko mahilig siya sa tubig.”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Silipin Dito Ang Naipundar Na 3-Storey House Ng Child Star Na si Ryza Mae Dizon

Sa isang segment na Little Miss Philippines ng Eat Bulaga unang nakilala ang batang si Ryza Mae. Ang angking kabibohan ang kanyang naging puhunan ng sumabak ito sa showbiz. Tinanghal na Little Miss Philippines 2012 ito at doon nagsimula ang kanyang magandang buhay sa showbiz.

Marami ang binigay sa kanyang proyekto sa showbiz, nakilala rin ang tunay na buhay nito ng ibahagi niya ito sa Magpakailanman isang reality series ng GMA 7. Sa magandang takbo ng career ni Ryza, nakakatulong siya sa kanyang pamilya at siya na ang naging breadwinner dito. Unti unting nakaahon ang pamilya ni Ryza sa kahirapan at nakakapagpundar na rin ito ng ibang gamit at ari arian.

Sa edad na 15 nakapag pundar na si Ryza ng computer shop at sariling 3 storey house. Sa makatuwid ibinahagi niya sa kanyang Youtube video ang nasabing bahay, at ito talaga ang inaantay ng kanyang mga fans kaya tuwang tuwa ang mga ito ng mapanuod ang nasabing video.

Sa videong iyon, makikita kaagad pagpasok mo ng gate ang sasakyan at ibang gamit ni Ryza na galing sa kanyang computer shop. Maganda ang disenyo at maaliwalas ang kanilang bahay, kahit hindi medyo malawak maganda naman ang pagka gawa at talagang nakakamangha.

Makikitang puro kulay itim at puti lang ang desinyo ng loob ng kaniyang bahay, marahil ito ang gusto ng dalaga. Sa living area makikita ang mga awards na kanyang natanggap.

Ipinakita niya rin ang kitchen kung saan ginagawa ng kanyang mama Rizza ang cooking vlogs at meron din silang tinatawag na dirty kitchen. Sa labas naman ng bahay meron silang mini garden.

Ibinahagi din ni Ryza ang kanyang bagong renovate na kulay pink na kwarto at matatagpuan ito sa ikalawang palapag ng bahay. Mayroon siyang computer table kung saan doon niya ginagawa ang kanyang online class at iba pang mga gawain online. Mayroon ding sala sa labas ng kwarto ni Ryza kung saan madalas nilang pagtambayan. Sa ikatlong palapag naman naka lagay ang kwarto ng kanyang mga magulang at ng dalawa niyang kapatid.

Ang tinatamasang karangyaan ngayon ni Ryza ay galing sa kanyang pagsisikap at tiyaga.

The post Reaksyon Ng Anak Ni Anne At Erwan Na Si Dahlia Nang Pakainin Ng Pancit, Kinagiliwan appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments