Looking For Anything Specific?

Ronnie Liang, proud na ibinahagi sa marami na isa na siyang ganap na lisensyadong piloto ngayon

Masaya at proud na proud ang singer na si Ronnie Liang na isa na siyang licensed pilot.

Graduate ng Bachelor Education Major in Science sa Holy Angel University sa Pampanga si Ronnie.

Pero hindi nawala ang ambisyon niyang maging piloto, kahit natupad na ang kanyang pangarap makapasok sa entertainment industry.

Noong Pebrero, ibinahagi niya sa kaniyang mga social media platforms ang bagong development sa kaniyang pagiging piloto.

Aniya, naipasa raw niya ang lahat ng mga knowledge tests ng  CAAP para maging lisensyadong piloto na siya.

At nito Huwebes lamang ay masayang ibinahagi ni Ronnie na isa na nga siyang lisensyadong private pilot.

Nagbahagi siya ng ilang litrato na pinapalipad niya ang isang aircraft pati na din ang kuha ng kanyang license id.

“Finally, I’ve gotten my license as a Pilot (PPL) after countless sleepless nights of studying

and a multitude of flying hours of training,” saad ni Ronnie.

Dagdag pa niya, “My childhood dream when I was in 4th grade has now materialized. I went confidently in the direction of my dreams and now it’s here – it’s a reality!”

 

Pinasalamatan din ni ni Ronnie ang APG International Aviation Academy family niya.

Sa pagtulong ng mga ito para maabot niya ang kanyang pangarap.

Nagsimula si Ronnie mag-aral ng pagpapalipad ng eroplano noong 2018-2019 at isinagawa ang kaniyang unang solo flight sa Subic.

May video din siyang ibinahagi na makikitang nakaluhod si at nakahawak sa elesi ng eroplano habang binubuhusan ng tubig.

Ayon sa singer, bahagi ito ng seremonya bilang opisyal na miyembro ng ASG International Academy Incorporated.

Sundalong Pinay, Kinahangaan Dahil Sa Katapangan, Napiling Team Leader Ng Grupo Na Madedeploy Sa Afghanistan

Ang pagiging sundalo ay isa sa mga pinakamahirap na trabaho sa buong mundo. Ito ay nangangailangan ng napakaraming training bago ito isabak. Kung kaya’t ang pagiging sundalo ay isa din sa mga pinakamahirap na pasukin na trabaho at ilan lamang din ang nαкαкαтαgαℓ sa training na ito.

Makita ang mga sundalo ay talagang nakaka proud dahil isa sila sa mga bayani sa buong mυndσ dahil hαndα niℓang ιѕυgαℓ ang kαnιℓαng buhay mapanatili lamang ang kaligtasan ng bawat isa.

Kagaya na lamang ni Sergeant Juan na aktibong naglilikod sa loob ang sampong taon bilang isang sundalo. Si Juan ay madami na din pinagdaanan sa kaniyang trabaho ngunit kahit ganoon ay hindi pa din niya isinuko ang laban at nagpatuloy lamang kaya’t nararapat lamang kung ano man ang mga nakukuha niya ngayon.


Staff Sergeant Juan ay kasalukuyang nasa proseso na maging Commissioned Officer. Siya din ay nagboluntaryo at napili na upang ipunta sa Afghanistan kasama ang mga Special Operation teams bilang Cultural Support leader.

Sa kaniyang bakanteng oras, siya ay natutuwa at nahihilig sa pagguhit, working out, at manguha ng mga tattσσs na nanggagaling sa mga Filipino culture.

Makikita sa mga larawan ipinost ng isang netizen na si Samuel Sturino sa kaniyang Facebook account, na mayroong mga ethnic tattσσs na mula sa Pilipinas ang makikita sa kaniyang mga katawan.

 


Marami ang mga netizens ang namangha sa kaniya pati na din kung gaano niya ka suportado ang mga katutubo ng Pilipinas.

Narito ang ilang mga komento ng mga netizens:

“Support ethnic tattoo in philippines.. hope the countrymen of my country stop the bad opinions on tattoos.. its our heritage its our culture.. be proud of our art.. salute to you mam.”


“Nakakaproud tingnan pero ang мαѕαкιт ang pagserbisyohan mo ang banyagang bansa lalo na ang manumpa sa flag ng banyaga habgang nakatalikod sa flg ng pilipinas.”

“Di ko makitaan ng ikaka proud bilang isang filipino sa pag serbisyo at i alay ang buhay sa banyagang bansa kaysa sa sariling bansa.”

Read also:

Isang Pinay-American Pilot Na Walang Mga Kamay Ay Viral Ngayon Dahil Nagawa Niyang Magpalipad Ng Isang Eroplano Na Gamit Ang Kanyang Mga Paa Lamang

Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap hindi nagiging hadlang kung anuman ang estado mo sa buhay. Hindi nagiging batayan ang kakulangan upang makamit ang tagumpay. Kagaya na lamang ng mga taong may kapansanan na nagagawang mamuhay ng normal sa kabila ng kanilang kakulangan. Pinatunayan ito ng isang Pinay-American na piloto na hindi hadlang kanyang kapansanan upang makamit niya ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay. Paano kaya nagagawa ng babaeng ito na maging kamay ang kanyang mga paa sa kanyang pang-araw-araw na buhay. Tunghayan natin ang kanyang kwento.

Source: Google

Si Jessica Cox ay isang babaeng Pinay-American na walang braso mula nang siya ay ipanganak. Ngunit, hindi ito naging hadlang mula sa paggawa ng mga bagay sa kanyang buhay. Hindi rin ito naging dahilan upang hindi niya matapos ang kanyang pag-aaral. Ang ama ni Jessica ay isang retiradong guro ng banda habang ang yumaong ina ay isang nurse. Siya ang pangalawang panganay sa kanyang dalawa pang ibang mga kapatid. Si Jessica lamang sa kanilang pamilya ang ipinanganak na walang braso.

Source : Google

Ayon kay Jessica, bata palang daw siya ay natutunan na niya ang taekwondo at maging isang black belter pagkalipas ng apat na taon. Sa edad na 17 taong gulang, nakakuha na siya ng lisensya sa pagmamaneho at natutunan kung paano kontrolin ang manibela gamit ang kanyang mga paa lamang. Noong siya ay 22 taong gulang, kumuha siya ng pagsasanay sa pagpapalipad at nakatanggap siya ng isang lisensya pagiging pilot pagkalipas ng tatlong taon.

Kinilala si Jessica ng Guinness World Record bilang unang pilotong babae na nakapagpalipad ng eroplano gamit lamang ang kanyang mga paa. Bukod sa paggawa ng mga pambihirang bagay, mahusay din siya sa mga outdoor activities tulad ng surfing, scuba diving, at horseback riding.

Source: Google

Nakakamangha na sa kabila ng kanyang kalagayan ay nagagawa rin niyang mapangalagaan ang kanyang sarili. Dahil nagawa niya ang mga pang-araw-araw na mga gawain tulad ng pag-aayos ng pagsisipilyo, pagmamake-up, pag-aayos ng buhok, paglalagay ng mga contact lens, pagtali ng kanyang mga sapatos, at kahit na pagta-type gamit ang kanyang mga daliri. May talento pa siya sa pagtugtog ng piano.

Noong siya ay bata pa, madalas daw magtanong si Jessica sa kanyang ina, kung bakit siya ginawa ng Diyos sa ganitong paraan. Ang sagot naman daw ng kanyang ina, na ang Diyos ay may higit na plano para sa kanya. Aminado si Jessica na kung wala ang kanyang suporta at pagmamahal ng kanyang pamilya ay hindi siya magiging matagumpay na tao ngayon.

Source: Google

Tunay ngang walang impossible sa taong determinadong maabot ang kanyang pangarap. Nawa’y maging isang inspirasyon si Jessica sa lahat ng taong may kapansanan na pilit inaabot ang kanilang mga pangarap.

The post Ronnie Liang, proud na ibinahagi sa marami na isa na siyang ganap na lisensyadong piloto ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments