Looking For Anything Specific?

Shaina Magdayao, kinaaliwan ng mga netizens matapos magbalik tanaw nang makatrabaho muli si Mon Confiado

Naaalala pa ni Shaina Magdayao kung paano siya ‘pinagmalupitan’ ni Mon Confiado noong bata pa siya.

Kilala ang aktor na si Mon Confiado bilang isa sa pinakamagaling na kontrabida.

Hindi lamang sa pelikula ngunit pati na din sa mga teleserye.

Malakas ang impact ni Mon sa mga manonood, na talagang galit sa mga karakter niya.

Kayang kaya niyang gumanap bilang masamang tatay, tyuhin, anak, asawa, at kung anu-ano pa.

Pero gayunpaman, may mga roles na mabait din si Mon, pero mas effective pa din ang pagiging kontrabida niya.

At isa nga ang aktres na si Shaina Magdayao sa mga nakaranas ng kalupitan ni Mon.

Nagkasama sa isang serye sina Mon at Shaina noong 1999 hanggang 2001 para sa ‘Marinella’.

Sinariwa ni Shaina ang isang eksena kung saan kinidnap at binugbog siya ni Mon sa kanyang Instagram story.

 

“Dati nung bata ako sa #Marinella, kinikidnap mo ako at binubugbog,” saad ni Shaina.

Sa ‘Maalala Mo Kaya’ ay muling nagkasama ang dalawa, ngayon ay bilang mag-asawa ngunit bugbog pa rin siya dito.

“Ngayon, sa MMK, asawa na kita, pero binubugbog mo pa din ako,” dagdag pa ng dalaga.

Kalakip nito ang litrato nilang dalawa, na sa tingin pa lang ay ramdam mo na ang kaba.

Dahil sa pwedeng gawin ng karakter ni Mon sa karakter ni Shaina bilang sila ay mag-asawa.

Kinaaliwan naman ang throwback na ito ni Shaina ng maraming netizens.

At umani din ng iba’t-ibang reaksyon.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Hahaha alalang alala pa ni Shaina pagmamalupit ni Mon”

“Magaling naman kasi talaga si Mon Confiado na kontrabida nakakainis talaga”

“Binubugbog ka lang noon asawa mo na ngayon hahaha havey si Shaina”

Anong masasabi mo rito?

Mon Confiado Proud Na Ibinahagi Ang Mga Laraωan Kasama Ang Hollywood Actrєss Na Si Olivia Hultgren

Proud na proud nga naman ang Filipino actor na si Mon Confiado sa mga international movies na kanyang kinabilangan. Si Mon Confiado, ay nakilala at naging popular pa lalo bilang isang aktor ng gampanan niya ang iconic role, bilang si Emilio Aguinaldo sa mga historical films na pinamagatang “Heneral Luna” at ang “Goyo:Ang Batang Heneral.”

Ngayon nga ay hindi lang basta mga Pinoy film ang ginagawa ni Mon, dahil ayon nga sa mga naging ulat ay ilang mga international film na rin ang kinabilangan ng Filipino actor.

Kabilang na nga sa mga ito ay ang Korean film na “The Golden Holiday”, kung saan ay pinaghahandaan na ng aktor ang magiging paglabas nito at angpelikulang “Stateside” ng U.S noong taong 2017, na pinagbidahan naman ng tinaguriang seasoned actor.

Sa pelikulang “Stateside”, ang karakter ni Mon, ay natagpuan ang pag-ibig sa karakter na ginagampanan naman ng American actress na si Olivia Hultgren.

Talaga namang nagbigay ng kakaibang “ambiance” ang karakter ni Olivia Hultgren sa nasabing pelikula, hindi lang dahil sa kanyang napakagandang mukha at napaka-charming na asul na mga mata, kundi dahil rin sa ipinamalas nitong husay sa pag-ganap sa kanyang karakter.

Nito nga lamang nakaraan, ay makikitang nagbahagi si Mon Confiado, ng ilang mga larawan sa kanyang social media account, kung saan ay makikita na kasama niya si Olivia.

Kalakip ng mga larawan na ito na ibinahagi ng aktor, ay ang kanyang inilagay na caption na; “The very pretty and very professional leading lady of our film “STATESIDE” 🇱🇷, Hollywood Actress Olivia Hultgren.”

Samantala, sa ngayon ay muling abala si Mon Confiado sa kanyang upcoming international movie, kung saan ayon sa aktor, ito ay isang American Movie na pinamagatang “Turncoat”. Ang makakasama niya uamno sa pelikulang ito ay ang Italian actress na si Annaluisa Capasa, at ang direktor nito ay si Marcial Chavez, isang Filipino-American indie filmmaker.

Ayon kay Mon, ang pelikulang ito, ay patungkol sa kwento ng isang mild-mannered man na tahimik at masayang naninirahan sa L.A kasama ang kanyang italyanang misis, hanggang sa may dumating na mga misteryosong tao na nagsabi sa kanya, na siya ay isang dating hιtmαn na naka base sa Manila.

“Is this a case of mistaken identity or he has a history no one knows about? He must cσnfrσnt his viσlent past”, ang naging saad nga ni Mon sa kanyang post, tungkol sa synopsis ng bagong international film na kanyang gagawin.

Ilan nga sa mga ipinakitang pasilip na larawan na nagbigay “intєnsє” sa mga mangyayari sa nasabing pelikula, ay ang larawan kung saan ay makikitang nag-welding ng bαrιℓ si Mon Confiado.

Hindi naman nagbahagi ang aktor nganumang detalye, kung kailan o anong petsa ipapalabas ang nasabing sυѕρєnѕє-actiσn film niyang ito.

The post Shaina Magdayao, kinaaliwan ng mga netizens matapos magbalik tanaw nang makatrabaho muli si Mon Confiado appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments