Looking For Anything Specific?

Sikat Na Vlogger, Nagsalita Na Ukol Sa Relasyon Umano Nila Ng Aktres Na Si Mahal

Umamin na ang YouTube vlogger na si Mygz Molino ukol sa totoong ugnayan nila ng aktres at komedyanteng si Mahal matapos ang kumalat na usap-usapang mayroong silang relasyon ng huli.

Ayon sa modelo at aktor, mabuting magkaibigan daw sila ni Mahal at hindi rin siya manager ng 46-anyos na aktres.

“Hindi po natin masabi sa ngayon kasi ang samahan namin, nandito pa lamang,” pahayag nito.

“Diyos na lamang po ang makakapagsabi ng magiging sitwasyon namin in the near future,” dagdag pa nito.

Magkasama rin ang dalawa sa GMA prime time show na Owe My Love.

Hindi rin itinanggi ng 35 taong gulang na lalaki na nakatira sila ni Mahal sa iisang bahay kasama ang pamilya nito, matapos niyang lumipat dito, noon lamang Hulyo nakaraang taon, 2020.

“Yun po ang nangyari sa amin dati, nung umalis si Mahal dahil na-in love siya, pero tuloy naman ang communication namin. Ngayon po, going strong ang relasyon namin bilang magkaibigan at nakakatulong na rin sa family niya, sa awa ng Diyos.”

Ibinahagi rin ng lalaki ang kaniyang mga nalaman ukol sa aktres sa pagtira nito, kasama ang huli, sa iisang bahay.

“Panganay si Mahal sa magkakapatid, may kapatid siya sa ibang bansa, tumutulong din. Yung isang kapatid niya, pulis, at yung bunso nila, nasa bahay, tumutulong sa tatay nila,” sabi nito.

“Madaling pakisamahan si Mahal, walang pinipiling tao. As long as yung tao na nakikita niya, mabait sa kanya, mabuti sa kanya, susuklian niya. Marunong siyang magalit kapag yung mga mahal niya sa buhay… may mga nasabi na hindi maganda sa mga magulang niya, sa mga kapatid niya.”

Malapit na malapit din daw ang dalawa sa isa’t isa at pamilya na raw ang tingin ni Mygz kay Mahal.

“Kumbaga, parang family na po yung tingin ko sa kanya. Pamilya na napakaimportante sa akin.”

Noong tinanong naman ang aktor sa madalas na ginagawa nilang dalawa, sinabi niyang, “Kapag walang taping, nasa bahay lang, kuwentuhan. Sinasabihan ko siya about kay Lord talaga. Ako, nagpe-painting. Gumagawa kami ng videos para sa YouTube channel namin.”

Sina Mygz at Mahal ay pawing mga vlogger sa YouTube at sa ngayo’y mayroon nang 300,000 subscriber ang channel ni Mygz at 200,000 subscriber naman ang kay Mahal.

Isang Lalaking May Kakαibang Kαrαmdaman Sa Kαniyang Kaanyυαn ay Nakahanaρ Ng Kaniyang “One True Love”

Ang pagiging kakaiba ng isang tao ay hindi nagiging sukatan ng tunay na pagkatao, minsan sa pagiging kakaiba nakikita kung sino ang tunay na nagpapakatao. Hindi ito nagiging hadlang upang makatagpo tayo ng isang taong tunay na magmamahal sa atin.

Zingzong’s IG

Parang isang pangarap ang paghahanap ng tunay na pag-ibig, hindi hadlang ang kataayuan sa buhay o ang pagiging kakaiba ng kaanyuan upang makamit ang anumang naisin sa buhay.

Kagaya na lamang ng kwento ng isang lalaking may kakaibang kaanyuan na nakatagpo ng tunay na pag-ibig sa kabila ng kaniyang itsura. Ating tunghayan ang kwento ng buhay ni Zingzong na isang skateboarder sa Cebu City. Siyα αy mαy kαkαibαηg sαкιт nα hιηdι ρα mαℓαmαn αng tυηαy na dahiℓaη kυng bαкιт gαnσσn na αмαng ang kαniyang itѕυra.

Zingzong’s IG

Ang sαкιт ni Zingzong ang nagdulot υραng ma-defσrмєd ang kaniyang mukha at hindi well-developed ang kaniyang katawan. Wala pang nakakaalam kung ano ang tunay na sanhi ng kaniyang sakit.

Si Zingzong ay isang binatang mahilig maglaro ng skateboarding. Dahil sa kaniyang angking galing sa paglalaro ng skateboarding marami ang nakapansin ng kaniyang kakayahan. Kaya ang kaniyang kaibigan na isang professional skateboarder ang nagpakilala kay Zingzong sa mundo ng social media.

Zingzong’s IG

Dahil sa mga maraming stunts na kaniyang ipinapakita na pinopost niya sa kaniyang social media mas dumarami ang mga namamangha sa kaniyang kakayahan at galing sa skateboarding.

Siyempre kagaya rin ng maraming mga kabataan, dumating rin sa puntong siya ay nakatagpo ng isang taong tatanggap at magmamahal sa kaniya sa kabila ng kaniyang itsura.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi niya ang isang larawang kasama ang isang babaeng may hawak na baby na may caption na, “Family Picture”.

Zingzong’s IG

Tunay ngang nakahanap siya ng babaeng magmamahal at ipagmamalaki siya sa buong mundo. Sa mga larawang ibinahagi ni Zingzong sa kaniyang social media mababakas sa mukha ng kaniyang girlfriend na masaya siya sa piling ni Zingzong na walang pag-aalinlangan niyang ipinagmamalaki si Zingzong.

Zingzong’s IG

Kaya ang mga netizens ay namangha sa girlfriend ni Zingzong dahil sa kabila ng itsura nito kailanman ay hindi niya ito ikinahiya. Sa katunayan sobrang proud at napaka-supportive ng kaniyang girlfriend lalong-lalo na sa pag-abot nito sa kaniyang mga pangarap.

Dahil sa angking galing ni Zingzong sa paglalaro ng skateboarding mas maraming mga netizens ang naging interesado sa kaniya na makilala pa ang tunay na kwento ng kaniyang buhay.

Zingzong’s IG

Kailanman hindi magiging hadlang ang pagkakaroon ng kaibahan ng isang tao upang makilala siya ng mundo. Tao rin silang maituturing na may karapatang makilala lalong lalo na mayroon silang angking galing na kanilang ibinabahagi sa lipunan.

Pinoy na Tricycle driver, nakaρangasawa ng isang naρakagandang dayuhan

Mula sa isang facebook post ang kwento ng isang tricycle driver na nakapangasawa ng isang napakagandang dayuhan. Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon sa mga netizens na nakabasa nito. Marami ang nagulat at idinaan sa biro ang pagkahanga nila ngunit mayroon ding hindi natutuwa sa pagsasama nila.

Nahulog umano ang loob ng binibini sa ating kababayang tricycle driver matapos nito ipakita ang kabutihan ng puso nito. Aniya,  napakabait raw nito sa kanya, ma-alaga ito na siya naman kapani-paniwala dahil likas na hospitable ang mga Pilipino. Dagdag pa ng dalaga na magalang din ang ating kababayan lalong lalo na sa mga nakatatanda. Isang paguugali na madalang rin makita sa mga banyaga o dayuhan.

Mapagmahal rin umano ito at dahil dito ay tuluyan na ngang napaibig ang binibini. Hindi kataka-takang nabihag ng ating kababayan ang puso nito dahil sa busilak nitong puso na mismong nakita at naiparamdam nito. Hindi naman naging hadlang sa kanilang pagsasama ang pagtatrabaho nito bilang tricycle driver dahil sinisiguro nito na may oras ito sa dalaga. Inamin naman ng dalaga na hindi siya tumitingin sa panlabas na anyo kundi sa kabutihan ng puso ng isang tao. Kaya naman ay pinili nitong makasama ang ating kababayan pang habang buhay.

Ayong sa isang netizen na si Manskie Gonzales na nagcomment sa post, “God Bless, Bro. mahalin mo yan. Hulog sayo ng langit yan. Tulong ka sa kapwa pag mayaman kana wag ka makakalimot.”

Isa din namang netizen na si Mary Grace Diomampo ang nagcomment rin para sa bagong kasal, “As long as we have good heart, God will give us reward. Yun ang nakita ng kano sa kanya. God Bless mamuhay kayo ng masaya at maligaya!”

Si Lurleen Milvar rin na isang netizen ay natutuwa sa pag-iibigan ng dalawa. Nag-iwan din siya ng comment para sa kanila, “Hindi naman sa itsura yon. Kundi sa buong pagkatao.”

Makikita sa kanilang mga litrato na magaan ang loob nila sa isa’t-isa at masayang masaya sila sa kanilang relasyon.

The post Sikat Na Vlogger, Nagsalita Na Ukol Sa Relasyon Umano Nila Ng Aktres Na Si Mahal appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments