Alam naman natin na ang paggamit ng iba’t ibang social media platforms ay maaaring maging dahilan ng mabilisang pagsikat ng isang tao. Ito rin ay nagbibigay ng daan sa ibang tao para ibahagi ang kanilang kwento sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Ang social media din ay isa sa mga paraan para ipakita ng isang tao ang kanilang talento sa buong mundo, hindi na nila kinakailangan gumamit ng kung ano ano at mag-audition, dahil isang click lamang sa iyong social media account, maaari ka ng maging isang sikat na tao.
Mayroon na ring ilang mga sikat na personalidad ang nagsimula sa kanilang karera dahil sa social media. Sila ay nagsimulang maging netizens lamang na gumagamit ng social media at ngayon ay isa ng ganap na artista, at isa na nga rito ang rising child star na si Awra Briguela.
![]()
Photo from The Filipino Times




Panoorin ang kagandahan ng buhay at bagong bahay ni Awra:
Mga Netizens Humanga Kay Awra Briguela Dahil Pinagtαρσs Ang Ama Sa Kolehiyo

𝙼𝚊𝚍𝚊𝚕𝚊𝚜 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 “𝚒𝚗𝚜𝚙𝚒𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚜𝚝𝚘𝚛𝚒𝚎𝚜” 𝚗𝚊 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚋𝚊𝚜𝚊 𝚘 𝚗𝚊𝚛𝚒𝚗𝚒𝚐, 𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚊𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔, 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚜𝚊 𝚝𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚊𝚝 𝚔𝚊𝚜𝚒𝚙𝚊𝚐𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐. 𝙽𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗 𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊-𝚙𝚛𝚘𝚞𝚍 𝚗𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚊𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚞𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚔𝚘𝚕𝚎𝚑𝚒𝚢𝚘 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚜𝚊 𝚝𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔, 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚊𝚑𝚊𝚗𝚐𝚊𝚊𝚗.
𝙰𝚝 𝚒𝚝𝚘 𝚊𝚢 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚋𝚊 𝚔𝚞𝚗𝚍𝚒 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐𝚑𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚊𝚝 𝚜𝚞𝚙𝚘𝚛𝚝𝚊 𝚗𝚊 𝚒𝚋𝚒𝚗𝚒𝚐𝚊𝚢 𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚝𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚛𝚝𝚒𝚜𝚝𝚊 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙰𝚠𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚖𝚊, 𝚑𝚊𝚗𝚐𝚐𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊 𝚒𝚝𝚘’𝚢 𝚖𝚊𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐𝚝𝚊𝚙𝚘𝚜 𝚜𝚊 𝚔𝚘𝚕𝚎𝚑𝚒𝚢𝚘.
Masayang-masaya at buong pagmamahal na ibinahagi ng child star na si McNeal Awra Briguela ang naging pagtatapos ng kanyang ama na si Oneal Brian sa kolehiyo. Ayon kay Awra, talagang nakakaproud, dahil sa nakapagtapos ang kanyang ama dahil sa determinasyon nito, at sa naging suporta niya at ng buong pamilya nila rito.
Sa Instagram account ni Awra, ay kanyang ibinahagi ang mga larawan ng naging pagtatapos sa kolehiyo ng kanyang ama, at kalakip nito ay ang kanyang caption na paglalahad kung gaano siya ke-proud bilang anak sa naging pagkatapos nito.
“Congrats Papa! So proud of you!! Sabi nga nila it’s better than late, than never.”
“Kaming lahat ng anak mo, sobrang saludo sayo! Kase pinakita mo samen kung gaano kahalaga ang pag-aaral! I love you papa!!! Congrats ulet!”, ang naging caption ni Awra sa mga larawan ng naging pagtatapos ng kanyang ama.
Sa kabilang banda naman, makikita sa Instagram page ng beteranong comedian-actor na si Ogie Diaz, isa sa mga kaibigan ni Awra sa showbiz, na ibinahagi rin nito ang larawan ni Awra at ama nito na nagtapos sa kolehiyo, kalakip ay ang congratulatory message niya para kay Awra, dahil sa ginawa nitong pagtulong sa ama, upang makapagtapos sa kolehiyo.
“Karaniwan ng kwento na ang mga magulang ay nakapagtapos ng anak sa kolehiyo. Sa larawang ito, gusto kong batiin si Awra (ng Ang Probinsyano), dahil nakapagtapos niya ang kanyang ama sa kolehiyo”, ang naging saad ng ni Ogie.
“Congrats, Awra!!! At ipagpatuloy mo ang kabutihan mo bilang isang anak. Isa kan inspirasyon”, dagdag pa ni Ogie. Samantala, matatandaan naman na taong 2017, ng sabihin ng ama ni Awra na si Oneal Briguerra, na ang kanyang anak nga, ang sumusuporta sa kanyang pag-aaral upang makapagtapos siya ng kolehiyo.
“Parang siya na po ang nagpapaaral sa akin. Baliktad na.” ang naging saad nga nito.
Si McNeal Awra Briguela o mas kilala ng marami bilang si Awra, ay mas kilala at hinangaan ng publiko sa kanyang naging karakter na Makmak sa Primetime serye na “ FPJ, Ang Probinsyano”.
The post Silipin ang Bagong Bahay ni Awra Briguela sa Las Pinas City appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments