Looking For Anything Specific?

Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee

Karamihan sa ating mga babae ay excited sa pagiging ina. Talagang wala ng mas nakakatuwa pa ang maramdamang magbibigay buhay ka sa batang mamahalin at gagabayan mo. Kaya naman kahit mahirap ang panganganak, isa rin itong fulfilling na pangyayari sa buhay ng isang nanay na habang buhay niyang matatandaan.

Isa sa mga first-time mommy ngayong 2021 ay ang social media influencer na si Zeinab Harake. Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nasilayan na rin ni Zeinab ang kanyang baby! May 1 nang isilang ng Youtube vlogger ang kanyang first baby sa boyfriend na si Skusta Clee via cesarean section.

Sa kanilang first-time vlog matapos manganak, ipinasilip ni Skusta ang kanilang memorable moments sa panganganak ni Zeinab. Pinangalanan nilang Bia ang kanilang newborn. Wala namang komplikasyon at ligtas na naideliver ni Zeinab ang kanyang baby.

“Sa gitna ng halo-halong emosyon na nararamdaman ko ng mga oras na iyon. Biglang tumigil ang mundo. Pinakamagandang biyaya na ibinigay sa amin ng Panginoon. Tatay na ko pare,” natutuwang sambit ni Skusta sa kanyang video.

Sa kabilang banda, maraming netizens naman ang na-excite rin dahil sa wakas ay ganap na magulang na sina Zeinab at Skusta.

Marami rin ang nagpahatid ng kanilang wishes at congratulatory messages sa couple. Silipin ang mga komento nila dito:

“Yoohooooo team zeiryl for the win congrats zeiryl we love you sana healthy si baby.”

“Lods sana healthy si baby bia and you din po ate zeb.”

“Zebby and cleezy I’m happy to both of you sana magtuloy tuloy na pagiging goodboy ni skusta clee.”

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Read also:

Skusta Clee, halo-halo ang emosyon ng ibahagi ang pagkapanganak ni Zeinab Harake!

Proud Parents!

Sa kaniyang latest vlog, ibinahagi ni Skusta Clee na ipinanganak na ni Zeinab Harake ang kanilang baby Bia.

Isang emosyonal na Skusta Clee ang masisilayan sa kanyang latest video.

Kung saan ipinakita ang journey ng panganganak ng kaniyang partner na si Zeinab.

Nag-umpisa ang video na magkasamang pumunta sa tila lying-in hospital ang magkasintahan.

Saad pa nga ni Skusta sa kanilang mga kasama sa bahay, “Pag-uwi namain tatay na ko.”

Hanggang sa makarating na sila sa ospital at hinanda na ang proseso, via C-section ang panganganak ni Zeinab na ipinakita sa video.

Sa loob ng kwarto kung saan manganganak si Zeinab ay kasama din si Skusta, bago mag-umpisa ang proseso ay bingyan pa ng lakas ng loob ni Skusta ang kanyang mahal.

At ilang sandali lamang, hindi mawari ang kasiyahan ni Skusta nang marinig na niya ang iyak ng kanyang panganay.

Kung matatandaan, sa kanilang nakalipas na vlog ay napagdesisyunan ng magkasintahan na pangalanan na Bia ang kanilang baby.

Ipinakita din nila ang hinanda nilang magiging kwarto ng kanilang panganay.

Samantala, naging emosyonal naman si Skusta ng makarga na niya si Baby Bia.

Saad pa nga niya sa kanyang video na si Baby Bia ang pinakamagandang regalo ng Maykapal sa kanila.

Si Baby Bia din diumano ang nagsilbing direksyon ng kanyang buhay.

Sinabi din ni Skusta na siya ang magsisilbing nurse ngayon ni Zeinab, at kailangan sundin ng huli ang lahat ng sasabihin niya.

Dati daw ang mahalagang bagay lang kay Skusta ay pera, kasikatan, bisy0.

At ni hindi daw sumagi sa isip niya na magkakaron siya ng sariling pamilya.

Pero naging mapalad daw siya dahil mayroong isang tao na hindi siya sinukuan kahit sa mga panahong siya mismo ay suko na sa sarili niya.

At yun nga ay si Zeinab.

The post Zeinab Harake, Ipinasilip ang Mukha ng Napakacute na Baby Nila ni Skusta Clee appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments