Ang edukasyon ay walang pinipiling edad ang mahalaga ay ang pagsisikap na maabot ang mga pangarap. Hindi pa huli ang lahat upang makamit ang mithiin sa buhay. Narito ang kwento na magbibigay patunay na sa wala sa edad ang basehan upang magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ito ang kwento ni Lola Josephine Amante Villatema, isang 62 taong gulang na nagsumikap ng makapagtapos ng pag-aaral sa high school sa kabila ng kaniyang edad. Si Lola Josephine ay nakapagtapos sa sekondarya sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) sa Timoteo Policarpio Memorial School sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay Lola Josephine, pinagsikapan niya umanong makapagtapos ng high school dahil gusto niyang matupad ang kaniyang pangarap na makapag-aral ng culinary arts sa ilalim ng programa ng TESDA. Nagsipag si Lola Josephine sa kaniyang pag-aaral kahit siya ay matanda. Marahil siguro dala ng kahirapan kaya nawalan ng pagkakataon si Lola Josephine na maitaguyod ang kaniyang pag-aaral noon kung kaya’t elementarya lamang ang kaniyang natapos.
Ito ang kwento ni Lola Josephine Amante Villatema, isang 62 taong gulang na nagsumikap ng makapagtapos ng pag-aaral sa high school sa kabila ng kaniyang edad. Si Lola Josephine ay nakapagtapos sa sekondarya sa pamamagitan ng Alternative Learning System (ALS) sa Timoteo Policarpio Memorial School sa Norzagaray, Bulacan.
Ayon kay Lola Josephine, pinagsikapan niya umanong makapagtapos ng high school dahil gusto niyang matupad ang kaniyang pangarap na makapag-aral ng culinary arts sa ilalim ng programa ng TESDA. Nagsipag si Lola Josephine sa kaniyang pag-aaral kahit siya ay matanda. Marahil siguro dala ng kahirapan kaya nawalan ng pagkakataon si Lola Josephine na maitaguyod ang kaniyang pag-aaral noon kung kaya’t elementarya lamang ang kaniyang natapos.
Nakakamanghang Nakapagtapos Ng Kolehiyo Ang Isang Street Sweeper, Sa Kabila Ng Kanyang Pagiging Isang Ina Sa 7 Niyang Mga Anak
Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap, hindi kailanman nagiging hadlang ang kahirapan lalo pa’t kung ang isang tao ay determinadong maabot ang kanyang mga mithiin sa buhay. Wala sa edad at estado sa buhay ang sukatan upang maging matagumpay ang isang tao sa hinaharap. Ito ay kagaya na lamang ng kwento ng isang street sweeper na nag-viral dahil sa nakamit niyang tagumpay sa buhay.
Isang Bυℓαg, Nakapagtapos Bilang Summa Cum Laude at Magna Cum Laude Sa Dalawang Kursong Kinuha
Karamihan sa atin may alam na kung sino pa yung may ραgкυкυℓαng sa katawan o anyo ng isang tao sila pa yung pursigido na abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Kagaya nalamang ng kwento ni Minnie Aveline Juan ,siya ay isinilang na may komplikasyon sa kanyang mga mata. Ngunit hindi ito naging rason para siya ay hindi mag patuloy sa buhay sa tulong na rin ng kanyang pamilya.
Nakapagtapos siya sa elementarya, high school, at college na may mataas na parangal na nakukuha. Humanga naman ang kanyang mga magulang sa kanyang mga minimithi sa kabila ng kanyang kalagayan.
Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang kolehiyo, marami ang humahanap ng paraan para maitaguyod ang pag aaral dito, mapa gastusin at kung ano pa. Kaya naman nakakahanga ang kwento ni Minnie dahil sino ang mag aakala na dalawang kurso ang kanyang natapos.
Una ang “Bachelor of Arts in English” bilang magna cum laude. Matapos niyang magtagumpay sa kursong ito ay hindi siya huminto sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.
Pangalawa naman ang ay kursong “Bachelor of Elementary Education major in Special Education” sa Virgen Milagrosa University sa San Carlos, Pangasinan.
Sadyang nakakahanga ang ganitong uri ng mga kwento ito ay nag sisilbi sa atin ng isang malaking inspirasyon na kahit anong balakid man ang haharapin tayo ay mag patuloy lamang sa buhay ano man ang hirap na mapagdadaan.
Masaya rin ang pamumuhay ni Minnie sa panahong alam niyang gagawin niya rin ang kanyang makakaya sa kanyang nabuo ring pamilya.
Doctor na Mag-asawa, Nakapagtapos ng Medisina ang Kanilang Tatlong Anak at Nag-Top Lahat sa Board Exam!
Isa sa mga kursong mahirap pag-aralan sa kolehiyo ay ang medical related courses. Maliban kasi sa mga kailangang kabisaduhin at pagdaanang training ay mas mahaba rin ang taon na kailangang gugulin ng mga estudyante para dito.
Ganoon pa man, marami pa rin sa mga kabataan ang nagsusumikap na maabot ang ganitong pangarap hindi lamang para sa sarili kundi para na rin makatulong sa ating mga kababayan. Sa katunayan, isang pamilya ng mga doktor ang naging viral kamakailan lang sa social media matapos ibahagi ng Ama ang kwento patungkol sa tatlo niyang anak na sumunod sa yapak nilang mag-asawa.
Ang nasabing doktor ay walang iba kundi si Doctor Eric Peralt. Sa kaniyang Facebook post ay ipinakita niya kung gaano siya ka-proud sa kaniyang mga anak dahil sa kanilang tiyaga sa pag-aaral.
Ang bunso kasi nitong si Federico Adriano Peralta IV na nagtapos sa paaralan ng University of Santo Tomas ay siyang nag-top sa ginanap na 2019 Physician Licensure Examination at nakakuha ng rating na 90.92%. Hindi lamang ito ang ibinida ng ama sa kaniyang social media post kundi pati na rin ang ilan pang awards na natanggap ng anak habang nag-aaral kagaya na lamang ng pagiging Magna Cum Laude sa kursong BS Medical Technology (BSMT) noong 2014 at pagiging Summa Cum Laude at Valedictorian ng Batch 2018 noong nag-aaral siya ng medisina.
Talaga namang kahanga-hanga itong si Federico ngunit hindi lang pala siya ang nag-iisang topnotcher sa mga anak ni Dok Eric dahil silang tatlong magkakapatid ay nakapagtapos din pala ng medisina at gumawa ng marka sa mga ginanap na Physician Licensure Examination!
Ang dalawa niyang nakatatandang kapatid na babae ay naging sentro rin ng atensyon ng nakararami. Si Ana Bianca Eloise, panganay sa magkakapatid ay nagtapos ng BSMT bilang cum laude noong 2010 at magna cum laude naman sa kursong medisina noong 2014. Maliban dito ay hinirang siyang Top 6 sa ginanap na 2015 Physician Board Exam.
Samantala, ang pangalawang anak ni Dok Eric na si Ana Eryka Elaine ay sumunod din sa yapak ng kaniyang ate at nagtapos bilang magna cum laude sa BSMT noong 2012 at magna cum laude din sa kursong medisina noong 2016. Hindi rin ito nagpatalo at hinirang na Top 5 noong 2017 Physician Board Exam!
Dahil dito ay abot langit ang ligaya ng mag-asawa na Eric at Ana dahil ang kanilang paglilingkod sa bayan bilang mga doktor ay namana rin ng tatlo nilang anak. Masaya sila dahil hindi lamang talino sa pag-aaral ang naipamana nila kina Bianca, Eryka at Eric kundi higit sa lahat ang puso at kagustuhan na makatulong sa mga nangangailan.
source: Eric Peralta/Facebook
The post 62 Years Old Na Lola Masayang Nakapagtapos Ng High School Sa Kabila Ng Kanyang Edad appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments