Looking For Anything Specific?

Ukay-ukay owner, natagpuan ang perang may halagang P5 million pesos sa damit na ibebenta ngunit nadismaya nang ipapapalit na

Kung pagiging praktikal lang din ang usapan sa pamimili ng damit, ukay- ukay ang sagot dyan.

Madami sa atin ang mas tinatyaga ang paghahanap sa mga ukay- ukay upang makamura kaysa mamili ng damit sa mga mall na doble o triple pa ang presyo.

Sa katunayan, ang mga damit na ibinebenta sa ukay- ukay ay magaganda ang kalidad at tatak ngunit kinakailangan lang talaga na masipag kang maghanap.

Madami din ang nagnenegosyo nito dahil malakas din ang kita rito. Samantala, labis na swerte at pagkadismaya ang naranasan ng ukay- ukay seller na nakilalang si Badang mula Quezon City.

Nakita niya ang anim na piraso ng 1,000,000 argentine money mula sa damit na ibinagsak sa kaniyang ukayan ng isang kilalang fashion retailer shop.

Nang tingnan ng kaniyang anak ang halaga ng nakuhang pera, ito ay may katumbas na 5 million pesos ang halaga. Labis ang kaligayahan na kaniyang naramdaman kaya’t ipinlano na niya ang kaniyang gagawin sa pera.

Nais niyang makapagpagawa siya ng bahay, mga bayad ng utang at sa pag-aaral ng kanyang mga anak at ibahagi rin sa kanyang pamilya.

Ngunit ang mga pangarap at plano na ito ay naglaho nang sabihin ng mga eksperto na ang perang kanilang nakuha ay may halaga na lamang na 8,600 pesos.

Ang perang kanilang nakuha ay demonetized na pala at, ito ay nakumpirma mismo sa embahada ng Argentina.

Post a Comment

0 Comments