Looking For Anything Specific?

80-anyos na Lolo, Naglalakad araw-araw upang makapagtinda ng Bagoong at kumikita ng P50 pambili ng Bigas!

Dahil sa mahina na ang pangangatawan ng mga matatanda, dapat ay nanatili na lamang sila sa kanilang mga tahanan at namamahinga, subalit sa panahon ngayon ay marami parin ang matatanda na nagsusumikap at naghahanapbuhay para may makain dahil sa kahirapan ng buhay.

Nag-viral ang isang post na ito tungkol sa isang 80-anyos na lolo na naglalakad ng humigit kumulang 20 kilometro araw-araw para lamang makapagtinda ng bagoong para makabili ng makakain.

Nakilala ang lolo bilang ‘Tatay Lauro’. Si Tatay Lauro ay residente ng Bitukang Manok sa Pandi, Bulacan. Mag-mula Bitukang Manok, nilalakbay ni tatay Lauro hanggang Real Cacarong sa Pandi,Bulacan din para lamang kumita. Tinitiis ito ng matanda kahit na siya ay mahina na.

Photo: Facebook

Kumikita si tatay Lauro ng P50.00 sa pagtitinda ng bagoong. Kaya naman imbis na mamasahe, nilalakad na lamang niya araw-araw ang pagtitinda bitbit ang isang timbang bagoong upang makatipid.

Nakakadurog ng puso nang dahil sa kahirapan, nagbabanat pa din ng buto si tatay Lauro para kahit papaano ay may maiuwi itong bigas at pang-ulam ng pamilya.

Photo: Facebook

Hindi naging hadlang sa matanda ang kanyang edad para kumayod sa pang araw-araw. Ang isang katulad ni tatay Lauro ay dapat na ginagawang halimbawa lalo ng mga kabataan ngayon na kailangan maging masipag lalo na sa paghahanap-buhay dahil hindi lahat, nakakakain ng masarap at nakakapagpahinga ng maayos. Nakakalungkot mang isipin na kinakailangan niya parin magtrabaho, Nawa’y magsilbing inspirasyon si tatay sa mga kabataan na magsumikap.

Marami naman nahabag kay tatay Lauro, mayroon ding mga humanga sa kanyang mga netizens. Nanawagan din iba na sana matulungan ang matanda upang hindi na maghirap araw-araw.

Photo: Facebook

“Kawawa naman si tatay, hindi na siya dapat maglako ng mga paninda. Kung may mga anak man siya, sana sila nalang ang maghanap buhay para sa magulang nila.”

“Masipag lang talaga si tatay. Ganyan kasi ang mga tatay, ayaw paawat kasi lalo lang sila magkakasakit kapag nagstay sa bahay.”

“Kung sino man ang makakita sa matanda, Please lang po sana bumili kayo sakanya, tulong narin po para may makain sila. Sobrang hirap po ng ginagawa niya para sa maliit na halaga! Hanga ako kay Lolo”

Lola, Sinasaktan ng mga apo pag hindi naghahanapbuhay

Nakaramdam ng awa ang isang netizen na si Mailin Buenconsejo Tiong, ng makita nito ang isang matandang babae na nag lalako ng basahan, habang tirik na tirik ang araw nilapitan nito ang matandang babae at tinanong “Nay! bakit ho tanghaling tapat ay nag titinda paho kayo??

Sumagot naman ang matanda saad nito “siya lamang ang inaasahan ng kaniyang mga apo na kumayod sa araw-araw, dahil kung hindi ay sasaktan siya ng mga ito.” pansin rin ni Mailin na may mga sugat ito sa binti at pansin rin nito ang baling kamay nito. inusisa pa niya ang matanda kung ang kaniyang mga galos at pasa ay galing sa kamay ng kaniyang mga apo.

Saad naman ng matanda “Oo kasi minsan mahina na ako kaya nila ako napagbubuhatan ng kamay”, naawa naman ang netizen sa katayuan ng matanda kaya kahit sa maliit na paraan ay binili nito ang kaniyang tindang mga basahan, kinunan niya ito ng larawan upang humingi ng tulong mula sa kinauukulan upang matulungan ang matandang babae, Habang papalayo ang matanda upang magtinda pa ng natirang basahan ay batid sa mukha nito ang pagod at hirap sa paglalakad dahil sa kaniyang edad ay pinipilit nalamang nito ang kumayod sa araw-araw.

Lolang nagtitinda ng kakanin, naloko ng isang customer nang bayaran ito ng pekeng Php500, kinaawaan at tinulungan ng mga netizens

Kahit mahirap ang buhay marami pa rin ang naghahanapbuhay kahit sa simpleng paraan lamang. Kung kaya’t nakakadurog ng puso kapag may mga taong nanloloko ng kanilang kapuwa na marangal naghahanapbuhay para mabuhay sa araw-araw.

Isa na rito ang naranasan ng isang lolang na nagtitiyagang nagtitinda ng mga kakain pagkatapos nitong bayaran ng isang customer ng pekeng Php500. Nakakaawa ang naging sitwasyon ng lola dahil sa kabila ng kaniyang marangal na hanapbuhay siya pa ay nabibiktima ng mga nagkalat na manloloko.

Source: Mylyn Tupas

Ang nangyari sa lolang ito ay ibinahagi ni Mylyn Tupas sa kaniyang facebook account matapos niya itong makuhaan ng mga larawan. Si lola ay nakilala na si Liusa Fineza o mas kilala siya sa tawag na Nanay Liza, siya ay isang kakanin vendor at ito lamang ang kaniyang tanging hanapbuhay. Si Nanay Liza ay nagtitinda sa may A. Bonifacio Avenue sa San Roque, Cainta, Rizal.

Source: Mylyn Tupas

Ayon pa sa post ni Mylyn, “Kung sino kamang babae ka na nanloko dito kay Nanay Liza, multuhin ka sana ng konsensya mo, ang kapal ng mukha mo. Kung sino pa mahirap siya pa niloloko. Maawa naman kayo,” na tila ramdam na ramdam ang awa niya sa matanda. Dagdag pa niya, “Hindi ka na naawa sa matanda binayaran mo ng pekeng 500 halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera.”

Source: Mylyn Tupas

Kwento pa ni Mylyn, pangatlong beses na raw itong nangyari kay Nanay Liza. Tinulungan pa nga raw siyang mahanap sa CCTV yung taong nanloko sa kaniya, dahil na rin sa galing nitong magtago kaya hindi ito mahanap-hanap. Kaya naman naisipan ni Mylyn na ibahagi ito sa social media upang maraming makatulong sa matanda na mahanap ang manloloko at maparusahan ito.

Source: Mylyn Tupas

Sa edad ni Nanay Liza na 76 taong gulang nagtitinda pa rin ito ng mga kakanin upang mabuhay lamang sa araw-araw ang kaniyang pamilya tapos lolokohin pa. Ayon pa kay Mylyn, siya raw ay malapit na kaibigan ng pamilya ni Nanay Liza kung kaya’t kilala niya ito na isang dating guro bago pa man ito maging isang tindera. Dahil na rin sa awa niya sa matanda kaya siya humingi ng tulong, at laking gulat na lamang niya dahil marami ang mga nagbigay ng tulong pinansiyal kay Nanay Liza.

Source: Mylyn Tupas

Dahil nga mahirap ang buhay kaya marami ang naglipanang mga manloloko at gumagawa ng masama sa kanilang kapuwa ng dahil lamang sa pera. Ang nakakalungkot pa dito, kung sino pa ang gumagawa ng marangal sa buhay siya pa ang madalas na ginagawaan ng masama. Nawa’y maging daanan ang kwento ni Nanay Liza para sa mga taong walang konsensiya na nanloloko ng kanilang kapuwa.

The post 80-anyos na Lolo, Naglalakad araw-araw upang makapagtinda ng Bagoong at kumikita ng P50 pambili ng Bigas! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments