Looking For Anything Specific?

Isang bata, naglalakad gamit ang mga kamay

Walang bata ang hindi nag nanais na tumakbo sa ilalim ng mga ulap kasama ang mga kaibigan. Lahat ng bata ay nais maglaro ng habulan, patentero, o di kaya tagu-taguan kasama ang ibang bata.

Parte ng pagiging bata ang makaranas ng mga bagay na ito, ang tumakbo, madapa, bumangon, at tumakbong muli. Subalit, paano kaya kung ikaw ay isang bata na hindi kayang tumakbo o lumakad gamit ang iyong mga paa?

Unang ipinakita sa KMJS ang istorya ng batang si Ralph, 10 taong gulang mula sa Davao Oriental. Siya ay naglalakad hindi sa pamamagitan ng mga paa kundi kamay.

Sabi ng kaniyang ina, hindi raw nila tinuruan ang bata na maglakad gamit ang kamay, pag tungtong niya daw ng 3, kaniyang kusang ginamit ang mga kamay sa paglakad.

Ayon kay Ralph, naiingit daw siya sa ibang bata na kayang maglakad at tumakbo, Siya ay nawalan na rin daw ng ganang mag-aral dahil tinutuks0 ito ng ibang bata na lump0.

Courtesy: GMA Network

Hindi lamang ito ang pinagdadaanan na hirap ng bata dahil sila ay mahirap din at minsan ang tanging ulam ay kape o asukal lamang.

At kahit mayroon itong kapansanan, siya ay tumutulong parin sa kaniyang pamilya sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa kanilang maisan.

Courtesy: GMA Network

Kahit nawalan na ng ganang mag-aral si Ralph, hindi parin daw siya nawalan ng pag-asa na makalakad muli at maging Abogado sa hinaharap. Si Ralph ay marami pang pangarap para sa kaniyang sarili at pamilya at hindi hadlang sa pagtupad dito ang kaniyang kapansanan.

Courtesy: GMA Network

Hindi lahat ay mayroong normal na buhay, minsan ang iba ay mayroong kakulangan tulad ni Ralph, ngunit na sa sa atin ito kung paano natin tatanggapin at pagagaain ang ating buhay.

Maswete tayo dahil kaya nating maglakad o tumakbo ng normal, kaya dapat marunong tayong pahalagaan ang kung ano ang mayroon tayo dahil hindi lahat ay normal.

21-Anyos na Lalaki, Hinangaan ng Marami Dahil sa Pagiging Masipag sa Kabila ng Kanyang Kapansånan!

Lubhang mahiråp ang buhay ngayon at mas lalo pa tayong pinahihiråpan ng pand3mya. Marami sa atin ang talagang naapektuhan at patuloy na naaapektuhan katulad ng mga kababayan natin na nawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng ilang mga kompanya. Ngunit hindi ito dahilan para tayo ay sumuko bagkus ay lumaban at magpatuloy lamang sa mga hamon na dumadating sa ating buhay.

Ito naman ang pinatunayan ng isang 21-anyos na binata na tubong Sibsib, Tulunan, Cotabato. Nagsusumikap at patuloy na kumakayod upang makaraos sa buhay kahit na siya ay may kapansanan.

Makikita sa larawan na walang siyang mga paa ngunit hindi man nakakalakad ay kinakaya pa din niyang maghanap-buhay. Siya ay kinilalang si Ryan Moralidad na sa kabila ng kanyang kapansanån ay nagagawa pa din niyang magsaka at mag-uling para lamang makatulong sa kanyang pamilya.

 

Marami naman sa mga netizens ang napabilib at talagang humanga kay Ryan. Naging isang inspirasyon siya para sa marami na kahit ano mang pagsubook ang dumating sa ating buhay ay huwag panghihinaan ng loob bagkus ay maging matatag at patuloy lamang sa pagkayod dahil sa bandang huli ay magbubunga din lahat ng ating pinaghirapan.
Para naman sa mga taong puro reklamo ang ginagawa at hindi na lang kumilos ay gawin sana niyong inspirasyon si Ryan na kahit na walang kakayanang makalakad at walang mga paa ay kayang-kaya naman niyang maghanap-buhay.

Panoorin | Isang Matandang Basurero, Dating Licensed Teacher Ngunit Hindi Pinalad na Matanggap sa Trabaho!

Marami ang namangha sa husay ng isang lolo sa pag-iingles ng malalalim at marami din siyang alam na scientific names. Ngunit arami din ang nagulat nang mapag-alaman na si Lolo pala ay dating isang lisensyadong guro at hindi pinalad na makapagtrabaho dahil wala umanong tumanggap sa kanya dahil sa kanyang nakaraan.

Ayon sa ulat, si Lolo ay kinilalang si Alfredo Manuel na nangangalakal ng basura sa Maynila. Mag-isa lamang na namumuhay si Lolo Alfredo.Sa kabila ng kanyang edad ay matalas pa din ang kanyang memorya sa Science at sa malalalim na salitang ingles. Pagjajanitor umano ang dating ikinabubuhay ni Lolo Alfredo at sinikap niyang makatapos ng kolehiyo at pagiging guro ang kanyang kinuhang kurso.
Matagumpay siyang nakatapos dahil sa sariling sikap ngunit sa kasamaang plaad ay hindi siya natatanggap sa kanyang mga inaapplyan dahil sa kanyang nakaraan. Diumano’y may naka-pending umano siyang kas0ng thëft sa paaralan na dati niyang pinapasukan noong siya ay janitor.Limang taon umano siyang naghanap ng mapapasukan ngunit lahat ng kanyang inapplyan ay tinatanggihan siya kaya naman kinalaunan ay sumuko na din siya.
Si Lolo Alfredo ay naipasa ang Civil Service Exam at Licensure Exam For Teachers o LET noong 1992. Laking tuwa naman ni Lolo Alfredo ng makatanggap siya ng libro na may mga scientific names. Matagal na umano gustong magkaroon ng ganitong libro si Lolo Alfredo ngunit wala siyang pera pangbili.Marami sa mga netizens ang lubos na naawå kay Lolo Alfredo dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapabunga ang kanyang mga natutunan sa pag-aaral.

The post Isang bata, naglalakad gamit ang mga kamay appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments