Kamakailan lamang ay inamin ng comedianne-actress na si AiAi delas Alas na siya ay naging isang kabit sa kaniyang naging karelasyon noon na pitong taon din nagtagal.
Ang pahayag naman na ito ay kinumpira ng Kapuso Comedy Queen sa isang video clip na in-upload ni Ricky Lo, na nagtatrabaho sa Philippine Star, sa kaniyang IG account.
Sa kaniya namang naging panayam sa mga entertainment reporters, sinabi niya na kahit kailan ay hindi magiging tama at sobrang bigat sa pakiramdam ang pagiging isang kabit.
Aniya, “Parang ang bigat-bigat ng buhay mo tapos parati kang malungkot.”
Inamin din ng 54-year-old comedian na siya ay nagkaroon ng dalawang anak sa naturang lalaki.
Nang siya naman ay tinanong kung ano ang kaniyang mga natutunan sa pagiging kabit, sinagot niya ito sobrang mali na maging isang kabit at ito ay ang isang bagay na hindi dapat gawin dahil madami ang masasaktan at maapektuhan.
“Na masama maging Kabite City.”
Aniya na wag na nilang subukan maging isang kabit at kung maaari nilang maiwasan ay iwasan nila ito dahil para sa kaniya lahat ng mga sakit at hinanakit na hatid nito sa legal na asawa ay ganun din karami ang pagbabayaran mo.
Dagdag niya, “Try niyo na lang na wag. Kung hangga’t maari kung pwedeng iwasan, iwasan na lang. Kasi sabi nga nila bawat pagpatak ng luha nung legal na asawa, ‘yon ‘yong pagbabayaran mo. So ako tingin ko marami akong pinagbayaran.”
Noong December 2017, si AiAi ay nagpakasal sa kaniyang asawa na si Gerald Sibayan.
Sa kaniyang naging panayam noong nagdaang buwan ng Abril, kinumpirma niya na susubukan niya at ni Gerald na magkaroon ng anak sa tanong 2020.
Mga Artistαng Nαsira Ang Pαgkakaibigan Dahil Sa Iba’t Ibang Isyus Na Kinasangkutan
Talagang isang napakasikip ang mundo ng showbiz industry. Kung ikaw ay isang aktor, aktres, host o anu pa man basta ikaw ay isang artista na nagtatrabaho sa showbiz ay kailangan na ikaw ay mas maging mapagmatyag dahil sa bawat kilos at salita na binibitawan mo ay kailangan mong maging maingat dahil isa kang kilalang personalidad at kailangan mong alagaan ang iyong career at pangalan.
Ngunit, bukod din pala sa pag aalaga ng iyong sariling pangalan sa showbiz ay may mga friendship o ugnayan na nasisira dahil sa mga ilang issues nila. Narito ang ilan sa kanila:
1. KRIS AQUINO AT AIAI DELAS ALAS
Isa ding naging trending sa media ang awayan ng dalawa matapos magsambulat ng kanilang mga hinaing sa media kaya naman agad agad itong kumalat sa social media. Hanggang sa ngayon ay limitado pa din ang kanilang pagkikita at pag-uusap.
2. MAJA SALVADOR AT KIM CHIU
Matalik dn silang magkaibigan ngunit nagkaroon din ng lamat ang kanilang friendship matapos ang love life jssues ng dahil sa pakikipag relasyon kay Gerald Anderson.
3. BEA ALONZO AT SHAINA MAGDAYAO
Sila ay pawang na mga sikat na artista sa kasalukuyan at sa katunayan ay iisa ang kanilang handler. Siyam na taon silang magkaibigan hanggang sa noong taong 2010 nang maka tandem ni Bea si John Lloyd Cruz na siyang ex naman ni Shaina. In denial ang dalawa na maayos sila at huling nakita ang dalawang aktres na magkasama sa isang pelikula na “Four Sisters in a Wedding”.
4. KATHRYN BERNARDO AT MILES OCAMPO
Sa murang edad ay nagsimula ang friendship ng dalawa dahil magkasama sila sa comedy show na Going Bulilit. Subalit nagkaroon din maliit na isyu ang dalawa kaya naman nagkaroon na din ng lamat ang pagsasamahan ng dalawa kaya naman malimit na din silang nagkikitang dalawa na magkasama.
5. JULIA BARRETTO AT JANELLA SALVADOR
Sila naman ay isa sa mga makabagong henerasyon ng mga magagaling na aktres sa industriya ng showbiz. Matalik silang magkaibigan ngunit nagkaroon ng lamat ang kanilang ugnayan at iyon ay dahil sa hiwalayang naganap sa dating magkasintahan na sina Julia at Joshua Garcia. Nagsimula lang ang lamat nang mag unfollow ang tatlo sa kanilang IG. Base naman sa interview kay Janella ay masaya sya dahil sa mainit na pagtanggap ng kanilang love team ni Joshua.
6. JOHN PRATS AT MELAI CANTIVEROS
Isang malaking isyu ang nangyari sa dalawang ito at talaga namang naging big usapin ito sa media. Ito ay matapos na sugurin ni Jason Francisco na asawa ni Melai si John Prats habang nagsshooting ng Banana Split. Dahil na din sa mga nangyari ay nagawa pa ding ayusin ng dalawa ang kanilang pagkakaibigan.
7. VICE GANDA AT ATE GAY
Parehas silang magagaling na komedyante at nagkaroon ng lamat ang kanilang pagkakaibigan matapos hindi payagan ni Vice na maging hukom si Ate Gay sa segment ng Its Showtime. Hanggang ngayon ay hindi pa din sila nagkakaayos at nagkakasama.
8. CHIENNA FILOMENA AT DAWN CHANG
Parehas silang miyembro ng GirlTrends sa showtime at nagsimula ang lamat ng kanilang friendship dahil na din sa isyu ng kanilang grupo sa simpleng samaan ng loob. Dineny naman ni Dawn ang isyu kaya naman isa din sa dahilan ng kanyang pagquit sa grupo dahil mayroon talagang ilang problema na namamagitan sa kanila sa loob ng grupo.
9. JULIA BARRETTO AT ERICH GONZALES
Travel buddies ang dalawang ito ngunit dahil sa issues na kaya daw nagkaroon ng koneksyon si Julia kay Gerald Anderson ay dahil daw kay Erich. Kaya naman madami ang nakapansin na di na masyadong nakikitang magkasama ang dalawa.
10. BIANCA UMALI AT KYLINE ALCANTARA
Silang dalawa ay nagkasama sa isang teleserye sa GMA7 na Kambal Karibal ngunit alam niyo ba na nagkaroon pala sila ng hindi pagkakaunawaan? Ang dahilan daw ay dahil sa mga fans issues.
The post AiAi Delas Alas, Emosyonal Na Inamin Na Minsan Sya Naging Kabit Ng Pitong Taon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments