Sa murang edad, tigapagmana na pala ng maraming ari-arian si Xia Vigor.
Si Xia Vigor ay isa sa mga kilala at hinahangaan na child star sa Philippine showbiz industry.
Sa loob ng limang taon sa showbiz limelight, talaga nga namang pinabilib niya ang publiko sa kaniyang mga talento.
Ang British-Filipino child actress ay unang nakilala noong siya ay tanghalin bilang Grand winner ng segment na ‘Mini-Me 2’ sa ‘It’s Showtime’.
Si Xia ay opisyal ng miyembro ng Viva Entertainment family.
Matapos niyang pumirma ng kontrata sa nasabing kumpanya noong nakaraang taon.
Nagkaroon naman ng panayam kay Xia sa kanyang contract signing.
Kasama niya noon ang kaniyang ina at ang nakakatandang kapatid na lalaki.
Dito ay naibahagi niya na noong una ang pangarap niya na maging isang weightlifter, hanggang sa naging salon girl ngunit ngayon ay tila mas gusto na niyang maging isang artista.
Sa mga sagot ni Xia ay makikita ang pagiging mabait na bata nito.
Kahit na isa siya sa pinaka sikat na child star ngayon ay may po at opo ang kanyang mga sagot.
Ibinahagi din niya na wala umanong nagbago sa kaniyang pamumuhay kahit pa man ngayon na marami na ang nakakakilala sa kaniya.
Kahit pa man siya ay nasa eskwelahan, sinabi niya na hindi siya tinatrato ng kaniyang mga kaklase bilang espesyal.
Sa nasabing interview, ay ibinahagi ng kanyang ina ang tungkol sa mamanahin ni Xia.
Mayroon daw pagma-may aring labing apat na bahay sa England ang ama nito.
At lahat daw ng iyo ay si Xia ang magmamana.
Hindi lubos akalain na sa murang edad ni Xia ay isa na pala siyang heredera.
Mayroon din silang salon sa England na isa sa kanilang source of income.
Panoorin dito ang video ng kanyang interview:
Lyca Gairanod, masayang ibinahagi ang naipundar na bagong sasakyan dahil sa pagba-Vlog sa edad na 16
Ipinasilip ni Lyca Gairanod ang naipundar niyang sasakyan para sa kanyang sarili sa kanyang pinakabagong vlog.
Marami ang natutuwa sa naging matagumpay na career ng The Voice Kids Season One grand champion na si Lyca Gairanod.
Hindi kaila sa marami ang nagbago sa dating bu’hay ni Lyca bago ito sumali at nanalo sa The Voice Kids noong 2014.
Mangingisda ang ama ni Lyca at nangongolekta sila ng kanyang ina ng mga plastic na bote at mga lumang diyaryo.
Para lang makadagdag ito sa pambili nila ng pagkain araw-araw.
Nagawa pang kumanta ni Lyca sa mga kapitbahay nila para lang malimusan siya ng pera para sa bibilhin nilang pagkain.
Ngayon ay tila malayo na ang mahirap na bu’hay na iyon ni Lyca sa bu’hay niya ngayon.
Nilinaw naman niyang hindi siya pinipilit ng kaniyang mga magulang na magbanat ng buto sa murang edad.
Dahil sa gusto na niya talagang tulungan ang kaniyang mga magulang noon pa man. Buti na lamang at nabigyan siya ng pagkakataon upang maipamalas ang kaniyang pambihirang talento sa publiko kung saan ito rin ang naging pinto upang makilala siya ng husto.
Sa kanyang pinakabagong post, ibinahagi ng dating The Voice Kids champion na nakabili na siya ng bagong sasaskyan sa edad na 16.
Ani Lyca, matagal na niyang pangarap na magkaroon ng sarili niyang sasakyan.
Nagbigay nga si Lyca ng “Car Tour” sa kanyang latest video.
Saad pa ni Lyca na ang kanyang bagong kotse ang tinuturing niyang pangalawang tahanan.
Pinakita din ni Lyca kung paano siya nagpapahing sa loob ng kanyang sasakyan.
May ilang damit at mga sapatos din siyang nakalagay sa loob nito.
Para daw lagi siyang handa pag may lakad siya o may pupuntahang proyekto.
Marami naman ang natuwa sa tagumpay na tinatamasa ngayon ni Lyca.
The post Xia Vigor, tagapagmana ng 14 na bahay ng kanyang ama sa England at ilang properties sa Pilipinas appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments