Looking For Anything Specific?

Alex Gonzaga, naranasan kung gaano kahirap ang ginagawang pag-aalaga nina Coleen at Billy kay baby Amari matapos maging ‘Yaya for a Day’

Tila nagpa-practice na si Alex Gonzaga kung paano mag-alaga ng baby.

Isa si Alex Gonzaga sa mga ikinasal noong nakaraang taon, sa gitna ng pandemya.

Nobyembre 2020 ng idaos ang private wedding ceremony nila ng asawang si Mikee Morada.

Ngunit ilang buwan na ang nakakalipas ay tila wala pa sa plano ng dalawa ang magka-baby.

Sa ngayon ay abala si Mikee bilang councilor sa kanyang bayan.

Samantalang si Alex naman ay patuloy na nagbibigay saya sa kanyang mga fans sa pamamagitan ng kanyang vlog sa YouTube.

Kamakailan nga lang ay muling kinaaliwan ng mga netizens ang kanyang latest vlog.

Kung saan naging Yaya siya ng anak ng celebrity couple na sina Coleen Garcia at Billy Crawford.

Sa kanyang video ay nagpunta si Alex sa bahay ng mga Crawfords, Yaya for a day ang peg ng actress vlogger.

Ang kanyang gagawin ay aalagaan niya ang napaka cute na si Baby Amari.

Ang unang itinuro ng mag-asawang Coleen at Billy kay Alex ay kung paano patigilin si Amari pag umiiyak ito.

Gamit ang isang upuan na may gulong ay iuugoy ugoy dito si Baby Amari at dinemonstrate ito ni Coleen kung paano.

Kasunod naman ay ipinakita ang nakakatuwang pag-akyat ni Amari sa hagdanan.

Nang si Alex na ang sumama kay Amari sa pag-akyat ay tila hirap na hirap ang aktres at madaling napagod.

Sa pagpapatuloy ng vlog ay tinuro din ni Coleen ang iba’t-ibang paraan ng everyday routine nila ni Baby Amari.

Tinuro din niya kay Alex ang tamang pag-aalaga sa kanilang baby sa bawat kilos nito.

Ngunit tila hindi na kinaya ni Alex at sinabi nitong maglalaba na lang siya kesa mag-alaga ng bata.

Mukhang hindi pa nga handa maging mommy itong si Alex.

Narito ang nakakatuwa nilang video:

Mariel Rodriguez, Ramdam ang Hirap ng Pagiging Ina Matapos Umalis ang Kanyang mga Kasambahay

Hindi madali ang buhay ng isang ina. Bukod sa pag-aalaga ng iyong mga anak, kailangan mo ring mag-asikaso ng mga gawaing-bahay. Mas lalo itong mahirap para sa mga working moms, na pinagsasabay ang kanilang trabaho at pagiging housewife. Kaya naman karamihan sa mga celebrity moms ay kumukuha ng kasambahay para maibsan ang kanilang mga gawain.

Isa na sa kanila ay ang asawa ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez. Bilang artista, hindi lingid sa kaalaman ng publiko na talagang busy ang schedule ni Mariel. Kaya naman malaki ang pasasalamat nito sa kanilang mga trusted yaya na siyang nag-aalaga sa kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriella.

Kamakailan lang, ipinakita ni Mariel ang kanyang appreciation sa kanilang mga kasambahay. Sa kanyang latest vlog, ipinahayag ng “It’s Showtime” host na pansamantalang umalis ng bahay ang kanilang mga kasambahay dahil sa swab test, kaya naman siya lang mag-isa ang naiwang mag-alaga sa kanyang mga anak.

Si Robin naman ay nasa kabilang bahay nila, kung kaya’t hindi siya nito matulungan sa pagbabantay. Dahil dito, walang ibang choice si Mariel kundi tapusin ang lahat ng mga gawaing bahay nang mag isa lang siya. Kasama na dito ang pagbabantay kay Isabella at Gabriella.

Unang inasikaso ni Mariel ang kanyang mga anak. Ginising niya ang mga ito at pinakain niya. Matapos iyon ay naglinis naman si Mariel sa kanilang bahay at naghugas na rin siya ng pinggan. Talagang ramdam ni Mariel ang hirap nang walang katuwang sa bahay.

Kaya naman nang makabalik na ang kanyang mga kasambahay ay labis ang tuwa ni Mariel! Aniya, hindi talaga biro ang pagiging full time mom, kaya naman saludo rin siya sa lahat ng mga nanay na nagagawang pagsabayin ang kanilang trabaho at responsibilidad.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Alex Gonzaga, naranasan kung gaano kahirap ang ginagawang pag-aalaga nina Coleen at Billy kay baby Amari matapos maging ‘Yaya for a Day’ appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments