Isa sa mga sikat na Youtube vlogger ngayon si Zeinab Harake. Isa rin siya sa maituturing na may million subcribers sa Youtube na umaabot na sa 10 million. Sa kaniyang mga vlog, unti-unti nating nakilala si Zeinab at nagustuhan siya ng maraming manonood dahil sa kaniyang pagiging totoong tao. Kahit ang kaniyang buhay pag-ibig ay nasubaybayan rin ng kaniyang mga tagahanga.
Nakaraan taon lamang nang ibinahagi ni Zeinab ang kaniyang pagdadalangtao at pagbabalikan nila ng kaniyang boyfriend na si Daryl Ruiz o mas kilala sa tawag na Skusta Clee na isang sikat na rapper, composer at isa ring vlogger. Kaya naman ngayon lamang na nakalipas ng mga buwan, ay ipinanganak na ng first time mom na si Zeinab ang kanilang anak na babae ni Skusta Clee na kanilang pinangalanan na si Baby Bia. Sa kaniyang naging post sa Instagram, excited na ipinakita ni Zeinab sa kauna-unahang pagkakataon ang mukha ng kaniyang super cute na baby girl.
At ito nga’y matapos niyang i-reveal sa kaniyang naging latest vlog ang totoong buong pangalan ni Baby Bia. Ayon kay Zeinab sa kaniyang latest vlog, “Ang real name ni Bia is…siya ang totoong Zebbiana. Yehey! Opo, totoo po. Zebbiana po ang pangalan niya. So, ang full name niya is Zebbiana H. Ruiz.” Dito ipinaliwanag niya sa kaniyang mga subscribers kung bakit iyon ang napili niyang pangalan para sa una nilang anak ni Skusta Clee. Ito ang pagpapaliwanag ni Zeinab, “Zebbiana kasi is kanta ng daddy niya sa akin noong 2019. So, naisip ko sobrang historical nu’ng kantang ‘yun para sa aming dalawa.” “So, naisip ko ibigay sa pangalan ng anak namin,” dagdag pa niya.
Sa naging pagtatapos ng kaniyang nasabing vlog tungkol sa totoong pangalan ng kaniyang anak, sunod naman niyang sinabi na surprise niya lang na ipapakita ang mukha ni Baby Bia.Kaya naman kamakailan lamang sa kaniyang Instagram post, ay ipinost na ni Zeinab ang isang boomerang image nila ng kaniyang anak kung saan ipinakita na niya ang napaka-cute na mukha ni Baby Bia. Ang post na ito ay may caption na, “Follow Bia on her instagram account @zebbiana_.”Kung saan may sarili nang official Instagram ang kanilang anak at may larawan pa itong close-up photo na nakakagigil sa kaniyang kacutetan.
Makikita sa larawan na tila kamukha ni Zeinab si Baby Bia at talaga nga namang napakagandang niyang bata. Ibinahagi naman ni Zeinab kung gaano ka-challenging at kasaya ang maging isang mommy. Kaya ini-enjoy ni Zeinab ang pagiging isang mommy kahit na siya busy sa kaniyang pagvo-vlog. Samantala, sa bagong kanta naman na inilabas ni Skusta Clee noon lamang “Father’s Day”, proud niyang ipinakita kung paano siya nagiging responsableng ama sa kaniyang pinakamamahal na anak. Ang kantang ito ay iniaalay ni Skusta Clee sa kaniyang anak at umabot na sa 5 million viewers ang nakapanood nito.
Zeinab Harake, emosyonal na ibinahagi ang naging pregnancy journey at successful na paglabas ni Baby Bia.
Nanganak na ang vlogger na si Zeinab Harake sa baby girl nila ni Skusta Clee na pinangalanan nilang Baby Bia.
Isa sa mga first-time mommy ngayong 2021 ay ang social media influencer na si Zeinab Harake. Matapos ang mahabang paghihintay, sa wakas ay nasilayan na rin ni Zeinab ang kanyang baby! May 1 nang isilang ng Youtube vlogger ang kanyang first baby sa boyfriend na si Skusta Clee via cєѕαяєαn sє¢тισn.

Nauna na si Skusta na ibahagi sa kanyang vlog ang pinagdaanan nilang proseso bago nila salubungin ang kanilang Baby Bia.

Wala namang kσмρℓιкαѕуσn at ligtas na naideliver ni Zeinab ang kanyang baby.

Ayon kay Daryl, noon ay hindi man lang sumagi sa isip niya ang magkaroon ng sariling pamilya at todo-pasasalamat siya dahil hindi siya sinukuan ni Zeinab.

At sa kanya namang latest vlog, ibinahagi naman ni Zeinab ang kanyang pregnancy journey.
At pati na din ang panibagong buhay niya bilang first time mommy.

Sa kanyang video ay ibinahagi niya ang mga panahon nang unang buwan pa lamang ng kanyang pagbubuntis.

Kalakip din dito ang kanyang mga check-ups at ang mga paraan kung paano niya inalagaan si Baby Bia habang nasa sinapupunan pa lamang niya ito.

Kasama din dito ang video kung saan una nilang inamin sa publiko ang kanyang pagbubuntis.

Naging emosyonal dito si Zeinab dahil ito daw talaga ang kanyang pinapangarap.

Kasunod din nito ang napakasayang baby shower na ginanap sa isang beach kasama ang kanilang mga malalapit na kaibigan.

Binahagi din ni Zeinab na kaya naging C-section ang ρяσѕєѕσ ng kanyang panganganak ay dahil sa ibang кυмρℓιкαѕуσn.
Kinailangan pa diumanong maghanda ng dalawang bag ng dυg0 dahil mababa ang kanyang bℓσσd ρяєѕѕυяє.
Sa huli ay di mapigilan ni Zeinab ang maiyak dahil sa kasiyahan na dulot ng pagdating ni Baby Bia sa kanilang buhay.
The post Vloggers na sina Zeinab Harake at Skusta Clee, ipinakita na sa social media ang mukha ng kanilang anak na si Baby Zebbiana appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments