Hindi titigil si Alwyn Uytingco sa pagsuyo sa kanyang asawang si Jennica Garcia.
Usap-usapan pa din sa social media ang kontrobersyal na hiwalayan nina Alwyn Uytingco at Jennica Garcia.
Nag-ugat ang lahat ng ito ng naisin ni Jennica na magpalit ng apelyido sa kanyang mga social media accounts.
Noong una ay puro pahapyaw lang ang aktres tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Alwyn.
Ngunit kalaunan ay kinumpirma din nito na hiwalay na nga silang mag-asawa.
Ito’y sa pamamagitan ng isang panayam sa GMA news, pero wala naman siyang ibang detalye na ibinigay tungkol sa kanilang hiwalayan.
Makatapos nga ang kumpirmasyon ni Jennica ay sa kauna-unahang pagkakataon ay nagparamdam si Alwyn ukol dito.
Kamakailan nga ay nagpost si Alwyn ng litrato ni Jennica na may hawak na bulaklak sa kanyang Instagram account.
Dito ay ipinahiwatig niya kung gaano niya kamahal ang asawa at walang eksaktong salita para sabihin niya ito.
Pero makatapos ng post na ito ni Alwyn ay tila naging palaisipan naman ang post ng ina ni Jennica na si Jean Garcia.
Napansin ng ilan na tila sagot daw ito ng beteranang aktres para sa post ni Alwyn.
Ngunit hindi nabahala si Alwyn ukol dito, dahil sa kanyang panibagong IG post ay muli niyang ipinkita ang pagmamahal sa kanyang pamilya.
Sa Instagram post ng aktor nitong Miyerkules, ipinost ni Alwyn ang masayang larawan ng pamilya nila Jennica, kasama ang mga anak na sina Athena Mori at Alessi.
Dasal umano niya na sana ay muling mabuo ang kanilang pamilya.
Alwyn Uytingco, sumabog ang emosyon, matapos ang balitang hiwalayan nila ng asawang si Jennica Garcia
Ipinahayag ni Alwyn Uytingco ang pagmamahal niya sa asawang si Jennica Garcia.
Ito ay matapos kumpirmahin ng aktres ang kanilang hiwalayan kamakailan.
Sa kauna-unahang pagkakataon simula nang lumabas ang balita tungkol sa pinagdadaanang problema nilang mag-asawa.
Nag-post si Awyn Uytingco ng litrato ng kanyang misis na si Jennica Garcia.
Kalakip ng litrato ay ang caption ng aktor kung gaano niya kamahal ang asawa.
Aniya, marami siyang gustong sabihin ngunit hindi niya maipaliwanag sa mga simpleng salita lang.
Sinabi din niya na laging tandaan ni Jennica na kahit ano pa man ang mangyari ay mahal na mahal niya ito.
“Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco” saad ng aktor.
Agad namang pinusuan ng kanilang mga kaibigan sa indutriya ang post na ito ni Alwyn.
Kabilang na nga dito ay sina Hayden Kho, Jerald Napoles, Say Alonzo, Nikki Valdez, Empoy, at Jason Abalos.
Matatandaan na sa nakalipas na buwan ay naging maugong nga ang balitang hiwalay na sina Jennica at Alwyn.
Nag-ugat ito nang palitan ni Jennica ang kanyang apelyido sa kanyang mga social media accounts.
Kasunod naman ay ang panayam ng aktres kay Cristy Fermin kung saan kinamusta ng huli ang lagay ng mag-asawa.
Ngunit tumanggi si Jennica na sagutin ito at sinabing hindi pa siya handa.
Sa exclusive interview naman ni Jennica sa GMA nakaraang buwan ay kinumpirma na nga niya ang kanilang hiwalayan.
Ngunit hindi naman siya nagbigay ng iba pang detalye ukol dito.
The post Alwyn Uytingco, pinagdarasal na mabuo muli ang kanyang pamilya at mabalik ang dating pagsasama nila ng asawa na si Jennica Garcia appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments