Muli na namang pinag-usapan ang aktor na si Coco Martin dahil sa karakter niya bilang si Cardo Dalisay.
Halos anim na taon ng umeere ang teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Hindi natibag ng lockdown at ng pagsasara ng kanilang network ang tibay ni Cardo Dalisay.
Namamayagpag pa rin ito magpasa-hanggang ngayon at mainit pa ring pinag-uusapan ang bawat eksena.
Kamakailan nga lang isang eksena ni Cardo ang muli na namang nagviral sa social media.
Ito ay dahil sa hindi maintindihan na linyang binitawan ni Coco Martin.
Viral nga ngayon sa social media ang nasabing eksena, kung saan kausap ni Coco ang karakter ni Christian Vasquez.
Galit na galit kasi si Cardo habang nagsasalita, dalang dala sa eksena ang bidang si Coco kaya naman tila nabulol na daw ito.
“Yung galit na galit kana tas hindi na naiintindihan sinasabi mo,” caption ng ilang netizen sa nasabing eksena.
“akala namin mapag kakatiwalaan kayo, bat kayo nag sumbong sa pulis,” ito ang linyang binitawan ni Coco.
Ngunit ayon sa maraming netizens ay tila iba daw ang pagkakaintindi nila dito.
“Ano daw?” komento ng isang netizen.
May isa namang nagsabi na ilang beses na niyang ni-replay ang video, pero hindi pa rin niya ma-gets ang sinasabi nito.
Sa madaling sabi ay pinagkatuwaan na naman ng mga netizens ang eksenang ito ni Cardo Dalisay.
Hindi na sikreto na may slight lisp ang aktor na si Coco Martin, isang speech impairment na dahilan upang ma-mispronounce ang tunog kapag nagsasalita.
Samantala, hindi naman maitatanggi na marami na ring natulungan na artista ang “Ang Probinsyano”
Nabigyan nila ng pagkakataon ang mga dating artista na lumabas muli sa telebisyon at gayundin ang mga baguhang artista na nahasa na ang pag-arte dahil sa teleserye.
Narito ang video ng eksena ni Cardo:
Coco Martin sa pagtakbo sa susunod na eleksyon, ayon sa isang batikang showbiz insider
The post Coco Martin, trending na naman dahil sa hindi maintindihang linya nito sa Ang Probinsyano appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments