Looking For Anything Specific?

Ama Na Nagtatrabaho Bilang Isang Basurero, Napagtapos Ng Kolehiyo Ang Kaniyang Anak!

Raising children is not easy, but as a parent, we do everything we could and worked hard just to support the needs of our children. Just like the story of this father who worked as a garbage collector and able to make his child graduated from college.

This is the story of Mang Cristito Quimado who worked as a garbage collector for more than two decades now.

This is his only livelihood for his family. Even before the sun rises, Mang Cristito is already going out in their house to work because the garbage he collects is gold for his family.

 

For more than 20 years, he has been surrounded by garbage every day. But Mang Cristito endures the smell of garbage just to earn money and meet the needs of his 6 children.

According to Mang Cristito, giving education to his children is very important to him so he will do as much as he can to earn a living so that his children can finish their studies.

 

He said that he never neglected his children’s education because that was the only thing he could provide for them. That is why all of Mang Cristito’s sacrifices in his work have a successful result because he graduated from college with his daughter, Jenny Rose Quimado.

Although it is difficult for Mang Cristito to send his 6 children to school, he still pushed it even though sometimes they have nothing to eat. According to Jenny Rose, she is trying to finish school even though she once had the experience of borrowing money from her classmates. For Jenny Rose, her father’s work is a dignified job so she is very grateful for it because he has never been neglected them. She was not ashamed of her father’s job but she was so proud of him because, despite the hard work and difficulties, he still didn’t give up and continue working just to give their family’s needs.

Mang Cristito can be considered as a “Superdad” because he is determined to make his children finished their studies.

Tatay na Halos Magkandakuba sa Pagsasaka, Napagtapos ang Walong Professionals

Tatay na Halos Magkandakuba sa Pagsasaka, Napagtapos ang Walong Professionals

Wala na sigurong mas hihigit pa sa sakripisyo ng isang magulang para sa kanyang mga anak. Lahat ay kaya nilang gawin para lamang mabigyan ang kanilang pamilya ng magandang buhay at kinabukasan. Katulad na lamang ng tatay na ito, na halos magkandakuba na sa pagsasaka para lamang mairaos ang pamilya niya.

Sa kabila ng hirap ng pagsasaka, hindi tumigil ang butihing ama na ito para mairaos ang pamilya niya. At dahil sa pagsasaka, naigapang niya ang pag-aaral ng hindi lang isa, kundi walong mga anak niya! Kaya naman malaki ang pasasalamat sa kanyang ng kanyang mga anak.


Isa sa kanila ay si Jovy Cataraja-Albite, na isa sa mga anak na babae ni Tatay. Sa Facebook, ipinahayag ni Jovy ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanyang mga magulang. Ayon kay Jovy, kung hindi dahil sa pagsisikap ng kanilang mga magulang ay hindi nila makakamit ang tagumpay ng mga kapatid niya.

Si Jovy ang panganay sa walong magkakapatid. Hindi naging madali ang buhay nila dahil na rin sa kahirapan. Gayunpaman, tinuruan si Jovy ng kanyang nanay at tatay na magpursigi upang mabago ang kalagayan nila. Parehas na nagsasaka sa bukid ang mga magulang nila.

At dahil sa pagsasaka, unti-unting napagtapos nila Tatay ang kanilang mga anak. Kahit na magkandakuba siya sa kaka-trabaho, hindi niya ito iniinda dahil ang mahalaga ay ang kinabukasan ng pamilya niya. At sa huli ay nasuklian naman ang mga sakripisyo ni tatay!

Ngayon ay mayroon na siyang mga anak na nagtapos ng iba’t-ibang kurso. Mayroong nurse, pulis, architect, marine, accounting staff, civil engineer, teacher, at nautical! Talagang nakakamangha isipin kung paano nairaos ni Tatay na pagtapusin ng iba’t-ibang kurso ang mga anak niya.

Ngayong matanda na si tatay, sila naman ang tinutulungan ng mga anak nila. Panahon na rin ito para makapagpahinga sila at lasapin ang maginhawang buhay. Ayon kay Jovy, napakalaki ng utang na loob nila sa kanilang mga magulang, kaya naman laking pasasalamat nila sa mga ito.


Naantig rin ba kayo sa kwentong ito ng isang tatay na kumakayod para sa kanyang pamilya? I-share ang inyong opinyon sa comments section. Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

Nakakamanghang Nakapagtapos Ng Kolehiyo Ang Isang Street Sweeper, Sa Kabila Ng Kanyang Pagiging Isang Ina Sa 7 Niyang Mga Anak

Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap, hindi kailanman nagiging hadlang ang kahirapan lalo pa’t kung ang isang tao ay determinadong maabot ang kanyang mga mithiin sa buhay. Wala sa edad at estado sa buhay ang sukatan upang maging matagumpay ang isang tao sa hinaharap. Ito ay kagaya na lamang ng kwento ng isang street sweeper na nag-viral dahil sa nakamit niyang tagumpay sa buhay.

Source: Facebook

Tunghayan natin kung paano pinatunayan ni Ofelia Mondaya ang kanyang nakamit na tagumpay. Si Ofelia ay nagtatrabaho bilang isang street sweeper sa edad na 55 taong gulang. Siya ay naglilinis ng kalsada sa Barangay Poblacion sa Batangas City. Maituturing na isang masipag na manggagawang Pilipino si Ofelia dahil patuloy ang kanyang pagtatrabaho sa gitna ng pandemiya. Marami ang humanga sa kanya dahil hindi kailanman tumigil ang kanyang pangarap na magkaroon ng diplomang maipapagmalaki niya.

Dahil bukod sa pagiging isang street sweeper naipagsasabay ni Ofelia ang kanyang trabaho at ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa loob ng apat na taon. Kumuha siya ng kursong Business Administration at isa siyang scholar ng Colegio ng Lungsod ng Batangas, ipinakita ni Ofelia ang kanyang determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral, kahit na mayroon na siyang 7 mga anak.

Source: Facebook

Bago niya napagtagumpayan ang kolehiyo, sinikap ni Ofelia na makapagtapos ng Alternative Learning System (ALS) na programa ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa pag-abot ni Ofelia sa kanyang mga pangarap, may mga tao ring labis na sumuporta sa kanyang pag-aaral kagaya na lamang ng kanyang supervisor. Tinulungan siya ng kanyang supervisor na magkaroon ng flexible working schedule upang hindi maapektuhan ang kanyang pag-aaral.

Kaya naman ang kanyang pamilya ay sobrang proud kay Ofelia lalo na ang kanyang mga anak. Dahil ayon sa isang anak nito, na ang kanilang ina ang tumupad sa kanilang pangarap na hindi nila nakamit at iyon nga ang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang kahirapan. Kwento pa ng ina ni Ofelia, hindi na dapat daw hintayin pang tumanda upang maisip ang tunay na kahalagahan ng edukasyon. Ayon naman kay Ofelia, ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang pangarap sa buhay upang sila ay makaahon sa kanilang kahirapan.

Source: Facebook

Ang anak ni Ofelia na si Crizel ay naging inspirasyon siya nito upang maging matiyaga at maging determinado ring maabot ang kanyang mga pangarap. Bilib daw siya sa kanyang ina, dahil kahit busy sa pag-aalaga sa kanila pati na rin sa kanyang trabaho hindi ito napapagod na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Kaya naman idolo niya ang kanyang ina.

“Sobrang pinagtiyagaan niya talaga. Halos sa madaling araw umaalis siya, magtatrabaho, magwawalis tapos uuwi siya ng u maga na, maliwanag na. Tapos mag-aaral siya kasi marami siyang assignment,” aniya.

“Proud na proud kami sa kaniya. Hindi man kami nakapagtapos, katulad ng kanyang pinapangarap sa amin, masaya kami kasi siya ‘yung halos tumupad na rin ng pangarap namin,” sabi pa ni Crizel. Kahit na walang naganap na face to face na graduation ceremony, labis naman ang naging kagalakan ng mga anak ni Ofelia dahil siya ay nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo at isa nang ganap na degree holder. Wika pa ni Ofelia sa mga kapwa niya nangangarap din na huwag silang sumuko at laging maging positibo sa buhay.

“Huwag na po nating hintayin na tayo ay magkaedad pa o maging matanda bago mag-aral… Kailangan po talaga maging positibo tayo sa buhay at gawin po natin ‘yung tama at alam natin na makakatulong sa atin. Ganoon din po sa ating kapwa.”

Source: Facebook

Sa ngayon isa ng job order employee sa city hall ng Batangas City si Ofelia, aniya pa gagamitin niya ang kanyang diploma upang makapag-apply siya bilang isang regular na empleyado. Nais pa ring maipagpatuloy ang kanyang pagiging isang lingkod-bayan.

The post Ama Na Nagtatrabaho Bilang Isang Basurero, Napagtapos Ng Kolehiyo Ang Kaniyang Anak! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments