Nagbabala ang isang netizen sa mga taong naninigarilyo na tigilan na ito habang hindi pa huli ang lahat.
Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ng netizen na si Sah Zamora ang ριnagdaanang hirap ng kanyang кαραtid na may stαgє 4 ℓυng cαncєr bago ito ρυмαnαω.
Ayon kay Sah, kung ikaw ay may stage 4 lung cαncєr, anumang oras sa loob ng 6 months ay pwede ka ng mawala.
Sa loob ng anim na buwan ay sinamahan ni Sah ang kanyang kapatid na lumaban.
Dagdag pa ni Sah, ibinabahagi niya ang kanyang kwento dahil alam niyang masakit ang mawalan ng kapamilya.

Sah Zamora / Image mula sa kanyang Facebook account
Pinaalalahanan niya ang mga naninigarilyo na pahalagahan ang kanilang mga katawan katulad ng pagpapahalaga ng mga taong nagmamahal sa kanila.
Sa ngayon ay umabot na sa 9.2k reactions at 17k shares ang post ni Sah.
Narito ang kanyang buong post:
“Sigarilyo? = 6 months”
Anytime sa loob ng 6 na buwan pwede ka nang kunin ni Lord kapag may Stage 4 Lung Cancer ka. Sa loob ng 6 buwan unti-unting kinakain ng cαncєr cells buong katawan mo. Pero pinakita mo ate ang tapang mo. Sa loob ng 6 na buwan , araw at gabi lumaban tayo. Dumating sa point na hindi mo na kilala mga tao sa paligid mo , pero ako? Si “bunso” never mo akong nalimutan. Ikaw at ako magkasama hanggang sa huling hininga mo..
So what if hindi ka NANIGARILYO at nag vape?
Siguro ini-enjoy mo tong dream house mo.
Siguro nagcecelebrate tayo ng birthday mo ngayon. Nagbabake at nagluluto sa magarang kitchen mo.
Siguro nasa orphanage tayo ngayon nagsheshare ng blessings mo.
Siguro palagi mong tinatakas si Reema.
Siguro nag-eenjoy kapa sa buhay kasama kaming pamilya mo.
Siguro walang 6 months.
Pero nangyari na… Bago ka lumisan sa mundo galit kana sa naninigarilyo. Ayaw mo nang may nakikitang naninigarilyo dahil ayaw mong maranasan nila yung epekto at sakit na maaring maidulot ng sigarilyo sa katawan.
Imahe mula sa Facebook account ni Sah
Ika mo nga”NASA HULI ANG PAG-SISISI”.
Sineshare ko to dahil masakit mawalan ng kapamilya. Na hindi ko pa rin matanggap pagkawala ng sister ko… Oo , Lahat naman tayo doon papunta. Ika nga “una una lang” sabi ng mga smokers. Pero sana ikaw na smoker pahalagahan mo din yung katawan na pinahiram sayo, tulad ng pagpapahalaga ng mga taong nagmamahal sayo. Sana iwasan nyo na manigarilyo. May oras kapa…
P.S. Happy birthday in heaven ate. Tuwing birthday mo gusto mong may natutulungan ka hindi ba? Sana makatulong tong story natin.
Babaeng Ginagamit Ang Cellphone Tuwing Gabi Na Nakapatay Ang Ilaw, Nagkaroon Ng 500 Butas Sa Kanyang Cornea
Ngunit, mayroon pa ding pagkakataon na ang kakayahan nito ay napagsasamantalahan natin.
Sa mga teknolohiyang nauuso at nagagawa sa panahon ngayon, hindi natin naiiwasan ang madalas na pagtingin sa ating mga gadgets na halos buong araw natin ay naka-pokus na lamang dito, dahilan para hindi natin mapahinga ang ating mga mata.
Kaya naman isa din ito sa mga nagiging sanhi kung bakit nagkakaroon ng diperensa ang ating mga mata.
Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat ang epekto sa atin, hindi lamang sa ating mga mata kung hindi maging sa ating mga kalusugan, ng sobrang paggamit ng ating mga gadgets. Ngunit, hindi alam ng karamihan sa atin na ang sobrang liwanag na hatid ng ating cellphone ay maaaring makasira sa ating mga mata.
Katulad na lamang ng nangyari sa isang babaeng taiwanese kung saan muntik na itong mawalan ng paningin dahil sa sobrang paggamit ng cellphone.
Madalas gamitin ni Chen ang kaniyang cellphone habang nakapatay ang ilaw sa loob ng kaniyang kuwarto kaya naman hindi din niya maiwasan na gamitin ito ng nakatodo ang liwanag.
Kahit pa man bago matulog o magpahinga si Chen galing sa trabaho bilang isang secretary, ginagamit muna niya ang kaniyang cellphone pampalipas ng oras hanggang sa dalawin na siya ng antok, ngunit, palagian pa ring nakatodo ang screen brightness nito.
Ang kaugalian nito ni Chen ay tumagal ng dalawang taon. Ngunit, taong 2018, nagsimula nang makaramdam si Chen ng pagkairita sa kaniyang mga mata.
Noong una ay hindi ito pinansin ni Chen at nilagyan lamang niya ito ng eyedrop upang mawala ang pagkairita sa kaniyang mga mata. Paglipas ng ilang araw, doon na niya napansin na nagsisimula na ring maging mapula ang kaniyang mga mata kahit pa man sinusubukan niya itong lagyan ng eyedrop.
Maliban pa diyan, nagsimula na din siyang makaramdam ng sakit at kirot mula sa kaniyang mga mata kaya naman mabilis siyang pumunta sa doctor upang ipatingin ang kaniyang mga mata.
Ayon sa kaniyang doctor, ang blood vesssel sa kaliwa ng kaniyang kornea ay halos mapuno na ng dugo na naging sanhi din kung bakit humina ang kaniyang paningin ng nasa 0.6. Samantala, sa kanan naman ng kaniyang kornea ay mayroon ng maliliit na butas na nasa 500 na at isa din sa naging sanhi ng pagkababa ng kaniyang paningin na umabot na sa 0.3.
Dahil sa pangyayaring ito kay Chen, nagbigay naman siya ng babala para sa lahat na huwag ng gumamit ng cellphone at ito ay nakatodo pa ang brightness habang ang ilaw naman ay nakapatay.
Sinabi din ng mga doctor na iwasang gumamit ng cellphone na mahigit sa dalawang oras habang ang screen brightness ay nakatodo dahil ito ay magiging sanhi ng pagkakaroon ng diperensa sa mata o ang mas malala ay pagkabulag.
Ugaliin din na hinaan ang screen brightness ng inyong mga cellphone upang hindi ito maging sanhi ng pagkairita ng inyong mga mata.
Dr. Willie Ong, Nagbabala sa Pag-Inom ng Bottled Water Dahil sa Masamang Epekto Nito sa Ating Kalusugan
Talagang convenient ang paggamit ng bottled water. Kahit saan ay maari mo itong madala, at mura pa ito. Dahil dito, talagang nakakapanghinayang na basta basta na lang itapon ang plastic bottle. Kaya naman maraming tao ang hinuhugasan lamang at ginagamit pa ito ulit. Ngunit alam niyo ba na may epekto pala ito sa ating katawan?
Nagbahagi ng kaalaman si Dr. Willie Ong tungkol sa epekto kapag ginagamit ulit ang plastic bottle. Ayon kay Dr. Ong, maaaring magkaroon ng di-magandang epekto sa katawan ang pag-inom ng tubig mula sa lumang bottled water. Ipinaliwanag niya rin kung paano ito nangyayari.

Malinis naman daw ang tubig sa bottled water, ngunit nagsisimula ang problema kapag paulit-ulit na itong ginagamit. Ayon kay Dr. Ong, kapag paulit-ulit itong ginagamit ay maaaring magkaroon ng yupi ang bote.
Dahil dito, maaaring mahaluan ng chemical mula sa plastic ang tubig na iniinom mo.
“Ang problema, pag inulit-ulit mo yung bottled water magkakayupi-yupi na siya, dahil dito yung plastic nito pwedeng pumunta sa tubig. Yung masamang chemical ng plastic pwedeng pumunta sa tubig at pag nainom natin yung bottled water, may masamang epekto sa endocrine system natin ito.”


Dagdag pa niya, kapag naapektuhan ang iyong endocrine system ay maaari itong makapagdulot ng masamang epekto sa iyong kalusugan.
Sa mga kababaihan, maaari silang makaranas ng maagang buwanang dalaw. Samantalang ang mga kalalakihan ay maaaring magulo ang hormones.
Bukod pa dito, wag rin daw hahayaang mainitan ng araw ang plastic bottle, dahil maaaring matunaw ang chemicals sa plastic. Kaya naman ang payo ni Dr. Ong ay wag paulit-ulit na gamitin ang bottled water, at kung may pera ay mas magandang gumamit ng tumbler na matigas ang plastic.

The post nagbigay ng babala sa mga naninigarilyo matapos bαωιαn ng buhay ang kanyang кαραtid appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed







0 Comments