Nitong January 30, ipinagdiwang nina Pauleen at Bossing Vic ang kanilang ika-5 taong wedding anniversary. 
Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Sa loob naman ng kanilang limang taong pagsasama bilang mag-asawa, pinatunayan nina Pauleen at Bossing Vic na kahit maraming taon ang lumipas ay hindi mababawasan ang pagmamahal nila para sa isa’t isa. Bagkus, mas lalo pang tumitibay ang kanilang pagsasama at lumalalim ang kanilang pagmamahal para sa isa’t isa.
Samantala, isa naman sa mga dahilan kaya masaya at matibay ang relasyon nina Bossing Vic at Pauleen ay ang kanilang napaka-cute at masayahing anak na si Tali.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Kamakailan lamang din ay umusbong ang mga espekulasyon na magkakaroon na ng kapatid si Tali na itinanggi naman ni Pauleen.
Isang simpleng “no” nga ang naging sagot ni Pauleen nang tanungin siya ng isang netizen kung siya ay buntis na ba sa ikalawang anak nila ni Bossing Vic.
Marami ang nagsasabi na pwede na ngang sundan nina Pauleen at Bossing Vic si Tali.
Mukha namang noong 2018 pa handa si Bossing Vic na sundan si Tali base na rin sa isang interview na ginawa nila para sa 24 Oras.

Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Pahayag ni Vic sa nasabing interview, “Ako okay lang [na sundan si Baby Tali]”
Ayon naman kay Pauleen, kung bibiyayaan muli sila ng Diyos ng isang supling ay tiyak malaking blessing ito para sa kanilang mag-asawa.
Ani Pauleen, “Kung ibibigay, of course, it will be a very big blessing.”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Noon lamang November 6, 2020 ay masayang nagdiwang si Tali ng kanyang ika-3 taong kaarawan.
Sa isinulat namang birthday message ni Pauleen para sa kanyang unang anak sinabi niya na ito umano ang nagbigay ng “meaning” at “purpose” sa kanyang buhay.
Mensahe ni Pauleen sa anak, “Happy birthday to this ball of sunshine! Thank you for bringing great joy to our lives anak! You are a blessing to us and to a lot of people. I pray that you’ll grow up to be a kind and giving person. We are grateful for your love anak! Thank you for giving meaning and purpose to my life. Happy 3rd birthday!”

Credit: @pauleenlunasotto Instagram
Si Tali o Talitha Maria Luna-Sotto ay bunso sa limang anak ni Vic. Mga nakakatandang kapatid ni Tali sa kanyang ama sina Oyo Boy Sotto, Danica Sotto, Vico Sotto, at Paulina.
Ganito pala magregalo si Vic Sotto sa anak na si Paulina.
Talaga naman worth it lahat ng pagiging masipag ni Bossing Vic Sotto sa kanyang trabaho at pagpapalaki sa mga anak dahil lahat sila ay lumaking matatalino at mababait kagaya naman ng kanyang anak na si Paulina Sotto.
Siya ay anak nila ng dating actress at model na si Angela Luz. Hindi niya sinundan ang yapak ng kanyang mga magulang na mag-artista at mas pinili niya ang tahimik na buhay kasama ang kanyang asawa na si Jed Llanes.
Isinilang ang kanilang anak na si Sachi noong September 2020 na sobrang cute. Nakapagtapos siya sa Ateneo De Manila University sa kursong Bachelor of Arts, Major in Communication at siya ay cum laude.
“I don’t usually brag about academic achievements (my mom does that for me), but this will have to be an exception.”
“To say I worked my ass off for this would be an understatement. Going into my last semester, my QPI was 0.01 short of Cum Laude. Many times throughout the sem I thought I blew my chances, but I somehow managed to finish with a 3.50 QPI and earn this privilege. I do know that grades don’t define you, but I needed to prove to myself that I could do it, and I needed to make my parents proud. I already have the medal but I still can’t believe I actually pulled it off. It just proves that you really can do whatever you set your mind to if you just try hard enough.”
Binigyan din siya dati ni Bossing ng sasakyan na AudiQ3 noong nag-graduate siya ng kolehiyo bilang cum laude.
Ito rin ang ilan sa kanyang mga likha dahil mahilig itong mag-pinta. Close na close din siya sa kanyang mga kapatid na sina Oyo, Danica, Vico at Tali.
Pagdating naman sa mother in law niyang si Pauleen Luna ay malapit din sila sa isa’-isa. Sa katunayan ay nagpost siya dati ng larawan kasama si Pauleen at ang tunay niyang ina na si Angela Luz.
Bago manganak si Paulina ay nagkaroon muna siya ng maternity photoshoot kasama sila, si Pauleen ay isa sa mga tumulong at nag-ayos sa kanya.

Image via Pauleen Luna Sotto (IG)
0 Comments