Looking For Anything Specific?

Mag-isang 90-year-old lola na tinitipid ang kakarampot na ulam ng ilang araw para makaraos sa kagutuman, inulan ng biyaya!

Viral ngayon sa social media ang isang 90 years old na lola pilit lumalaban sa hamon ng buhay.

Pinukaw ang puso ng online community sa ginawang post ni Jun Butac tungkol kay Lola Lucena “Lola Lusing” Barangay Damiano na taga Brgy. Maananteng, Solsona, Ilocos Norte.

Photo: Facebook/Jun Butac

Sa pag-aalala ni Jun sa kalagayan ni Lola Lusing ay ibinahagi niya ang mga litrato nito upang makahinga ng kahit kakaunting tulong.

Dahil sa kahirapan sa buhay, pinagkakasya umano ni Lola Lusing ang kanyang kakarampot na ulam ng ilang araw. Naghihintay lang din umano siya ng kung ano ang maiabot na pagkain sa kanya ng mga kalapit na bahay.

Walang nabanggit si Jun sa kanyang post kung may kamag-anak ba si Lola o kung nasaan na ang mga ito. Pero mapapansin sa larawan na siya mag-isa lang na namumuhay sa kanyang tahanan.

Mabilis namang kumalat sa social media ang mga larawang ito ni Lola Lusing, kaya naman agad na nag-abot ng kanyang tulong ai Ma’am Rona mula sa Pasuquin, Ilocos Norte

Photo: Facebook/Solsona Mps

Sa tulong ng Solsona MPS ay natunton nila ang kinaroroonan ni Lola Lusing. Personal niyang iniabot ang kanyang tulong sa matanda na siyang nagbigay ng napakalaking ngiti kay Lola Lusing.

Maraming may mabubuting puso ang nagpaabot din ng kanilang tulong kay Lola. Makikita sa mga larawan ang napakaraming groceries at mga kagamitin para kay Lola Lusing.

Photo: Facebook/Jun Butac

90-Anyos na Lola, Umaasa Lamang sa mga Pagkain na Napupulot sa Daan Para Maitawid ang Pang Araw-araw na Buhay!

Mabilis na kumakalat sa social media ang mga balita at mga kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Nababalitaan din natin ang ilan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kaya naman, sa tulong ng social media o internet ay mas napapagaan ang paghahanap at pagbibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong at iba pa.

Marami na tayong nakikita sa social media na nakakalungkot na pangyayari gaya ng matatanda na lubhang nakakaawa. Isa na rito ang 90-anyos na lola na kinilalang si Lola Lucin. Ayon sa concerned netizen na si Jun Butac, nakatira umano si Lola Lucin sa Maanteng Solsona, Ilocos Norte.
Ibinahagi ni Jun ang nasaksihan na sitwasyon ni Lola Lucin. Naantig at nag-alala si Jun kay Lola Lucin kaya inupload nito ang ilang larawan ni Lola Lucin sa social media at nagbakasali na may mag-abot  ng tulong kay Lola.

Sinabi niya sa kanyang post na sa likod ng larawan ni Lola Lucin ay talagang hirap ito sa buhay na dahilan kung bakit namumulot na lamang siya ng kanyang makakain o ‘sinaklob’ ang kanyang ulam at pinagkakasya na lamang niya sa buong araw at tinitipid na lang niya ito.
Mag-isa na lang din sa buhay si Lola Lucin kaya naman sa kabila ng kanyang edad ay wala siyang ibang pagpipilian kundi magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw-araw.

Dahil sa social media ay mabilis naman na nabalitaan to ng ilang mga tao na handang tumulong kay Lola Lucin. Isang Ma’am Rona umano ang nagpatulong na matunton si Lola Lucin upang magbigay ng tulong dito.
Lubhang nakakalungkot ang sitwasyon ni Lola Lucin. Kaya naman, nang may mag-abot sa kanya ng tulong ay napangiti naman si Lola Lucin. Isang biyaya na sa kanya ang may magbigay ng tulong.

Netizen, Bumuhos ang Luha Matapos na Makita at Maℓaman ang Kaℓagayan ng Isang Lola

Lubhang nakakahabag ng damdamin ang sitwasyon ng isang matandang babae na nakahiga sa sahig at tila walang kaanak na nag-aalaga. Ibinahagi ito ng Heaven Elements facebook page ang pahayag ng isang netizen na kumuha ng litrato ni Lola. Ayon sa uploader, lubos siya napaluha nang mismong siya ang nakarinig ng nakakaawang kalagayan ni Lola. Narito ang kanyang pahayag,

“Habang naglalakad ako kahapon, biglang napatigil ang mundo ko. Nang makita ko ang sitwasyong kinalalagyan ng matandang nakahiga sa malamig na semento. Dahil sa awå na nadarama ko, napaluha ako. Umupo ako sa tabi niya, nilagyan ko ng 100 pesos yung latang nasa harap niya. Mas lalo pang bumuhos yung luha ko ng sabihin nyang “Anak, salamat. Kaawaan ka ng diyos.” Wala akong masabi. Tulo nalang nang tulo yung luha ko.

“Tapos maya-maya, tinanong ko sya, ‘Lola, kung bibigyan kita ng isang pagkakataong tuparin yung hiling mo, anong hihilingin mo?’ Tumingin sa akin yung matanda, at bigla syang umiyak.. Sabay sabi, ‘Gusto ko ng PAMILYA.’ Napayuko ako sa sobrang lungkot. Umiyak… Niyakap ko yung matanda. Sabi niya, ‘Anak, baka madumihan ka.’ Hindi ako umimik at niyakap ko sya ng mahigpit.

“Ilang minuto ang lumipas, may kinuha syang litrato, litrato ng pamilya niya. Buo at masaya. Tinanong ko sya ulit.. ‘Nay, nasaan na ba yung pamilya mo?’ Hindi sya umimik at tinuro nalang niya sa itaas na ang ibig sabihin.. P@tay na. Sa pag alis ko, kinuhaan ko sya ng litrato. Binilhan ko sya ng tubig at tinapay. Nang ibinalik ko yung litrato ng pamilya nya, nilagyan ko ng 500 pesos para sa gastusin nya sa pagkain.
“Tulungan natin si Lola sa pamamagitan ng dasal. Panginoon, humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng kasalanan na nagawa namin sa isip man o sa gawa. Hinihiling po namin na tulungan nyo po ang mga taong nangangailangan. Lalo na po yung mas mabigat ang dinadala. Panginoon, kung wala ka, wala rin kami. Kaya lubos po kaming nagmamakaawa sa gabay at patnubay sa bawat bukas na aming haharapin.”

The post Mag-isang 90-year-old lola na tinitipid ang kakarampot na ulam ng ilang araw para makaraos sa kagutuman, inulan ng biyaya! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments