Looking For Anything Specific?

Andi Eigenmann, ibinahagi ang kanyang magandang plano sa pagbebenta ng mga ukay-ukay ngayon sa Siargao

Kinabiliban na namang muli ng madaming netizens ang aktres na si Andi Eigenmann.

Marami ang naantig sa simpleng pamumuhay ni Andi sa isla kasama ang kanyang pamilya.

Kahit na lumaki sa may kayang pamilya si Andi, ay nagawa niyang manirahan ng simple at kontento kung anong meron sa isla kasama ang kanyang asawa’t anak.

At talaga namang marami talagang taga-suporta ang naantig sa kwento ng buhay ni Andi at Philmar sa isla.

Kaya naman marami din ang sumusubaybay sa kanilang YouTube channel.

Sa kanilang latest vlog ay muli na naman ngang pinahanga ni Andi ang madla.

Ito ay nang napagdesisyunan niyang itinda bilang ukay-ukay ang kanilang mga lumang damit.

Ang lahat daw ng mapagbebentahan ay ibibigay niya sa isang charity.

“Hi guys, we are in the playroom, we are organizing, sorting our clothes, our pre-loved for our ukay-ukay this weekend,” saad ni Andi.

Sinabi din ni Andi na hindi lang siya ang magbebenta ng kanyang nga Preloved clothes.

Kundi maging ang kanyang panganay na anak na si Ellie.

Inaayos na din nito ang mga damit na pwede niyang itinda upang makatulong.

Matagal na diumano pinagiisipan ni Andi na ibenta ang mga Preloved nila.

Aniya upang mapakinabangan din umano ng iba at makakatulong pa siya.

Sa sumunod na tagpo ay ibinahagi ni Andi kung saan mapupunta ang kanilang kikitain.

“Ang tagal ko nang gustong magkaron ng purpose yun mga pre-loved clothes namin.

“Alam ko na maraming ibang makikinabang and of course its better for the environment if I can see na na-pass on ko siya. But then, syempre, nahiya naman ako magbenta.”

Nagbago daw ang lahat ng ito ng magtayo ng fundraising ang kanyang kaibigan sa isla.

Ito ay para sa pagpapaayos ng health center at day care centre sa kanilang lugar.

Andi Eigenmann, muling kinagiliwan ng mga netizens ngayon dahil sa pagbili nito sa sari-sari-store

Muli na naman ikinatuwa ng mga netizens ang simpleng buhay ni Andi Eigenmann.

Matapos lisanin ang showbiz, nanirahan sa Siargao Island si Andi kasama ang ngayon ay fiancé na niya.

Ang professional surfer na si Philmar Alipayo ang naging katuwang ni Andi kasama ang kanyang mga anak.

Kasama ang kanilang mga anak na si Ellie, Lilo at Koa.

Sa bagong upload ng dating aktres sa kanyang YouTube channel, ibinahagi niya ang kanyang “A Day In My Life.”

Sa nasabing vlog, muling ipinakita ni Andi ang kanyang buhay bilang full time mom na ngayon ay tatlo na ang kanyang anak.

Makikita din sila Ellie at Lilo na nagbabantay at nilalaro din ang bunso na si Koa.

Sa isang punto, kinailangan bumili ng dating aktres ng mga sangkap sa kanyang lulutuin na Tuna Pasta sa isang sari-sari store.

Makikita si Andi na bumibili sa isang tindahan at kinakausap siya ng tindera sa dialect na Bisaya.

Hinangaan naman ng mga netizens nang mas piliin ni Andi ang mas murang brand kesa sa isa.

Ang nasbaing video ay naging selebrasyon din ng pamilya para sa katatapos lamang na Mother’s Day.

Binati din naman ni Andi ang kanyang kapwa “tough mama.”

Maraming netizens naman ang natuwa dahil marunong na talaga sa buhay may pamilya si Andi at nanatiling simple sa buhay na kanyang ginusto.

Anong kwentong A Day In My Life mo?

The post Andi Eigenmann, ibinahagi ang kanyang magandang plano sa pagbebenta ng mga ukay-ukay ngayon sa Siargao appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments