Looking For Anything Specific?

Anjo Yllana hindi nag-atubiling tulungan ang dalawang riders na naaksidente sa Camarines Sur na agad umani ng mga papuri

Ipinamalas ni Anjo Yllana ang kanyang pagiging public servant sa isang insidenteng naganap sa Camarines Sur.

Hindi nagdalawang isip ang aktor at host ng Happy Time na si Anjo Yllana na tulungan ang dalawang motorcycle rider.

Sa pamamagitan ng post niya sa Facebook ay ibinahagi ni Anjo ang pagtulong niya sa naganap na aksidente sa daan.

“Attending to casualties of motorcycle vs truck vehicular acc1dent in Sipocot, Camsur,” saad ni Anjo.

Nagbigay din siya ng paalala sa mga motorista, “Please lang sa mga nagmomotor hindi po parte ng motor ang katawan niyo lagi kayo magiingat po.”

Pinasalamatan din ni Anjo ang kawani ng CamSur na si Governor Migz Villafuerte.

Sa mabilis na pag-aksyon nito para sa mga biktima.

Sa sumunod naman na post ay makikita ang isang video kung saan tumulong si Anjo sa trapiko na dulot ng insidente.

Samantala, marami naman ang humanga sa pagiging matulungin ni Anjo.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Ever the humanitarian!”

“Hindi nawala ang pagiging public servant ni sir”

“Salute sir Anjo always ready to help”

“dugong scouts ka talaga brod mabuhay ka”

“Boy scout laging handa ang peg bro”

Nasa Bicol ngayon si Anjo kasama ang kanyang kapatid na si Jomari Yllana at kasintahan nitong si Abby Viduya.

Pinapaayos umano ng magkapatid ang kanilang ancestral home sa nasabing lugar.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi niya ang pinagkaka-abalahan nila doon.

Pabiro pa nga niyang ibinahagi na ang mga kapitbahay nila ngayon ay mga baka at kalabaw.

“Welcome to my humble house in the middle of the street (laughing emoji) meet my neighbours cows and carabaos (laughing emoji) @ Tinambac, Camarines Sur,” saad ni Anjo sa kanyang caption.

Kalakip nito ang mga litrato na kasama niya sina Jomari at Abby.

Ivana Alawi, muli na namang namigay ng ayuda at gumastos pa ng 1.3million pesos para dito

Bilang bahagi ng kanyang pasasalamat, Kapamilya aktres-vlogger na si Ivana Alawi namigay ng ayuda sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila kamakailan, nagbigay siya ng ayuda matapos ngang pumalo sa mahigit 13 million ang kanyang YouTube subscribers.

Alam naman nating lahat na naging tradisyon na ni Ivana ang magasagawa ng isang charity at relief mission sa tuwing may matatanggap siyang blessings sa buhay lalo na’t patuloy pang dumadami ang kanyang sumusubaybay sa kanyang YouTube account.

Personal na naghanda ng grocery items at food packs si Ivana kasama na ang kanyang pamilya at ilan nilang kasama sa bahay. Hindi lang grocery items at food packs ang matatanggap ng kanyang matutulungan kung hindi meron pa itong iniligay bawat relief bag ng P1,000 cash para sa mga kababayan nating wala nang panggastos dahil wala pa silang mga trabaho. Kaya suma-total ay gumastos si Ivana ng P1.3 million para sa nasabing relief mission niya.

Iilan na dito ang mga nabigyan ng blessings nina Ivana ay ang mga namamalimos sa kalye, garbage collectors, mga street vendor, tricycle drivers at mga matatanda.

“Ayoko na sanang i-celebrate nang enggrande o gumastos sa celebration, kasi mas gusto ko na lang itulong sa mga taong nangangailangan. Kailangang maging praktikal ngayong pandemic,” ani pa ni Ivana.

“Thank you to everyone for watching our vlogs. This is not just from me, this is from all of us. Hindi ako nagyayabang. It’s our own small way of giving back, to celebrate our 13 million subscribers,” dagdag pa niya.

Kaya naman matapos itong maupload sa kanyang YouTube account umani na ka agad ng 2million views ang nasabing video na patuloy ang pagdami pa nito. Maraming Salamat, Ivana Alawi!

Ano po ang masasabi niyo dito? Ibahagi ang iyong reaksyon sa pamamagitan nang pagkomento sa ibaba at huwag kalimutan na ibahagi ang post na ito sa social media!

Source: Ivana Alawi YouTube post

Ivana Alawi, namahagi ng sandamakmak na biyaya matapos makaabot ng 13-Million Subscribers sa Youtube

Umaapaw na biyaya na naman ang ipinamahagi ni Ivana Alawi.

Nakilala si Ivana sa kanyang pagiging matulungin sa kapwa.

Di kaila sa publiko ang mga kawang gawa niya, namamahagi siya ng tulong tuwing may biyaya siyang natatanggap.

Isa na nga si Ivana ngayon sa pinaka sikat na influencer sa bansa.

Sa loob lamang ng halos dalawang taon ay mayroon na siyang 13 million subscribers sa kanyang YouTube channel.

Kaya naman upang ipagdiwang ang new milestone ng kanyang career, namahagi na naman ng blessings si Ivana.

Naisipan ng dalaga na mamigay sa 1,300 na katao ng eco bag.

Na naglalaman ng mga paborito niyang pagkain.

Ang bigas na kalakip sa eco bag ay ang mismong klase ng bigas na binibili din nila para sa kanilang bahay.

Nagluto din ang aktres ng adobo katulong ang kanyang ina na tinawag niyang “Adobo ala Ivana”

Hands-on naman ang kanilang buong pamilya kabilang na si Mama Alawi at Hashim sa pagrerepack ng mga goods.

Samantala, si Mona ay wala muli sa video dahil pinagpapahinga muna nila.

Dalawang araw ang inabot ng kanilang pagpeprepara sa kanilang ipapamigay.

650 packs nung day 1 at 650 packs din ng day 2.

Puro paborito ni Ivana at masasarap na pagkain ang nilalaman ng bawat food pack.

At syempre bilang dagdag pasasalamat sa mga biyayang natatanggap.

Nilagyan din ni Ivana ng tig isang libong piso ang bawat eco bag.

Ito ang naisip ni Ivana na pasasalamat sa kanyang mga fans and followers at pati na din sa kanyang mga supporters at subscribers.

Tuwing may magandang nangyayari kay Ivana ay hindi niya nakakalimutan na mag give back sa kapwa.

Bawat okasyon ay pinaglalaanan niya ng kawang gawa.

Kaya naman patuloy siya binibiyayaan ng Maykapal dahil mapagbigay siya sa kanyang mga kababayan.

Panoorin dito ang kanyang video:

The post Anjo Yllana hindi nag-atubiling tulungan ang dalawang riders na naaksidente sa Camarines Sur na agad umani ng mga papuri appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments