Looking For Anything Specific?

Ang mag-asawang naglilibot sa probinsya ng bohol upang mamigay ng bagong bahay para sa mga mahihirap

MAGTIAYON NAGPABUHAT OG BAG-ONG BALAY PARA SA MGA KABUS…
#SPREADKINDNESS

REPOST: RONALD ANCERO CASIL
ANG MAG-ASAWANG NAGLILIBOT SA PROBINSYA NG BOHOL UPANG MAMIGAY NG BAGONG BAHAY PARA SA MGA MAHIHIRAP

Ika-65 na bahay na ang kanilang pinagawa at ibibigay sa mga taong wala nang maayos na tulogan at lalo na sa mga nagtitiis sa mga sira-sirang tahanan dito sa probinsya ng Bohol.

Ayon sa mag-asawa, hindi lang hanggang ika-65 dahil may mga ka sunod pa ang mga ito at ginagawa na rin para ibigay din sa mga walang maayos na matutulogan.

Hindi nila alam kung hanggang saan at ilan ang kanilang mabibigyan ng bagong bahay dahil gusto talaga na makatulong lalong lalo na sa mga mahihirap at para narin makatulog ng maayos ang isang pamilya.

Bukod sa mga binibigay ng bahay may mga pinapa-aral din ang mag-asawa at nasa higit 50 studyante ang kanilang sinu-supportahan. Dagdag rin ang mga allowance, selpon, Laptop, Printer at iba pa. Pinagawan din nila ng Boarding House ang kanilang mga studyante upang hindi na ito mahirapan sa pag-uwi sa isla.

Binibigyan din nila ng kambing, baboy, kalabaw yung ibang mga pamilya upang may magamit sila panimula sa kanilang ikinabu-buhay

Maraming salamat po sa inyong kabutihan at please Subscribe to A Foreigner in the Philippines!

#RONALDCASIL
#HumanityFirst
#humanityrestored
#GodBlessYouAlways
#Hero
#blessingsfromGod
#TERENCE
#BETH

Tatlong Magkakapatid, Nangangailangan ng Tulong Matapos Iwan ng Kanilang Ina Dahil sa Sobrang Kαhιrαρån

Kung mayroong pagsisikap sa buhay ang isang tao ay siguradong magkakaroon ito ng magandang pangyayari, ngunit kung walang pagsusumikap, walang diskarte at walang ginagawa sa buhay ay malabong umusad ang buhay mula sa kαhιrαρån.

Mayroon tayo pamilya na masasabing tutulong sa atin sa oras na kailangan natin sila ngunit may ilan naman na wala nang mga magulang na magsisilbi sanang sandalan sa mga panahong nahihiråpan sila.

Isang nakakalungkot na sitwasyon ang mayroon ang tatlong magkakapatid na makikita sa larawan. Mapapansin din na tagpi-tagping yero ang kanilang tinutuluyan. Wala na umano silang magulang simula ng iwan sila ng kanilang ina dahil umano sa sobrang kαhιrαρån.

Inaband0na sila ng kanilang ina upang makaiwas at talikuran ang ραghιhιråρ ng kanyang pamilya. Sa facebook page ng Heaven Elements ay ibinahagi nito ang kalagayan ng magkakapatid.

Narito ang naturang post:

“Please !!!! Tugunan po ninyo.nang pansin.. MAGKAPATID NA DUMANAS NG MATINDING HIRAP. INIWAN PA NG INA MAHIGIT NG ISANG TAON. AYON SA KWENTO LUMAYAS ANG INA DAHIL SA SOBRANG KAHIRAPAN. TULONG TULONG PO TAYO. SHARE YOUR BLESSINGS.”

Mag-isang 90-year-old lola na tinitipid ang kakarampot na ulam ng ilang araw para makaraos sa kagutuman, inulan ng biyaya

Viral ngayon sa social media ang isang 90 years old na lola pilit lumalaban sa hamon ng buhay.

Pinukaw ang puso ng online community sa ginawang post ni Jun Butac tungkol kay Lola Lucena “Lola Lusing” Barangay Damiano na taga Brgy. Maananteng, Solsona, Ilocos Norte.

Photo: Facebook/Jun Butac

Sa pag-aalala ni Jun sa kalagayan ni Lola Lusing ay ibinahagi niya ang mga litrato nito upang makahinga ng kahit kakaunting tulong.

Dahil sa kahirapan sa buhay, pinagkakasya umano ni Lola Lusing ang kanyang kakarampot na ulam ng ilang araw. Naghihintay lang din umano siya ng kung ano ang maiabot na pagkain sa kanya ng mga kalapit na bahay.

Walang nabanggit si Jun sa kanyang post kung may kamag-anak ba si Lola o kung nasaan na ang mga ito. Pero mapapansin sa larawan na siya mag-isa lang na namumuhay sa kanyang tahanan.

Mabilis namang kumalat sa social media ang mga larawang ito ni Lola Lusing, kaya naman agad na nag-abot ng kanyang tulong ai Ma’am Rona mula sa Pasuquin, Ilocos Norte

Photo: Facebook/Solsona Mps

Sa tulong ng Solsona MPS ay natunton nila ang kinaroroonan ni Lola Lusing. Personal niyang iniabot ang kanyang tulong sa matanda na siyang nagbigay ng napakalaking ngiti kay Lola Lusing.

Maraming may mabubuting puso ang nagpaabot din ng kanilang tulong kay Lola. Makikita sa mga larawan ang napakaraming groceries at mga kagamitin para kay Lola Lusing.

Photo: Facebook/Jun Butac

The post Ang mag-asawang naglilibot sa probinsya ng bohol upang mamigay ng bagong bahay para sa mga mahihirap appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments