Taong 2019 nang ma-link si Julia Barretto sa kanyang movie leading man na si Gerald Anderson. Noong mga panahong iyon, karelasyon pa ni Gerald si Bea Alonzo, kaya naman todo deny si Julia at Gerald na may namamagitan sa kanila. At ngayong 2021 lang, sa wakas ay inamin na rin ni Julia ang kanilang relasyon.
Ngunit sa kontrobersyang ito, labis na naapektuhan rin ang mga tao sa paligid ng dalawa. Isa na sa kanila ang beteranong aktor na si Dennis Padilla, na ama ni Julia. Sa kanyang interview kay Ogie Diaz, ibinahagi ni Dennis ang naging usapan nila ni Gerald noon.


Ayon kay Dennis, noong kasagsagan pa ng isyu ay maraming nag-aakusa kay Julia na third party. Kaya naman kinausap niya si Gerald upang malaman ang totoo. Itinanggi ni Gerald na sila pa ni Bea, at nangako din umano ito na ipagtanggol si Julia sa publiko. Ngunit hindi naman it natupad.
“Natanong ko kay Gerald noon kung ‘Syota mo pa ba si Bea?’ Ang sabi niya, ‘Hindi.’ Sabi ko, ‘Okay, para wag naman lumabas na kontrabida ang anak ko. Sana ipagtanggol mo in public.’ Sabi niya,’ Sige, tomorrow Tito Dennis, magbibigay ako ng interview.’”

Ngunit nang lumabas ang totoo matapos magbigay ng pahayag si Bea, saka lamang napagtanto ni Dennis na nagsinungaling sa kanya si Gerald. Hindi daw nito mapigilang magalit, lalo pa’t ayaw niyang madawit sa isyu at masaktan ang kanyang anak.
Hindi nagtagal at si Julia rin daw mismo ang nagpaliwanag kay Dennis ng totoo. Ayon sa beteranong aktor, isa lamang ang masasabi niya kay Gerald:
“Mahalin lang niya anak ko. Huwag mo lolokohin. Huwag mo lang sasaktan. Malaking bagay sa akin yun. It’s showing your respect to the dad ng minamahal mo. Mas mapapakita mo na mahal mo yung anak ko kung irerespeto mo yung tatay niya.”

Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.
Dennis Padilla, aminadong natatakot ma-reject ng kanyang mga anak kung yayain niya itong makipagkita muli sa kanya
May pakiusap ang komedyanteng si Dennis Padilla para sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto.
Sa part 2 ng panayam ni Ogie Diaz kay Dennis Padilla, mas naging emosyonal ang komedyante.
Dito ay tinalakay nila ang tungkol sa kanyang mga anak na Barretto.
Sa simula ng video ay pinagusapan nila ang tungkol sa one on one talk ng mag-ama sa vlog ni Julia kamakailan.

Kung saan ang isang tanong ni Dennis sa anak ay ang tungkol sa pagpapalit ng mga ito ng apelyido.

Masakit daw para sa isang ama na marinig ito mula sa kanyang mga anak, tinaggap na lamang daw niya ito.
Para na rin daw wala ng diskusyon pa, pero deep inside, para daw siyang tinαrαкαn sa ρυѕσ nσσn.

Habang emosyonal na nagkekwento, isa lamang daw ang pakiusap ni Dennis sa kanyang mga anak.

At ito ay ‘wag ng tanggalin ang apelyido niyang Baldivia kahit man lang daw sa mga private documents ng mga ito.

Sa isang parte naman g kanilang pag-uusap, naibahagi ni Dennis ang kanyang mga regrets.
Lalo na tungkol sa kanyang mga anak, hindi niya daw naiparanas sa mga ito kung paano siya maging tatay.

Nabanggit din ni Dennis kung gaano niya gustong makita at makasamang muli ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto.

Ilang buwan na daw kasi niyang hindi nakikita si Julia.

Samantalang si Claudia naman ay halos dalawang taon na niyang hindi nakakasama.
Si Leon naman ay almos 1 year and a half naman daw na hindi na rin niya nakaka-bonding man lang.
Takot din daw si Dennis na ma-reject ng mga anak niya ngunit may hiling daw siya.
Emosyonal niyang sinabi na, “Sana mahanapan naman nila akong time na makasama.”
Miss na din daw niya ang mga salitang “I Love You” mula sa kanyang mga anak.
Dennis Padilla, hindi napigilang maging emosyonal ng mapag-usapan ang kontrobersyal na pagpalit ng family name ni Julia Barretto

Emosyonal na ibinahagi ni Dennis Padilla ang kanyang saloobin ukol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak.
Nagkaroon ng panibagong pagkakataon si Dennis Padilla na masabi sa anak na si Julia Barretto ang hinanakit niya dito.
Nang magtangka itong palitan ang kanyang apelyido, from Baldivia to Barretto, ilang taon na ang nakararaan.
Sa pinaka latest vlog ni Ogie Diaz ay naging guest niya si Dennis.

Dito ay pinag-usapan nila ang mga pinagdadaanan ngayon ng komedyante.

Isa sa kanilang topic ay ang tungkol sa pagpapalit ng apelyido ng kanyang mga anak sa dating asawang si Marjorie Barretto.

Common knowledge sa showbiz na gustong ipatanggal ni Julia ang apelyido ng komedyante sa kanyang pangalan noon.

Nag-file pa diumano noon ang girlfriend ni Gerald Anderson sa korte ng petition to change her last name last 2015.

Pero nang ma-debut si Julia ay nagsabi itong hindi na niya ipare-remove ang Baldivia sa kanyang last name.

Moving forward, nagkaayos na sila pero aminado pa rin si Dennis na isang C0’VID survivor na naging masakit sa kanya ang ginawa ng anak noon.

“That was a dagger. It’s not the pangalan itself. That’s my blood, kaya masakit ‘yun. Kasi kumbaga, parang ito ba ang gusto n’yo? Barretto na nga ang dala mo sa screen, kilala ka nang Barretto, bakit tatanggalin n’yo pa ang apelyido ko? Masakit sa akin ‘yun,” saad ni Dennis.

“Bakit kailangan palitan ng family name, samantala ang gamit naman niya eh mas kilala sila ng tao sa Barretto bakit kailangan palitan yung name?”

Ito na lamang daw ang naisip ni Dennis ng sabihin sa kanya ng anak na, “Pa I’m sorry ah pinalitan na namin yung apelyido mo Barretto na kaming lahat.”
Panoorin dito ang panayam ni Ogie kay Dennis:
The post “Tinu-two time mo anak ko”- Dennis Padilla, Nagalit kay Gerald Noong Nililigawan pa Lang si Julia appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments