Kamakailan lang ay ipinagdiwang natin ang araw ng mga ama, bilang pasasalamat sa lahat ng kanilang pagsisikap at pagsasakripisyo na ginagawa ng isang ama para sa kaniyang pamilya at higit para sa mga anak. Dahil sa espesyal ang araw na ito marami sa mga haligi ng tahanan ang nakakatanggap ng mga regalo, magagandang mensahe at konting salu-salo na inihanda ng kanilang mga anak. Ito ay nagsisimbolo lamang ng pasasalamat at pagmamahal ng isang anak para sa kaniyang magiting na ama.
Isa na rito ang aktres na si Angel Locsin, kung saan siya rin ay nagdiwang ng “Father’s Day” kasama ang kaniyang pinakamamahal na ama. Ramdam ng karamihan kung gaano kamahal ni Angel ang kaniyang Daddy kung saan para sa kaniya ito ay isang “Perfect Dad”. Sa mismong araw ng “Father’s Day” ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram ang surprise gift niya para sa kaniyang Daddy.
Ito ay bilang pasasamalat ni Angel sa lahat ng pagmamahal at sakripisyo ng kaniyang Daddy simula nung maliit pa siya hanggang sa kaniyang edad ngayon. Niregaluhan ni Angel ang kaniyang Daddy ng isang massage chair dahil tila hindi na nasasarapan ang kaniyang Daddy sa pagmamasahe nito sa kaniya. Kaya naman, massage chair ang kaniyang napiling regalo para maiba at mas marelax ang kaniyang Daddy sa masahe. Kitang-kita naman ang saya sa mukha ng kaniyang Daddy sa kaniyang bagong massage chair at makikita ring ini-enjoy ng kaniyang Daddy ang paghiga nito sa niregalo niyang massage chair.
Narito ang heartwarming post ni Angel sa kaniyang Instagram, “Perfect gift for the perfect dad”
Narito ang heartwarming post ni Angel sa kaniyang Instagram, “Perfect gift for the perfect dad”
“Thanks @pierophilippines sa pagpupuno ng aking mga pagkukulang”
“Happy Father’s Day to all the dads!”
Nagpasalamat rin ang aktres sa online store na pinagbilhan niya ng massage chair dahil ito ay kaniyang itinuturing na perfect gift para sa kaniyang Daddy. Binabati rin ni Angel ang lahat ng mga mabubuti at responsableng ama sa buong mundo na nagdiriwang ng “Father’s Day”.
Angel Locsin, Mαgiging Buhαy-Reyna Matapos Pαкαѕαℓαn ang Tagaρagmanang si Neil Arce
Isa si Angel Locsin sa mga pinakahinahangaang personalidad sa showbiz. Talagang maraming kalalakihan ang ibibigay ang lahat mabihag lamang ang puso ng Kapamilya aktres. Bukod sa kanyang taglay na kagandahan, hindi maipagkakailang mabuti rin ang kalooban nito.
Ngunit may isang maswerteng lalaki na ang bumihag sa puso ni Angel! Si Neil Arce, isang film producer, ang kasalukuyang fiance ni Angel.
Ilang taon na rin ang relasyon ng dalawa, at noong taong 2019, tuluyan na ngang nag-propose si Neil sa kanyang girlfriend. Agad namang ibinigay ni Angel ang matamis na oo niya. Ayon sa celebrity couple, maaaring maganap ang kasal nila ngayong 2021.


Hindi maipagkakailang napakaswerte ni Neil sa kanyang fiance, ngunit maging si Angel ay pinalad rin sa kanyang soon-to-be husband.
Bukod sa kabutihang loob nito, talentado rin si Neil sa larangan ng paggawa ng pelikula. At paniguradong magiging secured ang future ng mag-asawa dahil tagapagmana si Neil ng kanilang family business.
Bukod sa pagiging film producer nito, kilala rin si Neil sa larangan ng poker. Sa katunayan, naging champion na rin siya sa mga international poker games. Sumali rin si Neil sa Asian Poker Tour Championships, at isa rin siya sa mga shareholders ng Metro Card Club sa Pilinas.

“Napakasuwerte ni Angel dahil napakaresponsableng lalaki ang pakakasalan niya. Nakatrabaho na namin siya, kapag may sinabi siya, tinutupad niya. Huwag na ang sobrang yaman ni Neil, nag-iisang tagapagmana kasi siya ng family nila, hindi ‘yun mauubusan!” Ito ang pahayag ng isa sa mga katrabaho ng celebrity couple.
Maraming tao ang humahanga sa katatagan ng relasyon ni Neil Arce at Angel Locsin. Kahit ano mang pagsubok o kontrobersya ang dumating sa kanila, hinaharap nila ito ng magkasama. Kaya naman napakaswerte ni Neil at Angel sa isa’t-isa.


Angel Locsin, Magiging Buhay-Reyna Kapag Napangasawa Si Neil Arce, Ang Nag-Iisang Tagapagmana Ng Negosyo Nila
The post Angel Locsin, masayang niregaluhan ng massage chair ang kaniyang 94-taong gulang na ama, “Perfect Gift for a Perfect Dad”! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments