Looking For Anything Specific?

Nakaipon Ang Isang OFW Ng Halos 1 Milyon Dahil Sa Paghinto Niya Sa Kaniyang Paninigarilyo at Pag-oonline Games

Isang magandang pag-uugali ang pagiging masinop lalo na pagdating sa pera, lalo na sa panahon ngayong marami ang naghihirap kinakailangang maging wais sa paggamit ng pera. Huwag gumastos kung hindi naman kinakailangan, unahin ang pang araw-araw kesa sa mga luho at bisyo.

Tulad ng ginawa ng isang OFW na dahil sa kaniyang pagtigil sa bisyong paninigarilyo ay nakapag-ipon siya ng halos isang milyong peso, inihinto niya rin ang kaniyang pag lalaro ng online games at nagsimula narin siyang mag diet.

Si Neil Ryan Lorenzo ang nasabing OFW na nakapag ipon ng halos isang milyon sa loob ng halos tatlo at kalahating tao ng halos hindi niya binubuksan. Hindi makapaniwala si Neil sa kaniyang naipon simula ng magtipid siya at ayusin ang kaniyang buhay.

Ibinahagi sa Facebook Page ng Peso Sense ang kwento ng hamon ng buhay ni Neil at ang kaniyang naging journey sa pagtitipid at pag-iipon. Hindi lang pera ang nakuha ni Neil sa kaniyang ginawang pag-iipon dahil nagkaroon din siya ng malusog at magandang pangangatawan. Sobrang natuwa si Neil sa kaniyang sarili dahil imbes na ipangbili at ipanggastos niya sa kaniyang bisyo at online games edinederitso niya ang pera sa kaniyang alkansiya. At ang kwento ito ay kaniyang ibinahagi upang maging isang inspirasyon para sa marami.

At upang maibahagi ang perang naipon naisipan niyang magparaffle, noong nakaraang bago magpasko. Ang nanalo ay nakatanggap ng 500sr na halos katumbas ng Php6500, ginawa niya ito upang makatulong sa mga tao na may maipanghanda sa darating na kapaskuhan sa taong iyon at maibahagi ang kaniyang ipon ng kahit na sa kunting halaga.

Plano rin ni Neil sa kaniyang pag-uwi ay mabahagian ang kaniyang pamilya ng perang naipon at kasama rin ang simbahan ng ina sa kaniyang bibigyan at ang mga pulubi rin daw ay makakatikim. Marami ang humanga sa magandang adhikain ni Neil dahil hindi puro pansarili ang iniisip kundi ang makatulong sa maraming tao.

Isang pamilya, nakapag ipon ng madaming pera

Sa panahon ngayon kung saan ang karamihan ay sadyang nahihrapan sa pag-budget. Isang netizen na si Abby Sarmiento Mendoza ang nagbahagi ng kanilang “Ipon Challenge” na sadyang kinabiliban ng nakararami.

Sa dami nga naman ng gastusin at mahal ng bilihin sa pang araw-araw nating buhay ay sino ba naman ang hindi mamamangha sa pagtitipid ng pamilyang ito.

Isang malaking kahon na tila gawa sa salamin kung saan makikita ang nasa loob nito, ang napagdesisyonang gawing alkasnya ng pamilya.

Di’ tulad ng tradisyonal na mga lata o “piggy bank” minabuti nila Abby na gumamit ng isang malaking lalagyanan na maikukupara sa parisukat na tambyolo upang mas maeganyo at mas magpursigi silang mag ipon, dahil nakikita nila ang laman at ang progreso ng kanilang perang iniimpok.

Makalipas ang isang taon, binuksan ng pamilya ang kahon na naglalaman ng sandamakmak na pera at laking gulat na lang ng mga ito nang halos dalawang kama ang mapuno matapos ikalat ang mga naipong kwarta.

Mabilis na kumalat sa social media ang mga litratong ibinahagi ni Abby, kaya naman marami ring mga netizens ang gustong gumaya sa “Ipon Challenge” tulad ng ginawa ng pamilya ni Abby.

Ngunit mayroon ding hindi natuwa at nagbigay ng mga paalala sa pamilya.

Ang pag-iipon ay pagpapakita ng isang magandang kaugalian na kung saan ay naipapamalas ng isang tao ang kanilang pagkakaroon ng disiplina.

Ayon naman sa datos na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mayroong kabuuang bilang na 48% sa mga Pilipino ang nagagawang makapagipon, subalit 9% lang sa mga ito ang nagdedeposito sa bangko.

Ang pag-iipon ay pagpapakita ng isang magandang kaugalian na kung saan ay naipapamalas ng isang tao ang kanilang pagkakaroon ng disiplina.

Ayon naman sa datos na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mayroong kabuuang bilang na 48% sa mga Pilipino ang nagagawang makapagipon, subalit 9% lang sa mga ito ang nagdedeposito sa bangko.

The post Nakaipon Ang Isang OFW Ng Halos 1 Milyon Dahil Sa Paghinto Niya Sa Kaniyang Paninigarilyo at Pag-oonline Games appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments