Tila hindi pa din maka move on ang mga fans ng Ginebra superstar na si Scottie Thompson.
Hanggang ngayon nga trending pa rin ang kontrobersyal na pagtatapos ng relasyon ni Scottie Thompson kay Pau Fajrado.
At pati na rin ang biglaang pagpapakasal ng basketbolista sa social media influencer na si Jinky Serrano.

Naglabas na ng kani-kanilang pahayag ang magkabilang kampo.

Sa parte ni Thompson, inamin niyang siya ang mali sa mga nangyari at tanggap daw niya ang galit na ibabato sa kanya ng mga tao.

Kahapon lamang, naglabas na din si Fajardo ng kanyang pahayag ukol sa issue.

Aminado ang dalaga na nasaktan siya sa mga nangyari ngunit mas pinili niyang hindi balutan ng galit ang kanyang puso.

Ito ay ibinahagi ni Fajardo sa kanyang Instagram post. Sa huli ay sinabi niyang ito na ang kanyang una’t huling pahayag ukol sa isyu.
Pati na rin ang kanilang mga malalapit na kaibigan ay naglabas din ng hinaing laban kay Thompson.
Isa na nga dito ay ang beauty queen na si Kayesha Chua.
Naging usap-usapan din ang TikTok video ni Jinky Serrano sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap nilang mag-asawa.
Makatapos naman ng lahat ng ito ay may lumabas na panibagong litrato nina Serrano at Thompson.
Ito ay galing sa ninang umano ng dalawa sa kanilang kasal. At muli ay umani nanaman ito ng samu’t-saring komento mula sa netizens.
Scottie Thompson, nagsalita na tungkol sa tunay na dahilan ng hiwalayan at biglaang pagpapakasal nito sa ibang babae
Matapos magviral ng kanilang issue, Scottie Thompson nagsalita na.
Naging mainit na usapin online ang biglaang pagpapakasal ni Scottie Thompson, ngunit hindi ito sa kanyang fiancee.
Matatandaan na halos walong taon ang nahing relasyon ni Scottie at Pau Fajardo.

January 1 ngayong taon ay nagpropose na nga ang basketbolista kay Fajardo.

Ngunit ilang buwan lang ang lumipas binigla ni Thompson ang lahat ng Ginebra fans.

Ito ay nang kumalat ang litrato niya na ikinasal, hindi kay Fajardo kundi sa ibang babae.

Naging mainit na usapin online ang kaganapan na ito.

Marami ang nakisimpatya kay Fajardo dahil sa nangyari. Marami din ang nagalit kay Thompson.

Ayon sa ilang report, buntis diumano ang asawa na ngayon ni Thompson na si Jinky Serrano.

Kaya naging madalian ang kanilang kasalan na ginanap sa Las Piñas nito unang linggo ng Hunyo.

Nang lumabas ang isyung ito ay naging tampulan na ng mga haters ang newly wed couple.

Inihambing pa nga ng mga netizens ang kanta ni Moira dela Torre sa nangyari sa kanila.

Ito daw umano ang “Paubaya” sa tunay na bu’hay.
Lalo na ang mga linyang “Ako ang nauna, pero siya ang wakas.”
Nagbigay na din ng pahayag ang mga kaibigan nina Thompson at Fajardo ukol sa isyung ito.

At nitong araw lang din ay nagsalita na si Thompson ukol sa kontrobersiyang kinakaharap.

Inilahad nito ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng Facebook post.

Saad ng basketbolista, na dalawang buwan na silang hiwalay ni Fajardo.

Burado na din umano ang mga litratong magkasama sila sa kanyang social media accounts.
Inamin din niya na siya ang may kasalanan ng lahat kaya tanggap niya ang pagkamuhi ng marami.
Ngunit sa huli ay sinabi nito na mas masarap daw na sundin ang puso.
At ito daw ang tunay na nakapagpasaya sa kanya.
The post Bagong larawan ni Scottie Thompson at Jinky Serrano na magkasama umani ng samut-saring komento appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments