Noong nakaraang bagong taon lamang ng alukin ng kasal ni Thompson si Fajardo na walong taon niyang girlfriend.
Hindi makapaniwala ang mga common friends nina Scottie at Pau sa bilis ng pangyayari at ikinagulat din nila na si Jinky ang pinakasalan ni Scottie.
Isang malapit na kaibigan nina Scottie at Pau ang personal na nakausap ng Cabinet files. Kuwento ng source, magkasama pang nagpunta sa Davao sina Scottie at Pau pagkatapos ng PBA bubble noong first quarter ng 2021.


Napamahal na sa mga fans si Pau dahil napakabait at palagi lang naka ngiti. Parang inapi siya nang husto kaya marami ang nakikisimpatiya at nagtatanggol sa kanya.
“Napakabait, napakatahimik at napaka-simple ni Pau. Hindi mo iisipin na gagawa siya ng kalokohan” pahayag ng Cabinet Files informer.
Nasundan ng informer ang love story nina Scottie at Pau na tumaggal ng walong taon kaya kasal na lamang ang kulang sa kanilang pagsasama.


“Matagal na nagsasama sa iisang bahay sa Las Piñas sina Pau at Scottie, pinag-aayos sila, pero parang ayaw ni Scottie.”
Ayon kay Scottie “2 months na kaming hiwalay kita niyo nang deleted na mga pic bawat isa sa amin. Bawal bang may privacy?” “Gustong manahimik ng tao nangingialam kayo. buhay niyo ba ito? Okay sige, dahil gusto ninyo para matapos na sa mga nagtatanong at sa mga gumagawa pa ng mga dummy account that you sa effort ninyo alam kong ito lang ang gusto ninyong marinig at gusto ninyo trending kayo.”AKO ANG REASON NG HIWALAYAN NAMIN AKO ANG MAY MALI LAHAT.”
“Mas masarap sundin yung puso natin kung saan masaya. Alam ko ito gusto ninyong marinig. Lalaki kong tatanggapin ang lahat ng ibabato ninyo sa akin. Sa mga gumawa ng dummy account ilabas ninyo na gusto ninyong ilabas. Andito buhay ninyo sa socmed eh kasi wala kayong buhay sa labas.”

Ayon sa Cabinet files informat na totoong lumabas socmed page ni Scottie ang naturang pahayag subalit agad naman itong binura. Pero marami pa ring nakakuha ng screenshot.
Ang sabi ng aming source. Duda sila na si Scottie nga ang nagsulat ng mensahe para sa kanyang mga detrators. “Hindi ganyang mag-post si Scottie, kaya ang paniniwala namin, ibang tao at hindi siya ang nagsulat ng deleted Facebook post.”

Komento ng ibang netizens:
“Malamang buntis si Jinky Serrano kaya shotgun wedding. Nasa huli ang pagsisisis ni Scottie Thompson.”
“Life goes on wag manghinayang sa memories kasi puwede pa naman natin gawin yan sa iba, TIME WILL HEAL.”
“8 years pinagpalit sa 2 months in fairness BUNTIS AGAD.”
Rendon Labador, kinaaliwan ng mga netizens dahil sa komento niyang ito tungkol sa hiwalayan ni Scottie Thompson at Pau Fajardo
Self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador bumanat na naman!
Usap-usapan ngayon sa social media ang kontrobersyal na pagpapakasal ni Scottie Thompson.
Ay Ginebra superstar umano ay nagpakasal na sa isang private ceremony sa Las Piñas, ayon sa ilang report.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga fans ng Ginebra ang matagal na relasyon ng basketball player sa fiancee nitong si Pau Fajardo at nagpropose na rin ang manlalaro sa dating nobya noong January 1, 2021.

Ngunit bigla na lamang lumabas ang litrato ng basketbolista na ikinasal sa ibang babae.

Ayon sa ilang report, ang stewardess mula sa Pampanga na si Jinky Serrano ang napangasawa ni Thompson.

At ang kasalan ay naganap noong unang linggo ng Hunyo.

Ito ay ilang buwan lang ang nakalipas na umugong ang balitang hiwalay na umano sila ni Pau Fajardo.

Dagdag pa sa ilang report, na kaya agaran ang kasalan ni Thompson at Jinky sa kadahilanang buntis na ito di umano.

At kailangan panagutan ng player ang dinadala nitong bata.

Kaya naman naging tampulan ng mga basher si Thompson dahil sa nangyari.
Ang ilan pa nga ay ginawa itong meme at bagay na bagay daw sa kanta ni Moira na “PAUBAYA”

Samantala, kinaaliwan naman ng mga netizens ang komento ni Rendon Labador ukol sa isyung ito.

Saad nito, “Na apply mo yung training natin Scottie dahil dito, pasado ka na sa team natin”

Kung matatandaan ay na-bash din online itong si Labador dahil sa pahayag niya.

Na kung gusto raw umangat o maging successful ng isang tao ay iwanan nito ang lahat kahit kapamilya pa raw ito.
Ilang beses din ito nakatanggap ng hate message dahil sa mga binitiwan nitong salita sa ilang netizens.
Saad pa nga ng marami noon na lumaki daw ang ulo ni Labador ng nakilala ito sa social media.
The post Mga Kaibigan Nina Pau Fajardo At Scottie Thompson, Isiniwalat Ang Totoong Nangyari Sa Dalawa appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments