Bilang isang ina, alam niya kung sino talaga ang kaniyang anak. Dinala niya ito ng siyam na buwan sa loob ng kaniyang tiyan at itinuring na pinakamagandang relong naibigay sa kaniya.
Kailanman ay hindi magkakamali o malilito ang isang ina sa pagkilala sa kaniyang tunay na anak.
Samantala, isang matinding rebelasyon ang lumabas sa mismong araw ng kasal na isinagawa sa Suzhou, China na kung saan nadiskubre ng ina ng groom na ang babaeng pakakasalan pala nito ay ang kaniyang nawawalang anak.
Napansin umano ng ina ng groom ang balat o birthmark sa kamay ng bride na tanging palatandaan niya sa kaniyang matagal nang nawawalang anak.
Ito din ang nag udyok sa kaniyang damdamin na itanong sa magulang ng babae kung siya ba ay tunay na anak o ampon.
Ayon sa magulang ng bride, walang sinuman ang nakaaalam na ampon lamang ang kanilang anak na babae kaya labis itong nagulat sa katanungan ng ginang. “Did you, by any chance, adopt your daughter?”
Isinalaysal naman nila ang buong kwento na noong nakalipas na 20 taon ay natagpuan nila sa kalsada ang batang babae at nagdesisyong ampunin ito at mahalin na parang tunay na anak.
Nang malaman ang katotohanan ay hindi nag atubiling mag- iyakan at magyakapan ng mag- inang matagal na nagkahiwalay. Maging ang mga bisita ay hindi napigilang umiyak din.
Samantala, isang malaking katanungan ang bumagabag sa lahat kung ang bride at groom ba ay magkapatid?
Bagaman kinakabahan sa magiging kasagutan, lakas loob nila itong hinarap.
Kwento ng ginang, inampon lamang din niya ang groom dahil nawalan na siya ng pag- asang mahanap ang kaniyang nawawalang anak na babae.
Dito ay binuhos niya ang pagmamahal at aruga na sana’y para sa kaniyang tunay na anak.
Gayun pa man, itinuring niya pa ding tunay na anak ang groom at paniguradong ibabalik ng lalaki ang lahat ng pasasalamat nito sa ginang sa pamamagitan ng tunay at busilak na pagmamahal nito sa kaniyang asawa.
0 Comments