Huli pero hindi kulong!
Iyan ang reaksyon ng mga netizens sa kumakalat na litrato nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.
Kamakailan nga ay namataan ang dalawa na magkasama diumano sa isla ng Boracay.
Unang lumabas ang litrato ng dalawang Kapamilya stars sa Facebook fan page ni Kiko.
Hindi man nakuhanang magkasama, halos pareho ang lahat ng makikita sa dalawang larawan na ipinost ng nasabing page, ang mesa, upuan, background, pati suot ng hotel staff.
Agad na pinutakte ng mga netizens ang nasabing post, may ilan pang binalikan ang mga pahayg noon ni Heaven.
Kung saan mariin niyang itinanggi na siya ang dahilan ng hiwalayan noon nina Kiko at Devon Seron.
Pati na din ang pahayag noon ng ina ni Heaven upang ipagtanggol siya sa mga bashers ay pinagkatuwaan ng mga netizens.
Samantala, ilang araw lang ang lumipas ay lumitaw na ang mga litrato nina Kiko at Heaven.
Na nagpapatunay na magkasama talaga ang dalawa sa Boracay.
Viral nga ngayon sa social media ang mga litratong kitang kita ang kanilang lambingan moments sa napakagandang isla.
May kuha pa na magkahawak kamay ang dalawa habang nasa airport.
Saad tuloy ng marami ay wala ng maitatanggi ngayon ang dalawa dahil kitang kita na ang ebidensya.
Kulang na lamang daw ay ang pag-amin ng dalawa kung in a relationship na ba talaga sila.
Narito ang ilan sa komento ng netizens:
“Idk why but I’m not convinced that they’re in a relationship. It’s more like going with the flow with publicity.”
“Di ko gets kung anong meron kay Heaven?!? Maputi lang naman sya. Ewan ko ba kung bakit ang dami guys goes crazy for her.”
“My impression of Heaven’s mom is strict & conservative. But seems like ok lang na solo out-of-town with Heaven. How old is she btw?”
Ikaw anong masasabi mo rito?
Kagagaling lang sa break up na young actor, spotted na kasama ang young actress sa Boracay
Pinagpepyestahan ngayon ang viral na litrato nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo.
Kahapon, June 10, in-upload sa Kiko Estrada – Unofficial Facebook page ang dalawang larawan nina Kiko at Heaven kasama ang tila isang hotel staff.
Hindi man nakuhanang magkasama, halos pareho ang lahat ng makikita sa dalawang larawan.
Ang mga lamesa, upuan, background, at pati suot ng staff sa nasabing lugar.
Nakalagay sa caption: “Wait. A. Minute! Kaping mainit”
Agad namang umani ng maraming reaksyon mula sa mga netizens ang litrato ng dalawa.
Kung matatandaan si Heaven ang tinuturong dahilan kung bakit naghiwalay noon sina Kiko at dating kasintahan na si Devon Seron.
Pinabulaanan naman ito ni Heaven noon at sinabing katrabaho at kaibigan lamang ang turing niya kay Kiko.
Naging malapit silang magkaibigan ng magkasama sa teleseryeng “Bagong Umaga”.
Kung saan kasama din nila sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, Michelle Vito, at Yves Flores.
Ngunit ng dahil sa kanilang mga larawan ay binalikan ng mga netizens ang naging issue nila noon.
Ipinunto pa ng isang nagkomento ang naging pahayag ni Heaven sa kanyang Instagram Stories noong March 12.
Kung saan mariin niyang tinanggi ang mga akusasyon laban sa kanya.
Ultimo ang pahayag noon ng kanyang ina ay kinwestyon din ng mga mapagmatyag na mga netizens.
Noong kasagsagan ng isyu, ipinagtanggol ng ina si Heaven laban sa bashers na nag-akusang ang anak niya ang dahilan sa hiwalayan nina Kiko at Devon.
Nabanggit din noon ni Heaven sa panayam kay Toni Gonzaga na, “Siguro po nung last taping po namin, ang dami naming scenes together. I feel like nabigyan lang yun ng another meaning.”
Samantala, napag-alaman na sa Paraw Beach Club Boracay kuha ang mga larawan nina Kiko at Heaven dahil na rin sa post ng isang staff doon.
The post Heaven Peralejo at Kiko Estrada, spotted na sweet na magka-holding hands sa airport appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments