Looking For Anything Specific?

Christian Bables, sobrang hiyang-hiya sa sarili ng umorder sa driver thru ng “Pop Star Meal” ng makita ang meme sa FB

Epic Fail!  Christian Bables naniwala sa viral meme meal ni Sarah Geronimo.

Natawa na lang sa kanyang sarili ang Kapamilya actor na si Christian Bables.

Ito ay matapos mabiktima ng fan-made ad poster ng “Popstar Meal” ni Sarah Geronimo.

Ang pangalan ng pagkain ay hango sa viral songs ni Sarah Geronimo tulad ng

“Tala” nuggets (star-shaped), “Ikot-Ikot” twister fries, gayundin ang Coke “Sarah,” na tila gaya sa moniker ng pop star sa “The Voice” na Coach Sarah.

Ang “pop star meal” ay inspired sa fast-food chain na kinuhang latest endorser ang South Korean boyband na BTS.

Sa kanyang online post kagabi, June 22, ikinuwento ng multi-awarded actor na nalaman n’yang hindi pala totoo ang Popstar Meal nang s’ya mismo ang um-order nito sa sikat na fastfood chain.

“Nag drive thru ako for the popstar meal, shet hindi pala to totoo. Napapala ng hindi nagbabasa,” pag-amin ni Christian.

Idinetalye pa n’ya kung ano ang naging reaksyon ng sevice crew sa kanyang order.

“Hi ate sa Jollibee drive thru, sa lutong ng tawa mo kanina nung ineexplain ko yung meal na merong coke sarah, busog na ako. Happy to have made your night.

“Hahaha yung pagkaka explain ko pa eh: ‘ate yung nuggets na star, na may coke sarah,’” dagdag pa n’ya.

“Sa lutong ng tawa ni ate, parang 10 years na kami magkaibigan,” pagtatapos ni Christian.

 

Naaliw naman ang kanyang online followers sa pag-amin n’ya sa kanyang funny experience.

Julia Barretto, walang kaarte-arteng nagkamay habang kumakain sa kanilang mukhang vlogs ng kaibigan ni Gerald

Tila walang kaarte-arteng Julia Barretto ang nasilayan sa vlog ng kaibigan ni Gerald Anderson.

Kamakailan lang ay naimbitahan si Julia nina Joe Vargas at Bianca Yanga sa kanilang vlog.

Sa nasabing vlog, gumawa ng video sina Joe at Bianca kasama si Julia na ginagawa ang mukbang challenge.

Iba’t-ibang Filipino foods ang nakahain, kabilang na dito ang Pork Barbecue, Fried Itik, Crispy Pata, at Ensalada.

Pero ang pinaka nakakuha ng atensyon ng maraming netizens ay ang pagkakamay ni Julia habang kumakain.

Saad ng ilan ay wala naman palang kaarte-arte itong si Julia.

Maliban dito ay kapansin pansin din ang pagiging kalog ni Julia sa nasabing video.

Game na game siyang nakipagkulitan at nakikipagbiruan sa mga kaibigan ng kanyang kasintahan.

At nang dahil sa videong iyon ay maraming fans nina Julia at Gerald ang nagrequest.

Nang ‘double date’ mukbang’ edition.

Tutal naman ay gumagawa na din si Gerald ng vlog para sa kanyang YouTube channel.

Madalas niya ngang kasama si Julia sa kanyang mga video.

Na laging nagbibigay kilig sa mga netizens.

Kamakailan nga lang ay isang intentse couple workout ang kanilang ginawa.

Kung saan naging personal trainer pa ni Julia si Gerald.

Nauna na din dito ang pagpapatikim ni Gerald sa kanyang nobya ng iba’t-ibang klaseng Street food.

Kung saan naging usap-usapan ang tungkol sa isaw.

Napulaan si Julia ng dahil sa isaw at naglabasan pa ang kanyang mga dating video.

Kaya naman bumawi ang aktres sa vlog nina Joe at bianca.

Umani siya ng papuri mula sa mga netizens.

Narito ang ilan sa kanilang komento:

“Nakakaaliw si Julia dito walang arte ha”

“Nagkakamay din naman pala siya game na game”

“Normal na normal si Juls sobrang natural”

“Abangan namin yung double mukbang date”

Narito ang kanilang video:

The post Christian Bables, sobrang hiyang-hiya sa sarili ng umorder sa driver thru ng “Pop Star Meal” ng makita ang meme sa FB appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments